8. Awkwardness

81 4 1
                                    

|Jeremy's Point of View|

Pagkatapos ng pangagayaring iyon, hindi ko muna pinayagang lumabas ulit si Alexus sa araw na yon na magisa dahil baka maulit iyon. Alam kong alien siya at kaya niyang iligtas ang sarili niya. Pero hindi niya man niya kayang gawin ang LAHAT, atsaka isa pa babae siya. Nagaalala lang naman ako sa kanya, para rin sa kaligtasan niya ito.

Kinabukasan, napagpasya naming lumabas ulit at ipagpautloy ang paghahanap sa spaceship na sinakyan ni Alexus.

Unang naligo si Alexus at ako na ang sumunod. Nagbihis ako ng pang-office na may tie at eleganteng tignan, at si Alexus naman ay isang puting dress na elgante ring tignan. Wala na kasing iba pang maisusuot si Alexus, dahil puro pambahay na ang naka-store na damit ni Ate Jane. Hindi ko tuloy maiwasang laging mapatitig kay Alexus dahil sa suot niyang mga dress. Mas lalo kasi siyang gumaganda pag suot niya ang mga yon. Ipiahiram ko na rin pala ang naka-store na sandals para may sapin naman siya sa paa.

Nagsimula na kaming maglakad sa City. Papunta na sana kami dun sa malaking biulding na itinuro kahapon ni Alexus, kaso biglang may isang lalaki na may 40+ na siguro na sumabat sa harap namin na parang nagmamadali.

"Kayo! Kayo na lang ang natitirang pagasa namin! Pakiusap, sumama kayong dalawa sakin. Kailangan namin ng tulong ninyo!" Hinatak na nung lalaki si Alexus, wala namang nagawa si Alexus kaya sumunod na rin lang siya. Ganun din naman ang ginawa ko, dahil may oras pa naman sa paghahanap dun sa spaceship, yun kung hindi kami magtatagal.

Nagpunta kami sa isang building kung saan mayroong laging nagpho-photo shoot. Mukhang alm ko na ang gagawin nila sa min kung bakit nila kami hinila papunta dito. Bago nila ipagawa ang gagawin namin, kinausap muna kami nung lalaking humila sa min.

"Ok. Kayo na lang ang pagasa na min ngayon. Nagquit yung dalawa naming model para sa photoshoot na para sa isang magazine. Ok, diba couples na man kayo?"

"Ahh.. Hi--"
"Ahh.. Mhh..--" hindi kami makasagot ni Alexus kung anong sasabihin namin, hindi kasi kami pinatapos nung lalaki.
"Basta! Kayong couples ang kailangan namin para sa photoshoot. Sakto naman at ganyan ang soot niyo. Perfect!" Sabi sa min nung lalaki.
"Ah.. Tungkol saan ba ang photoshoot na yan?" Pagtatanong ni Alexus.
"Isang wedding! Kaya nga sakto ang outfit niyo eh. Para kasi kayong ikakasal sa suot niyo. So plesse? We need your help. We'll pay any amount, para lang matulungan niyo kami."
"Mukhang exciting yan!" Pagsangayon naman ni alexus.
"Huh?? Pero--" hindi na ako nakapagreklamo nang bigla ulit kaming hinila nung lalaki.
"Tara na! Mags-start na!" At pumunta na kami sa room kung saan kami magphophoto shoot.

--

"Ok! Gayahin niyo kami ha!" Dinemo ng isang lalaki at babae kung paano ang pose namin sa photoshoot. Dapat magakaharap ang couples, tapos yung kaliwang kamay ng babae ay nakahawak dapat sa dibdib ng lalaki. Tapos ang lalaki naman ay dapat ang kanyang kanang kamay ay nakasakop sa baywang na lalaki. Isipin niyo na lang na ganon ang posisyon namin ni Alexus. Unang pose pa lang yon, pinagpapawisan na agad ako.

Ang susunod naman na pose ay yung naka-lock ang kanang kamay ng lalaki sa kaliwang kamay ng babae, ang pose na yon ang parang sa asal na ang couples ay pareho nang naglalakad papunta sa pari.

At pinaka-awkward na pose ang talagang pinagpawisan ako. Pinunasan pa nga ang pawis ng P.A. nung photographer. Dahil ang pose na yon, ay yung naka-life ang katawan ng babae na parang nakahiga tapos yung kaliwang kamay ko ay sapo-sapo ang likod ng babae at ang kanang kamay ko ay nakahawak sa baywang ng babae. At ang babae naman ay nakahawak ang kaliwang kamy niya sa kanang balikat ko at nakasakop ang kanang kamay niya sa batok ko. At kasama sa pose na yon ang isang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

HALIK SA LABI!l O_O

Sa oras na ito, talagang pinagpapawisan na ako. Dapat daw ang paghalik naming dalawa ay masaya. Nakangiti daw dapat kami sa halik na yon. Pinilit kong ngumiti sa paghalik kay Alexus, pero kaba pa rin ang nangingibabaw sa kin. Nang hinalikan ko siya, ramdam ko ang matamis niyang labi at ang lumalabas na hangin sa kanyang ilong. Yung tibok ng puso ko, kung pwede isali sa isang marathon ay naisali ko na sa sobrang bilis. At nung hinahalikan ko siya, pakiramdam ko ay namumula ang buong katawan ko pati na ang mukha! Bakit ba kasi ako pumayag?! Baka lagnatin ako dito dahil halo halong pakiramdam ang nararamdaman ko. Pero sa katunayan, first kiss ko si Alexus. Ano kaya ang pakiramdam ng isang alien pag nakahalik siya ng isang gwapong nilalang mula sa Earth?

|Alexus' Point of View|

Dug dug.. Dug dug ..
Nararamdaman ko ulit ang mabilis na pagtalbog ng nasa loob ng dibdib ko. Una ko tong naramdaman nung hawak hawak ni Jeremy ang kamay nung gabing kumain kami sa isang restaurant.

Nung nagdikit ang labi naming pareho, pakiramdam ko nagiinit ang buong katawan ko. Naamoy ko ang napakabangong hininga ni Jeremy ng dumikit ang labi namin. Ano nga ba ang tawag sa prosesong yon? Ang nabasa ko sa dictionary ni Jeremy ay isan . . . Halik? At sa english ay . . . Kiss? Ganon ang nabasa ko sa dictionary na pinabasa ni Jeremy.

Pagkatapos nung photoshoot na yon ay umuwi kami agad ni Jeremy. Sabi niya kasi hindi maganda ang pakiramdam niya at kailngan na rin daw akong magpahinga. Pero hindi naman ako napagod. Hindi gaya ng mga nilalang dito ay hindi tlaga kami napapagod.

Pagdating namin sa bahay, agad na humiga si Jeremy sa sofa.
"Ah? Jeremy? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya habang nakatayo ako sa harapan ng sofa.
"Jeremy?!" Hindi pa rin siya sumasagot. Sa tingin ko ay nakatulog na siya.

Habang tinitignan ko si Jeremy ay naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtalbog sa dibdib ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang meron kay Jeremy? Simula nung naramdaman ko na may pakialam siya sa akin at hindi niya ako pinapabayaan at pinapahalagahan niya ako, ay namangha na ako sa kanya. May kakaiba na akong pakiramdam kay Jeremy. Parang, parang . . . . . Hindi ko maipaliwanaga ito. Bakit wala akong nabasa sa dictionary tungkol dito?

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon