Chapter 25

677 31 5
                                    

ARA

8:30 PM na nang ihatid ni Thomas si Denden pauwi. Nakaka-15 minutes na simula nung umalis siya pero eto ako, nakatulala pa din sa hangin. -.-

"Hoy Ara, ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Ate Ria.

"Ah wala ate. Sumasakit lang tuhod ko kasi." Sabi ko na lang.

"Ganun ba iha? Gusto mo mahiga ka muna sa taas? Papasanin ka na lang ng kuya Axel mo." Sabi ni Tito Daddy.

"Okay lang po ba yun? Sige po. Pasensya na po ha gusto ko naman po talagang makihalubilo dito sa inyo."

Ipinasan na ako ni Kuya Xander pataas ng hagdan. "Ara, dito ka na lang sa kwarto ni Thomas ha? Yung guest room kasi inaayos pa."

"Ah eh, kuya baka magalit si Thomas." Sabi ko naman.

"Trust me, Ara. Hindi magagalit yun." Sabi ni Kuya Xander tapos nginitian ako.

Ibinaba niya na ako. Naglakad na ako papasok sa kwarto ni Thomas. Nakakalakad na naman talaga ako, kaso minsan kumikirot pa din. Over protective din ang mga tao sa paligid ko kaya gusto nilang binubuhat-buhat ako.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Thomas. Paghakbang ko papasok ay napansin ko na may gumalaw sa right side ko, napalingon ako malamang.

"Mavic!!!" Hindi ko matago yung excitement sa sarili ko. Na-miss ko talaga 'tong Golden Retriever namin ni Thomas.

Lumapit siya sakin at hinawakan ko yung ulo niya. Naglakad ako papuntang kama ni Thomas at umupo doon, umakyat naman si Mavic at inilagay ang ulo sa leg ko. "Hanggang ngayon malambing ka pa din no? Namiss talaga kita Mavic!!"

Napatingala ako at napatingin sa wall ng kwarto ni Thomas. Nakita ko ang "T&A" sa dingding niya. Andito pa din pala 'to.

Niyakap ko ang ulo ni Mavic nang biglang may nagsalita. "Namiss ko yan.. este namiss ka niyan." Napalingon ako at nakita ko si Thomas sa may pintuan.

Tumayo naman tong si Mavic at nagtatakbo kay Thomas. Pumunta ito sa likod nito at tinulak si Thomas papunta sa tabi ko. Aba, marunong pala itong asong 'to. Umupo si Thomas sa tabi ko.

"Sige alis na ako." Sabi ko kay Thomas.

Patayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko, "Aalis ka nanaman? Don't you think it's time for us to talk, Ara?" Psh, bakit kasi injured pa ako. Kung hindi e di sana tumakbo na ako papalabas.

"Ako pa talaga yung "aalis nanaman?". Sino ba ang naunang nang-iwan?" Hindi ko talaga matantsa 'tong bansot na 'to e. At least, aminado akong bitter talaga ako sakanya.

"Look, Ara...."

"Anong look? Ano nanamang titingnan ko Thomas?"

"I didn't mean to break your heart."

"You didn't mean to break my heart?! Anong tingin mo Thomas? Ganun lang? You broke me, the whole me. You know na ayoko na sanang makipagrelasyon, pero pumayag ako, bakit? Kasi dahil sa mga punyetang pangako mo! Tapos bigla mo akong ibebreak? Hindi ka man lang lumaban para sa'tin?"

"Pero Ara, wala ka naman kasing alam sa mga nangyari!"

"Wala akong alam? Thomas, you don't know how that fucking night haunts me!!! Dinaig pa nung break up night natin lahat ng horror movie nights ko! I've always thought na pinakatakot ako sa mga multo, pero that night, I realized that my worst fear was losing you."

Napayuko si Thomas. "Ara, kumalma ka naman. I'm trying to explain here."

"Fine, Thomas, explain."

FearlessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang