Chapter 13

659 24 0
                                    

Author's Note: Hi, magbabago po ako ng writing style kasi mejj nahihirapan ako dun sa writing style ko. Hahah. Ayon lang po. Happy reading! :)

---------------------------------------------

Thomas' POV:

Napalingon kami ni Ara sa nagsalita. Nakita namin si Coach Ramil at Coach Juno na magkasama. Nasa likod din nila ang school nurse, nasabi na siguro ang tungkol sa nangyari sa akin.

Iniwan na lang muna ni Ara ang kanyang bag sa benches. Magsisimula na ako maglakad nang..

Ara: Thomas..

Napalingon ako sa kanya, lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Thomas: Huy, bakit?

Ara: Thom, hindi naman nagpapatawag si Coach Ramil ng basta-basta sa office e. Natatakot ako Thom.

Thomas: Ara, sabay naman tayong haharap sa kanila ah? Wag ka na matakot.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Sabay na ulit kaming naglakad.

-------------------------------------------

Mika's POV:

Matapos ang "awkward" na sitwasyon sa dorm ng Archers kanina, napagpasyahan na din namin ni Jeron na maglakad papunta sa gym. Kumuha lang naman kasi talaga siya ng gamit para sa training.

Hinawakan na ni Jeron ang kamay ko. Awtsu sa landi. Haha!

Jeron: Ye, anong naramdaman mo kanina nung nakita mong magkayakap si Ara at Thomas?

Mika: Bakit mo natanong?

Jeron: Bakit hindi mo masagot?

Mika: Sa totoo lang, nagselos at nasaktan ako.

Bumitaw siya sa kamay ko at tiningnan ako ng seryoso, yung tingin na nagsasabi na kailangan kong i-explain ang sagot ko.

Mika: Babe, nagselos ako dahil dati, tuwing umiiyak si Vic, saakin siya lumalapit. Ako lang ang taong kaya niyang iyakan, sa akin lang siya komportable umiyak. Nagselos ako dahil hindi na ako yun ngayon, may iba nang nagcocomfort sa kanya. Nasaktan ako dahil kahit gaano ko kagustong i-comfort ang bestfriend ko, hindi pwede kasi the more na lumalapit ako, the more siyang nasasaktan. Ang sakit lang na dati ikaw nagpapagaan ng loob niya, pero ngayon ikaw na ang dahilan ng sakit sa dibdib niya.

Jeron: *hugs Mika* Akala ko po mahal mo pa siya. :(

Mika: Mahal na mahal ko yung bestfriend kong yon. Kaya tigil-tigilan mo yang selos mo ah! May kasalanan pa tayo dun, correction, malaking kasalanan. Alis alis! Puro hug e!

Jeron: Hard mo naman. Tara na nga!

Hinawakan na niya ulit ang kamay ko at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang gym.

Pagpasok namin ng pinto, saktong naabutan namin si Thomas at Ara na nag-uusap. After nung last na sinabi ni Thomas, nagulat ako sa ginawa ni Ara dahil hinawakan niya ang kamay ni Thomas at sabay silang naglakad. Sila na ba agad-agad? Eh kaninang umaga ko lang kinausap si Thom ah?

Nakita kong pumasok sila sa office nila Coach Ramil. Hmmm, bakit kaya? Pinisil ni Je ang kamay ko.

Jeron: Ye, ayos ka lang? Bakit kaya sila ipinatawag?

Mika: Oo, ayos lang. Ewan ko nga din e.

Sakto namang bumukas ang elevator at naglabasan ang bullies kasama ang ibang lady spikers.

FearlessWhere stories live. Discover now