CHAPTER 7
MATT's POV
"Boss, sinusubukan nilang tumakas sa warehouse."
"Let them. If they succeed, kill them all."
"Copy Sir."
Tsk, poor people.. Masyado silang nagpapadala sa emosyon nila. Hindi sila basta basta makakalabas sa warehouse na yon dahil una sa lahat, sobrang dilim doon sa loob pero may airconditioner naman para hindi sila masuffocate at para mas matagal pa ang paghihirap nila. Pangalawa, pinagiba ko lahat ng pintuan doon at ginawang pader kaya theres no way out maliban nalang kung dadaan sila sa kisame papuntang bubong at tatalunin mula 8th floor hanggang ground floor. Yes, warehouse siya na may 8th floors at talagang pinasadya ko yon para sa kanila.
Sobrang sama ko ba kumpara sa Matt Chou noon? Well, lahat naman ng tao nagbabago at kabilang ako sa mga yon. Sapat naman na dahilan ang pag-iiwas saakin ni Gous kay Yoko noon diba? Kaya heto ako ngayon, pinakita ko sa kanila si Courtey na kamukhang kamukha ni Yoko— HAHAHAHA, oo nga pala.. Si Courtey at Yoko ay iisa, nagkaron lang siya ng amnesia dahil sa kagaguhan ng asawa niya kaya hindi siya maka alala ng kahit na ano. Pero kung babalik man ang ala-ala niya? Nasa ibang bansa na kami noon at handa akong ipasagasa siya mawala lang muli ang ala-ala niya at para ako pa din ang mahal niya.
Paano ko nakuha si Yoko? Simple lang..
Flashback
Kasalukuyan akong nasa tapat ng hospital room ni Yoko ng biglang nasipasukan ang mga doktor at nurses kasabay ng pagtakbo paglabas ni Gous. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik na si Gous kasabay ng balitang nagpaguho sa mundo namin.
"Time Of Death 3:05 a.m"
Nang marinig ni Gous yung balita, agad na tumakbo ito palabas ng ospital na sinundan ng mag-asawang Nasaio kasunod sina Seryeo at Teri. Maya maya may lumabas na doktor at hinanap ang kaanak ng pasyente subalit sina Meigan at Sek lamang ang lumapit. Nagilalas kaming lahat sa sinabi ng doktor.
"It's a miracle, she survived! Maybe two days from now, makakarecover na siya." sabi ng doktor bago umalis sa tapat ng dalawa. Napangisi ako dahil sa narinig ko kaya naman gumawa na ako ng paraan para makuha si Yoko. Kumuha ako ng syringe at itinusok sa gamot na pampatulog at agad na isinaksak sa dalawang babae, at nagtagumpay ako, nakuha ko si Yoko. And the rest is history.
End Of Flashback
Kaya heto ngayon ang sitwasyon, nasa akin na si Yoko, ako na ang mahal niya at ako na ang nakontrol sa buhay niya habang ang Tokosaio, Nasaio, Seo at Yaki ay nagdurusa sa paniniwalang patay na ang pinakamamahal nilang kaanak/kaibigan. Smart move eh? *evil laugh*.
Sinanay ko din si Yoko para mailabas niya ang tunay niyang lakas bilang Black Crow Heiress, pero di ko siya hinayaang doon sumali dahil nasa Dark Lion ang serbisyo niya— a Mafia Clan na ako mismo ang nagtayo at ang mismong boss. She's one of the most deadliest assassin in Mafia World pero hindi ko alam kung paano nangyari dahil hindi ko naman siya nakitang nalaban. Isang babaeng naka mask, black na sando at short na maiksi lang ang palagi kong nakikitang nakikipaglaban kapag may nakakaharap na ibang Clan ang Clan namin but I don't care. As long as pumapangalawa na ang Clan na itinayo ko, hindi ko pakikialaman ang identity ng taong iyon at handa akong ibuwis ang buhay nang misteryosang taong iyon para lamang maungusan ang nangungunang Clan— ang Clan Tokosaio na hindi naalis kailanman sa unang pwesto. Every underground battle, laging nananalo ang Clan ni Gous oras na magpakita ang walanghiyang katauhan niya na si Cross, samantalang ang Clan ko naman, lagi na lamang pumapangalawa dahil kapag nakakaharap na ng misteryosang taong iyon si Gous, bigla na lamang humihina ang depensa nito at kusa na lamang nalabas ng arena. She's always doing that everytime she face Gous Tokosaio. Minsan gusto ko nang isipin na takot siya kay Gous pero napatunayan niyang hindi dahil noong nakaraan lang ay nakipaglaban siya dito ngunit ng matatanggal na ang maskera niya, nagtatakbo siya palabas ng arena kahit na sugatan pa siya. They called her Killer Of Darkness dahil sa hindi malamang identity niya.
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
General FictionBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!