Chapter 29

626 31 5
                                    

"Ano ba kasi nangyari dun Den?" Paulit-ulit kong tanong kay Denden habang nag-iintay kami ng sasabihin ng doctor sa lagay ni Ara.

"Babalik na kasi sana kami dun sa may kabilang rock. Then she slipped lang eh nashock ako, di ko siya nahawakan." Sagot niya.

"Paano nga madudulas eh magaspang yung batong yon? Den naman! Sana hinawakan mo agad, hindi pa nga okay yung leg ni Ara baka naman mapano siya. Baka di na gumalaw yan sa takot na mapahamak siya!" Sagot ko sa kanya.

"Eh bakit nga ako ang sinisisi mo? I was shocked okay? I'm sorry. Saka kahit naman kayo you didn't get to her fast enough." Sagot ni Den.

Nagkatinginan na lang kami ng mga kasama ko. Wala pang tumatawag sa amin sa Manila dahil nagtitiwala kami na okay lang naman si Ara.

I noticed Bang na sobrang talim ng tingin kay Denden. She's still my girlfriend after all so I wrapped my arms around her waist habang nakatingin kay Bang.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor at naunang tumayo si Kuya Djun at Ate Ria.

"Doc, how's Ara?" Agad agad na tanong ni Ate Ria.

"You can all calm down. Minor concussions lang naman at madami siyang bugbog sa katawan, regarding her knee, wala pang balita. She has a huge bruise on her head since naunang bumagsak ang ulo niya kesa sa lower body nya. Anyway, I think it's best if ma-confine muna siya dito for observations. Thank the Lord that it's nothing serious." Mahabang statement ni doc.

I noticed Ate Ria na napahinga ng malalim which means na medyo nabawasan na ang worry niya for Ara.

My worries never lessened.

That night, we all decided to go back to our house to gather Ara's things. Hindi pa nagkakamalay si Ara kaya nagsabay sabay na muna kami umuwi.

"What really happened there, Den?" Agad agad namang tanong ni Bang kay Den pagpasok pa lang ng bahay.

We all stopped from moving kasi halatang galit si Bang.

"Ako nanaman tatanungin niyo? Ano bang parte ng nadulas siya ang di niyo maintindihan? I tried reaching for her but it was too late. Tapos ang usapan." Den fired back.

"Wag mo kami gawing tanga, Den. Nadulas sa bato pero naunang bumagsak ulo?! Kami pa ba talaga gagawin mong bobo?" Woah? She has a point.

Huminga lang ng malalim si Denden at pumasok ng kwarto namin. Kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas din, "I can't take this. I'm going back to Manila."

She rushed to the door na kahit akong boyfriend niya ay di siya nasundan.. kasi kahit ako hindi ko alam kung maniniwala ako sa kwento niya.

•••••

ARA

Binuksan ko ang mga mata ko and agad agad akong nasilaw sa maliwanag na kwarto. Nasaan ako?

Maya maya pa ay may pumasok sa kwarto, I realized na it's Thomas.

Oh right, nalaglag ako sa bato dahil sa girlfriend niya. Should I tell him?

Agad agad namang sumigaw si Thomas nang makita akong gising. "Ate Ria! Kuya Djun! She's awake na."

Hay, conyo talaga.

Magkasunod namang pumasok ang ate at kuya ko na dumiretso sakin para yakapin ako. "Ara, okay ka lang ba? Masakit pa ba?" Tanong ni Ate Ria.

"Okay lang po ako. Medyo masakit pa nga talaga katawan ko." Sagot ko.

"Dami mong pasa, Ara." Sabi ni Kuya.

"Hala?! Di nga? Ibigsabihin panget na ako? Huhuhu." Nakuha ko pa talagang magbiro kasi kitang kita ko na alalang alala sila.

"Sus, kahit kelan di ka na papangit." Biglang sabat nung bansot.

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon