Unexpected #15.2

32 2 0
                                    

Hello Guys! 'to na yung UD, sorry talaga kung masyadong natagalan, busy kasi ako sa studies ngayon eh :( Graduating na din ako, Grade 10. De pero joke lang talaga yun, masyado lang akong tinatamad mag-update, although isa na din sa dahilan nga na may pasok na. Actually dapat mag-uupdate ako nung bakasyon eh, but I'm so lazy. Sorry guys! 


Pero I'll try naman na mag-update na ako once a week :). Sana lang talaga hindi ako tamadin HAHAHAHA. Masyado kasi akong tamad kaya sorry x.x 


Actually, 'tong update na 'to, dalawang beses ko ginawa. Hindi nasave yung una kong ginawa, nakakainis diba? T_T HAHAHA. Kaya ayun, mas lalo akong tinamad. 


Wala na ata akong sasabihin, so ayun lang. Enjoy-in niyo 'tong update ha? :) Yun lang! THANK YOU VERY MUCH lalo na sa paghihintay ng update ko. Hihihihi ♥ HAHAHAHA. 


PS. ULITIN NIYO SA SIMULA YUNG STORY GUYS. MAY MGA BINAGO AKO DOON, AND I'M SURE NAMAN NA NAKALIMUTAN NIYO NA DIN YUNG IBANG PARTS. SO AYUN! HAHAHA TAPOS YUNG MGA NAGLAGAY SA LIBRARY NG STORY KO, IDELETE NIYO TAPOS ILAGAY NIYO ULIT PARA MAKITA NIYO YUNG PAGBABAGO LALO NA SA MGA NAKA MOBILE.

THANKS AGAIN! :) 











~ UNEXPECTED #15.2 ~

~ZELLE'S POV~

Nandito kami ngayon sa mansion namin. Oo mansion, bakit aangal ba kayo?! Pero heto sila ngayon,(-__-) nagkakagulo. Ang gulo na nila!!

Hindi sila mapakali sa kakapicture. Ready na naman na kami, hindi na namin kailangan magpalagay ng make-up. Marunong naman na kami maglagay ng mga ganon. Atsaka kahit naman wala kaming ganon, maganda pa din kami 'no. Duh!

"Oy Zelle! Picture tayo daliii!!" yaya naman sakin nung apat.

"Tsk! Hindi ba kayo nagsasawa kaka-selfie?" inis na tanong ko naman sakanila. Mamaya punong-puno na ng pagmumukha namin yung camera. Tsk!

"Hindi!" sabay-sabay na sabi pa nila at ngiti pa sa'kin. Hay nako! Wala ng pag-asa 'tong mga 'to. Kaya wala akong nagawa kaya nakisali na din ako sa picture taking nila.

"Sige. Pero onti lang ah."

*1*

*2*

*3*

*click*

*click*

*click*

*click*

*click*

"Hoy tama na! Tsk!" natauhan naman sila sa sinabi ko kaya nagsilayuan naman sila sakin.

"Sus! Ang Kj mo naman!" reklamong sabi nung apat sakin kaya hindi ko na lang sila sinagot at tinignan ko ang itsura ko sa repleksyon ko sa phone.

"'Nga pala Ghlenn, palagay ako ng phone at wallet ko sa bag mo ha?" sabi naman ni Kiara kay Ghlenn. Ay oo nga pala, pati ako walang dalang bag. Nakakatamad kaya magdala.

"Hoy! Hindi pwe-" bago niya pa matapos ang sasabihin niya, nilagay na namin agad ang phone at wallet namin sa bag niya kaya wala na siyang nagawa.

"Mga tamad! Ginawa niyo pa akong Personal Assitant!!" asar na sabi naman samin ni Ghlenn.

"Pinalagay lang, P.A agad? Ang O.A mo ha!" sagot naman sakanya ni Rochelle kaya inirapan na lang siya ni Ghlenn.

"Hindi pa ba tayo aalis?" sabi ko naman sakanila, kanina pa sila nagdadal-dalan dito. Malapit na din magstart ang party.

"Tara na." Yaya naman samin ni Yvonne kaya lumabas na kami sa may garahe para kuhain ang kotseng gagamitin papunta sa school.

The Unexpected Love. [ HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon