Chapter 4

669 20 2
                                    

Ara's POV:

Weeks passed by. Hindi ko na maexplain ang nararamdaman ko.

Andito ako ngayon sa park. Tapos na ang hours na pwedeng magpunta dito pero dahil isa akong makulit na bata, alam kong may sira yung bakod kaya nakakapasok pa din ako kahit disoras na ng gabi. Nakahiga ako ngayon sa blanket sa damuhan. As long as walang ilaw dito sa park, walang makakakita sakin.

Well, alam naman ni Mika na nagpupunta ako dito. Minsan nga niyayaya ko siya kaso busy daw siya tapos ayaw niya rin na pumupunta ako dito kasi nga daw walang ilaw at hindi ko daw alam kung anong mai-encounter ko dito.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Jusko Lord, sana pala sumunod na lang ako kay Mika jusko kinakabahan talaga ako sagad!!

Napagdesisyunan kong mauna nang magsalita.

"Uhm.. hi?"

Naramdaman kong nabigla siya.

"Akala ko ang lugar na 'to ay para lang matahimik ang mga tao tutal bawal din ang tao dito ngayong disoras ng gabi." Seryosong pagkakasabi ni "kuya"

Woah there. Lalaki siya. Kinakabahan na talaga ako sagad. :(

"Ah sige. Alis na ako ha. Bye!"

Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila.

Sinabi niyang..

"Dito ka muna please?"

Wala na akong nagawa kundi umupo ulit. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong naiiyak na siya.

"Uhm.. kuya, ano ba kasi meron?" Tanong ko sakanya.

"Pwede bang mag-relax ka? Hindi ako rapist." He said with a chuckle.

"Eh kasi naman, hindi naman normal na may pupuntang lalaki sayo sa dilim no!" Sabi ko.

"Wag ka na kasi magreklamo, di mo pa nga ako kilala e!" Sabi niya naman sakin.

"Ay, osige kikilalanin na kita."

Ilalabas ko na dapat ang phone ko para ilawan ang muka niya pero..

"Hindi, wag muna."

Sabi niya sabay tabig ng kamay ko na dapat e papunta na sa bulsa ko.

"Bakit?"

"Mas masarap kasi magshare ng nararamdaman sa mga taong hindi mo pa kilala. At least, walang mangja-judge sayo agad." Sabi niya with a heavy sigh.

Ang weird naman nitong lalaking 'to. Should I trust him?

"Please? Pwede ba akong mag-share sayo?" Tanong niya sakin.

HELLO? MAY CHOICE BA AKO? KAASAR NAMAN.

"Sige na nga." Sagot ko sa kanya at nag-relax na ako sa pagkakaupo ko.

"Well, I have a family problem right now and a love problem." Sabi niya.

"Go on.." I told him.

"Uhm.. unahin ko na yung sa lovelife ko. Nakipagbreak ako sa recent girlfriend ko."

"Eh bakit mo ginawa yun?"

"Hindi ko na kasi siya mahal."

"O, e anong ikinalulungkot mo? E diba dapat para kang nabunutan ng tinik?" Bogart naman nento -.-

"Eh kasi I don't know how will I make a move to the person I am falling inlove with." Sabi niya na parang bata.

"ah..." sabi ko.

FearlessOnde histórias criam vida. Descubra agora