3. Spaceship

115 5 0
                                    

|Jeremy's Point of View|
Nagising ako nang masakit ang katawan. Ewan ko ba, para atang lumiit ang kama ako. Binuksan ko ang mata ko nang dahan dahan ay di naglaon ay bumangon na rin. Pagkabangon ko, napansin ko na sa sofa pala ako natulog. Teka? Ano bang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay yung . . .

*Flashback*
"Ang gusto mo bang sabihin, aline ka? Ganon?! AHAHAHA." Di naglaon, napatigil ako sa pagtawa nang nakita ko si Alex na nakaangat ang kamay at nakafocus sa ginagawa niya. Yung style ng pagangat ng kamay niya ay parang may kinokontrol siya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Pero di siya sumasagot.
"Hooy! Ano ba? Natatakot nako ha!"
"Basta lumingon ka lang." Sabi niya sa kin.
Sinunod ko na lang siya. Lumingon ako ng dahan dahan, sobrang bagal ang galaw ng ulo ko dahil natatakot ako kung ano man ang makikita ko sa likod.
O_O!
"AHHHH!!" Napasigaw at napaatras tuloy ako nang makita kong lumulutang yung flower vase sa kasama niyang mesa nung paglingon ko. Lumingon ulit ako kay Alex poara tignan siya. Pero ganun pa rin ang mukha niya, pati yung pagangat ng kamay niya.
"Nanininwala ka na?" Tanong niya sa kin. Hindi ako makasagot dahil na rin sa mga halong emosyon na meron ako. Hindi ko alam kung mamamangha ako, matatakot o kakabahan!
Pero maya maya, mas lalo akong nabigla sa ginawa niya. Bigla niya iniangat ang isa pa niyang kamay gaya nung isa at
At
At
At

Ako naman angb pinalutang niya!!
Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko. Kaya naman bigla akong nahilo at . . . .
*End of Flashback*

O_O! Si Alexus! Nang nakaupo na ako sa sofa, bigla kong napansin yung nasa harapan ng TV. Nakita ko yung nakatayong si Alexus!
"AHHHH!!!" Sigaw ko sa kanya. Sa oras na to, nagpapanic na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa unit ko. Bakit pinayagan ko ba ang sarili ko na pumasok dito ang isang nilalang na gaya ni Alexus?!
"Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya sa kin habang papalapit siya.
"H-huwag kang lalapit! Baka palutangin mo nanaman ako at ihagis dun sa bintana! AHH!!"
"Teka! Wala akong balak na masama sayo." Huminto siya sa paglapit sakin at sinusubukan niyang pakalmahin ako.
"May naisip ako. Diyan ka lang sa sulok sa tabi ng binata at huwag na huwag kang aalis diyan! Maliligo ako at papasok ako sa trabaho ko," pumunta naman siya sa isang sulok na malapit sa bintana, "diyan ka lang! Huwag na huwag kang gagalaw diya." Tumakbo na ako papunta sa banyo at naligo na at agad na rin akong nagbihis pagkatapos kong maligo.
Kinuha ko na ang bag ko at dali dali lumabas dahil takot na takot akong makita ang nilalang na yon. Di talaga ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Parang bangungot, pero kung totoong bangungot yon sana magising na ako. Sana may darating na isang tao at subukan akong gisingin at itakas sa napakasamang panaginip. Kaso, totoo talaga ang nangyayari. Hindi ko maidedeny na merong kakaibang nilalang sa unit ko.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng building, papasok na sana ako kaso may naramdaman akong nakakakilabot, dahil naramdaman ko na may dumaan ata sa likod ko. Lumingon ako at tumingin tingin sa gilid, pero wala akong nakita na kung ano man. Pero hindi ako nagkakamali, parang may dumaan sa likod ko o napapraning na talaga ako?! Bwisit na Alexus kasi yan, tinatakot ako!

Nandito na ako ngayon sa table ko. Nakatulala, unfocused sa ginagawa kong trabaho.
"Ahh, oy Jeremy. Ito pa yung isang file na kailangan mong itype."
Haay... Ano kaya ang gagawin ko kapag umuwi ako sa unit ko at makita ang isang kakaibang nilalang?
"Oy! Jeremy!"
Paano kung, hindi talaga siya galing sa planetang ito? Pero hindi naman ako naniniwala sa ganon! Pero napatunayan niya, kitang kita ng napakaganda kong mata.
"MR. JEREMY FULAEZ!!!!" Nagitla ako nang biglang sumigaw si Ariah na nasa harapan ng table ko.
"Ah, yes?" Hindi niya ako sinagot at bigla na lang niya hinagis sa kin yung isang folder at umalis na siya. Ano bang nagawa ko don? Ang laki naman ata ng galit niya sa kin.

|Alexus' Point of View|
Hindi ko maintindihan si Jeremy. Mukhang natakot ata sa akin. Sabagay, bawat puntahan ko naman ma ibang planeta ganon din ang reaksyon pag ginagawa ko ang hindi nila inaasahan.
Naisip ko na simulan na ang misyon na dapat kong tapusin. Pero bago yon, naisip ko rin na hanapin muna ang sinakyan kong spaceship para makapaghanda sa pagbabalik ko sa planetang Teverenuz. Saglit lang pananatili ko dito, aalis din naman ako basta't matapos ko agad ang sarili kong misyon. Ginamit ko ang radar ng utak ko para mahanap kung saan huling naglanding ang spaceship ko, pero hindi mahahanap ng radar ang eksaktong lokasyon ng spaceship ko ngayon. Mabilis kong sinundan ang pagscan ng radar ko kung saan huling naglanding ang spaceship ko. Nakita ko pa nga si Jeremy pero hindi ko na siya pinansin.
Narating ko na ang lokasyon kung saan huling naglanding ang spaceship ko. At tama ang naisip ko, wala na siya ngayon doon. Siguro kinuha ng mga taga planetang Earth. Kaya nga gusto kong humingi ng tulong kay Jeremy.

|Jeremy's Point of View|

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa unit ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ko. Pero wala si Alexus sa sala, baka kung saan siya naglibot sa bahay ko. Tinginan ko siya sa kusina, wal rin siya. Tinignan ko siya sa banyo, wala rin siya. Tinignan ko siya sa kwarto, wala pa rin. Tinignan ko siya ilalim ng kama ko, at . . Teka? Bakit ko ba siya hinahanap? Diba dapat kampate ako na wala na siya? Diba dapat masaya ako dahil walang nang mananakot sa kin? Pero bakit ganon? Parang hindi ako sanay magisa, eh ilang araw ko pa lang siya nakakasama. Hindi ako sanay na wala ng presensya niya.

Nasan ba si Alexus?

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon