Chapter 8

691 22 1
                                    

Mika's POV:

"WHAT?! ANONG BABE?!" Sigaw ni Ara.

Napatingin kaming tatlo sa kaniya. Si Thomas halatang gulat din sa mga narinig.

Nakita ko na may namumuo nang luha sa mga mata ni Ara tapos tumalikod siya at tumakbo palabas ng adobo connection. Tumakbo na din ako para sundan siya.

Nakarating kami sa seaside ng MOA. Jusko, nakakapagod pero ang iniisip ko lang ngayon ay ang nararamdaman ni Ara.

Niyakap ko siya agad agad nung naabutan ko siya. Tumigil siya sa pagtakbo at unti-unting humagulhol. Nakita ko si Jeron at Thomas na nakasunod din pala sa amin.

"Bakit ka ganyan Mika?!" Tanong niya sakin.

"Ara, sorry. Sorry sorry please. Sorry." Sagot ko sa kanya, naiyak na din ako.

"Ikaw.. *sobs* kasi.. *sobs* eh.. *sobs*" Iyak pa din siya ng iyak.

Awang-awa na ako kay Ara. Bakit ganito? :( Hindi ko na tuloy alam kung ano ang tama.

"Mahal na mahal kita, Mika. Alam mo ba yun? Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam sayo nun?" Sabi niya in between sobs.

"Sorry Ara, mahal din kita. Ano ka ba?" Sabi ko.

"Mahal? Mahal mo ako? Pag naniwala ako parang sinabi ko na din na gusto kong bumagsak sa lahat ng major subjects ko." Sabi niya.

Sasagot pa sana ako nang nagsalita siya ulit.

"Hindi mo alam, Mika, kung ano yung pagmamahal. Kasi kung mahal mo ako, ako lang dapat ang nandyan sa puso mo, hindi yung may iba kang mahal.Siguro, siya talaga ang mahal mo. Kasi kung ako ang

mahal mo, hindi ka naman maiinlove sa kanya, diba?" Sabi ni Ara sakin.

Nagpumiglas siya sa yakap ko pero hinigpitan ko pa lalo yung pagkakayakap ko. Sobrang naaawa at nagiguilty ako sa nagawa ko kay Ara.

Mas malakas siya sakin kaya ayun, nakatakbo na siya. Tatakbo na sana ulit ako nang...

"Babe, wag na, it's not worth it." Hawak ni Jeron sa kamay ko at niyakap niya ako.

"Ako kasi e. Bakit kasi hindi ko muna inayos yung sa kanya bago kita piliin?" Sabi ko in between sobs.

Nakita kong umalis na si Thomas, nagtatakbo pa nga e.

---------------------------------------------------------------------

Ara's POV:

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sa bahay? No. Pampanga pa yun e. Sa dorm? No. Intriga ang abot ko sa bullies. Sa school? Saan naman dun?

...

Sa park!

Wala na akong pake kung madaming nakakakitang umiiyak ako ngayon.

"Uy, si Ara Galang yun diba?"

Agad-agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa isang park malapit sa dorm. Yung pinagkitaan namin ni Mistery guy.

It's already 9PM. Hanggang 8PM lang ang bukas ng park na ito kaya andito nanaman ako sa madilim na parte ng lugar, para sigurado na hindi ako makikita ng guard.

Dito ko inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ibinuhos ko talaga ang iyak na meron ako. Mga higit 1 hour na siguro akong nag-iiiyak dito nang may nagsalita bigla.

"O, tapos ka na?" Tanong nung lalaki.

Hindi agad nag-register sa utak ko kung sino yung lalaki.

FearlessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang