2. Alien

145 6 0
                                    

|Jeremy's Point of View|

7:30 na ng gabi, ngayon lang kami nakauwi ni Tito Larry sa mga unit namin. Bigla kasing may emergency sa building ng Company na pinagtatrabahuan namin. Yung boss ko kase na 80 years pataas na ay biglang inatake sa puso, kaya naman nagkaroon ng meeting na isarado muna ang building namin sa araw na ito at pagkatapos non ay pumunta kaming lahat na emplyado sa hospital para dalawin ang boss namin. Ok lang naman daw ang kondisyon niya, at sa loob ng 1week kailangan niyang magpahinga.
Pumasok na si Tito Larry sa unit niya na ilang unit lang ang layo sa unit ko. Si Tito Larry pala ang nagsuggest na magapply ako sa Company na iyon, pero minsan lang kaming magkita dahil masyadong komplikado amg mga schedules niya.
Binuksan ko na ang pinto sa unit ko at nang pumasok ako, nandon pa rin sa sofa si Alex o Alexus? Hindi man lang siya umalis doon?
"Ah , Alex!" Tinawag ko siya habang papunta ko ng sala. Lumingon naman siya.
"Baket?"
"Hindi ka ba talaga umalis diyan?" Tanong ko ulit habang nakatayo na ako sa harapan niya habang nakaupo siya.
"Hindi." Napasapo tulong ng palad ko ang noo ko dahil sa sinabi niyang yon.
Hindi siya umalis sa sofa na yon?! Ano ba naman tong babaeng ito? Pulubi ba to o ano?
"Talagang diyan ka lang sa sofa na yan magdamag?"
"Oo. Eh nasambit mo sakin na dito lang ako, at huwag na huwag akong aalis dito." Pagpapaliwanaga niya.
"Ang ibig kong sabihin, huwag kang aalis sa luga na ito! Huwag kang aalis sa bahay o unit na to! Wala ka bang common sense?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Meron." Nagpigil na lang ako sa inis ko, kung hindi baka ano pang magawa ko sa kanya.
Nagorder na lang ako ng pagkain sa isang restaurant at inaya ko na lang kumain si Alex. Hindi niya daw alam kung paano gamitin ang spoon and fork. Wala naman akong nagawa kung hindib turuan siya. Mabilis din naman siyang matuto kaya nakakain kaming pareho ng maayos. Pagkatapos naming kumain, tinanong ko sa kanya ko kung gusto niyang maligo. Pero ano isusuot nito? Mmhh? Ah! Oo! May damit pala si Ate Jane na iniwan dito at siguro kasya na rin sa kanya ang mga damit niya. Nasa UK na ngayon si Ate Jane at pinamana na lang itong condo unit niya sa akin.
"Oh eto." Inabot ko sa kanya ang mga damit ni Ate Jane na kinuha ko mula sa Storage Box.
"Ano yan?" Tanong ni Alex.
"Damet?!"
"Ano yun?" Tanong niya ulit.
"Isuot mo pagkatapos mong maligo!"
"Anong maligo?"
"Teka nga? Ano ka ba talaga? Bakit wala kang kaalam alam sa mundong ito? Pulubi ka ba o ano? Ang hirap kasing magexplain! Napakasimpleng bagay hin--" naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi ako nagmula sa planetang Earth."
"??" Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. Pero iisa lang ang nararamdaman ko ngayon,
"AHAHAHAHAHA!!"
"Bakit ka tumatawa?!"
"AHAHA! H-hindi ka mula sa p-planetang i-to? AHAHAAHAHA!!"
"Anong nakakatawa don? Totoo naman ah.." Medyo natatawa pa rin ako at halos mahiga na nga ako dito sa sofa. Nakaupo kasi kami ngayon ulit sa sofa habang magkaharap kami.
"Ang gusto mo bang sabihin, aline ka? Ganon?! AHAHAHA." Di naglaon, napatigil ako sa pagtawa nang nakita ko si Alex na nakaangat ang kamay at nakafocus sa ginagawa niya. Yung style ng pagangat ng kamay niya ay parang may kinokontrol siya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Pero di siya sumasagot.
"Hooy! Ano ba? Natatakot nako ha!"
"Basta lumingon ka lang." Sabi niya sa kin.
Sinunod ko na lang siya. Lumingon ako ng dahan dahan, sobrang bagal ang galaw ng ulo ko dahil natatakot ako kung ano man ang makikita ko sa likod.
O_O!
"AHHHH!!" Napasigaw at napaatras tuloy ako nang makita kong lumulutang yung flower vase sa kasama niyang mesa nung paglingon ko. Lumingon ulit ako kay Alex poara tignan siya. Pero ganun pa rin ang mukha niya, pati yung pagangat ng kamay niya.
"Nanininwala ka na?" Tanong niya sa kin. Hindi ako makasagot dahil na rin sa mga halong emosyon na meron ako. Hindi ko alam kung mamamangha ako, matatakot o kakabahan!
Pero maya maya, mas lalo akong nabigla sa ginawa niya. Bigla niya iniangat ang isa pa niyang kamay gaya nung isa at
At
At
At

Ako naman angb pinalutang niya!!
Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko. Kaya naman bigla akong nahilo at . . . .

|Alexis' Point of View|
Hindi ko alam kay Jeremy kung anong nangyayari sa kanya, kung bakit inis na inis siya sa kin kanina. Dahil ba sa wala akong common sense? Meron naman ako kahit papaano, madali naman akong matuto!
Pero habang pinapalutang ko siya, napansin ko na parang hindi na siya gumagalaw at parang nakapikit siya. Ha? Anong nangyari sa kanya? Teka, parang nakatulog siya o nawalan ba siya ng malay? Pero wala na akong nagawa kung hindi bitawan ko na lang siya sa sofa para dun na lang siya matulog. At ako. . . Teka? Ano yung 'maligo' na sinasabi niya? Hindi pamilyar sa akin yung salitang yon. Kaya naman naisip kong basahin yung isip ni Jeremy kung ano ang ibig sabihin ng 'maligo'. Kinalikot ko ang pagiisip niya sa pamamagitan ng pagiisip ko, at nabasa ko ang ibig sabihin ng 'maligo'.
*Ito ay isang proseso ng paglilinis ng katawan para matangal ang masamang amoy at dumi sa katawan, ata para na rin maging mabango ka. Kadalasan, tinatangal lahat ng mga damit na suot mo o maghubad para magawa ang prosesong iyon. At pupunta ka sa banyo para basain ang iyong buong katawan (kasama ang ulo) at gumamit ng tinatawag na sabon.* Marami pa akong nabasa tungkol sa proseso ng pagligo, at mukhang nakuha ko na kung paano ito simulan at tapusin. Nabasa ko na rin ang damit na sinasabi ni Jeremy na dapat pala ay laging nagpapalit araw araw. Eh kami kase sa planeta namin, iisa lang ang kasuotan namin.
Tapos na akong maligo. Napakasarap sa pakiramdam na natapos ko ang isang bagay na ginagawa ng mga taga-Earth. Sinuot ko na rin ang damit na sinasabi ni Jeremy at mukhang tama naman ang pagkakasuot ko. Ang gagawin ko na lang, antayin siyang magising.

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon