16. It's Gandor

17 1 0
                                    

Pagkatapos nang pangyayaring iyon, umakyat na lang ulit ako sa taas pagkatapos umakyat ni Jeremy. Pumasok kami sa loob nang walang kibuan at pansinan. Hindi ito napapansin ni Ate Jane at Ashton, pero pakiramdam ko agad din nilang malalaman yung nangyari samin. Ayoko sanang malaman nila yon dahil baka magkagulo pa kami.

Kinabukasan. . .

"May nangyari ba?" Tanong ni Ate Jane. Tama nga, hindi magtatagal ay mapapansin nila din ang pagkalungkot ko.

"Ah, wala. Ano namang mangyayari? Ayos lang ako." Sabi ko nang nanginginig ang bibig at nangingilid ang luha ko sa mata at ngumiti.

"Sigurado ka ha? Sige, magluluto muna ako ng breakfast natin.
"Sige." At tumayo na si Ate Jane muka sa pagkakaupo niya sa sofa.

Bumaba na lang ako sa ground floor at di na kumain ng almusal. Nang makababa ako, nakita ko si Jeremy na papalabas sa condo na nakabihi, siguro papasok na siya sa trabaho niya. Talaga bang galit siya sakin? O iniiwasan niya lang talaga ako para hindi siya masaktan? Bakit ko ba naiisip to! >.<. Bakit parang ayaw kong malayo kay Jeremy? Bakit parang gusto ko siya laging makausap at makita? Bakit parang gusto ko lagi ko siyang inaalagaan? Bakit parang mahal ko na ata siya?!

***
Naisip kong lumabas muna sa condo para makapagisip isip. Nang makarating ako sa isang ark, bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. Sa tingin ko ay may naramdamang ibang nilalang mula sa planeta namn ang radar ko.

Papalapit siya nang papalapit, parang yung nangyari nang nagkita kami ni Ashton.

Lalong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na matiis, oarang babagsak ako dito sa kinauupuan ko kahit anong oras.

***
Minukat ko ang mata ko. Pagkamulat nito, doon ko lang nalaman na nakahiga at nakakulong ako sa isang malaking kahon. Umupo ako mula sa pagkakahiga at linibot ng mata ko ang paligid. Medyo madilim at nakakatakot.

"Nagising na pala ang pasaway at mapagmalaking anak ng mga Ferguson." Isang malaking lalaki ang papalapit nang papalapit sa harapan ng kahon kung saan ako nakakulong.

"Sino ka?!" Sigaw ko.

"Ow? Ang alam ko, ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa planeta natin? Pero, bakit parang naging bobo ka nang makarating ka sa planetang ito?"

Hindi ako sigurado, pero parang kilala ko na ang boses na yon. Mula siya sa Teverenuz, at sa tingin ko, siya si Gandor.

"Tama ang iniisip mo, Alexus. Bwahahahaha!" Bakit nabasa niya ang isip ko? Wala siyang ganong kapangyarihan!

"Kung yan ang ipinagtataka mo, may sagot sa katanungang iyan."

"Bakit nagkaroon ka ng ganyang kapangyarihan?"

"Mh, bwahahahaha! Haay, Alexus,Alexus, Alexus. Talagang naglaho na ang katalinuhan mong taglay. Hindi mo nabasa sa isip ko, na inangkin ko lang naman ang kapangyarihang ito mula sa magulang mo?! At kagaya mo, nakakulong na din sila sa isang higanting kahon! At hindi magtatagal, pati ang kapatid mong si Ashton ay maikukulong ko na din at ako na ang magiging hari ng dalawang planetang pinoprotektahan mo!"

"Hindi ka magtatagumpay, Gandor! Tandaan mo yan! Isaksak mo yang sa kakapuranggit na utak mo!"

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon