Chapter 9

766 26 1
                                    

Thomas' POV:

I woke up at 10 AM. Late na gising na ito para sa akin. I'm glad na kaka-champion lang namin sa basketball division ng UAAP kaya medyo tinagalan ni coach ang aming free time. I received a text from our captain ball.

"Thomas, nauubusan na tayo ng food supply sa dorm. Medyo naghahabol ang ibang archers including me and I could see na chill life ka lang. Could you please shop today?" Text niya sakin.

"Oo na, oo na. Asan pera?" Text back ko sa kanya.

"Nandyan lang sa itaas ng ref pre. Nandyan na din yung listahan sa ilalim." Last text niya.

Hindi ko na nireplyan. Bumangon na ako at dumiretso sa may ref. Nandun nga naman yung pera. Medyo mahaba yung listahan ng pinapabili nila ha? Lumingon naman ako lamesa. Aba? Mukang pinaghandaan ang pag-uutos sakin dahil may omelette na na luto at may note pa na...

"Thanks bro! Eat up!"

Hahaha! Kunware hindi ko nahalata na pinaghandaan nila ang pag-uutos sakin.

Pagkatapos kong kumain, naligo na din ako at naghanda sa aking pag-alis. Napagdesisyunan ko na sa MOA na lang mag-grocery para makagala na din ako.

Pagbaba ko ng sasakyan, una kong pinuntahan ay ang isang milk tea store. Trip ko lang na may iniinom ako habang naglalakad. Biglang may kumulbit sakin at sinabing..

"Hi kuya Thomas, pwede po bang papicture?" Sabi nung babae.

Pumayag na lang ako. Sino ako para tumanggi? Hahaha!

After ng picture taking, umalis na ako sa milk tea shop at nagtungo sa department store, mukang kailangan ko nanaman bumili ng pang-disguise para maging peaceful naman ang pagmumuni-muni ko dito sa MOA.

Bumili ako ng cap at shades. Ang init init kasi maghu-hoodie pa ba ako? After buying those things, I went to the grocery store to complete my task here.

Madami-dami rin akong binili, ingredients ng ulam, tinapay, palaman, hygiene materials. Bakit kaya kung kelan ako mag isa tsaka ang daming pinapabili? Tsss..

Inilagay ko muna sa kotse ang pinabili ko tapos saka ako bumalik sa loob ng MOA. May nakita akong pet store dun at nakakita ako ng sobrang cute na shih tzu. Tinititigan ko ang mga ito nang may narinig akong nagsalita sa gilid ko.

"Buti pa kayo, nakikipagkulitan lang sa mga kapatid niyo tapos kapag may bumili na sa inyo at inalagaan kayo ng mabuti, masaya na kayo." Sabi nung babae.

Lumingon ako and then there I saw Ara. She looked so sad. Aura niya pa lang parang nada-down na ako. I noticed something na hawak niya. It was a sound recorder.

Tinigilan na ni Ara ang pagtitig sa mga tuta at naglakad papalayo. I don't know why pero sinundan ko siya. Mahal ko nga kasi diba. She went to Starbucks and ordered a drink. Alone time nanaman siguro niya. Umupo ako malapit lang din sa kanya, 1 table away from her.

She sat down, drank a little then sumandal sa sandalan ng sofa na inuupuan niya. Nilagyan nya ng headphones yung sound recorder. I saw her press play but eventually, tinigil niya din. I looked at my watch and noticed na it's already 6 PM. Hindi ko talaga napansin na ganun na pala katagal yung paggagala ko dito, siguro kasi ang laki ng MOA kaya di ko alam na madaming time na ang nate-take ko.

I looked at her again. She pressed play and stopped it again, eventually. Anong problema nito? Teary-eyed na siya. So maybe may something sa recorder na nakakapagpa-iyak sa kanya. I looked away. Na-realize ko na minsan mas okay din pala na sa dilim ko na lang siya nakikita, kasi the way na I'm seeing her hurt, nasasaktan na din ako. Sobrang nag-iisip ako nang mag-ring ang phone ko.

FearlessWhere stories live. Discover now