Chapter 24

729 33 4
                                    

ARA

3 months had passed simula nung unang foodtrip ng FaTunay kasama kaming dalawa ni Bang. Sa 3 months na yun, palagi kaming magkatext ni Bang. Wala, naaaliw ako sa kanya kasi kalog din siyang tao.

Nandito ako sa bahay ngayon dahil malapit na ang Christmas at binigyan naman kami ni Coach Ramil ng Christmas break kahit papaano.

"Ara, dun daw tayo kakain sa bahay ng asawa ni ate Ria mamayang gabi." Sabi sakin ni Teytey.

"Kelangan ko ba sumama? Pwede namang wag na eh?" Sagot ko sa kanya.

"Hindi pwedeng hindi." Sabi naman ni Papa.

"Pa, di na nga ako makalakad igagala nyo pa ako." Pagtanggi ko pa din.

"Ganyan ka naman, Ara. Kapag si Bang kasama kung saan saan nakakarating tas sa dinner kila Xander, di ka makakasama?" Kinonsensya pa ako ni Ate Ria.

Yes guys, bumalik ang lalaking nakabuntis kay Ate Ria at pinanagutan na sila ni Baby Josh.

"Ayshh. oo na nga!" Sabi ko.

Napatawa naman si kuya Jun at umapir kay Ate Ria. "Lakas mo talaga kay Vic." Sabi niya pa.

Bakit naman kasi kailangan pa sumama? Eh ayoko sana e. :(

- * - * - * -

THOMAS

Kakagising ko lang at dito ako sa bahay nagsestay ngayon dahil Christmas Break naman. Hindi pa ako nakakabangon nang may kumatok sa pinto ko.

"Thomas.." Pagtawag sakin ni Mama.

"Ma, bakit po? Pasok po." Nakahiga pa din ako at unti unting binuksan ni Mama yung pinto.

"We'll have visitors later and gusto ko na yayain mo din si Denden na dito magdinner ha?" She told me.

"Ohh. Sure po Mama. Nag-abala pa po kayo na magpunta dito e pababa na din naman po ako." Sagot ko sakanya.

"Hahaha, gusto ko lang makita yung gwapo kong anak." Napatawa naman ako. Nanlambing pa to si Mama.

"Bolera ka ma. Opo na. Bangon na po ako." Sabi ko sakanya.

Tumayo na din siya ng kama at nginitian ako, "Bumaba ka na. We'll have breakfast and tell Den, okay?"

At lumabas na siya ng pinto. I called Denden.

*Phone Call*

Denden: Hello Thom? Good morning!
Thomas: Good morning din. Do you have plans tonight?
Denden: So far, wala. Hehe. Why? Date nanaman ba?
Thomas: Hmmm. Sort of, but with family. Papuntahin daw kita dito sabi ni Mama.
Denden: Oh. Ano meron?
Thomas: May mga bisita daw mamaya eh. Eh sabi ni Mama invite din daw kita.
Denden: Ganun ba? Okaaay. Makakatanggi ba ako sayo? Hahaha. Love you baby. Alis muna kami nila mommy.
Thomas: Okaay. Ingat ah! I'll pick you at 5PM.

*Call ended*

- - - - - - -

Bumangon na ako sa kama and started brushing my teeth at bumaba na ako para magbreakfast.

"Good morning Kuya Thom!" Sabi ni Kat at hinili ako papuntang table.

"Good morning din Kat pero bakit energized ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ako kasi nagluto ng breakfast eh!" Sabi niya.

Napatingin ako sa table. Omelette, bacon, fried chicken at fried rice.

The same breakfast she used to make for me.

"Kat. Kanino ka natuto magluto?" Tanong ko.

"Kay Ate Ara ko natutunan yang mga yan e." Sabi ni Kat.

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon