10. Reveal to Jane

72 3 4
                                    

|Alexus' Point of View|

"Hinde. Hindi ka pasakit sa kin. Huwag na huwag kang aalis. Huwag na huwag mo kong iiwan."

Ano daw? Huwag ko siyang iiwan? Anong ibig sabihin ni Jeremy? Naguguluhan na ako. Pati sa sitwasyon nila ng Ate Jane niya ay naguguluhan na rin ako. Ugh!!

"Huh?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh.. Wala. Sabi ko, hindi ka naman pasakit gaya ng iniisip mo. B-baka kasi umalis ka, baka h-hindi mo tuluyang mahanap ang spaceship mo at baka hindi mo na rin mailigtas ang planeta namin. Mayla mo? Diba??" Pagpapaliwanag niya sa kin.

"Ahh.. Oo nga." Pagsangayon ko sa kanya.

Baka pag naghanap ako ng tulong sa iba, mas lalong hihirap ang sitwayson. Malay mo hindi mapagkakatiwalaan ang mga ibang nilalang dito. Tsaka sayang naman kung basta ko na lang iiwan si Jeremy sa kabila ng mga ginawa niya para sa kin. Malaki ang utang loob ko sa kanya.

"Ahh. Sige, pahinga ka muna. Hihiga muna ako sa kwarto. Sige." Nagpaalam na siya at pumasok na sa kwarto.

|Jeremy's Point of View|

Ugh! Ano ba yan? Bakit ba ako kinakabahan at nabubulol pag kami na lang dalawa ang naguusap? Yung pakiramdam na, naiilang na ako kasi may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya.

Napagisipan ko na lang na magkunwaring magpahinga na lang para hindi ako kabahan sa harap ni Alexus.

--

"Ok, you have to explain these things Rem! Ano ba talaga talaga ang nangyayari ngayon?!" Tanong sa kin ni Ate Jane. Pinapasok ko muna si Alexus sa kwarto at baka mabugbog siya nang wala sa oras. Alam kong may kapangyarihan siya, pero alam ko ring hindi niya kayang saktan si Ate Jane dahil alam niyang nakatatandang kapatid ko siya.

"Ate, una sa lahat, kumalma ka. Isa pa talagang sigaw mo, wala kang mariring na eksplenasyon mula samin." Pagbanta ko kay Ate, nakakaumay kasi ang pagsigaw niya.

"Mmh! Fine."

"Ok. Kung iniisip mong girldriend ko si Alexus, nagkakamali ka. Kinupkop ko siya dahil. . dahil. ." Di ko tuloy masabi nang deretso dahil alam kong hinid maniniwala si Ate.

"Dahil??"

"Dahil, ka-kailangan n-niya ang tulong ko!"

"For what?"

"Mmhm. Para iligtas ang mundo natin?" Ugh! Hindi ko na mapigilang sabihin ang totoo dahil wala na akong maisip na palusot. Tsaka ayaw ko na ring magsinungaling.

"Come on Rem! Ano bang pinagsasabi mo? Ang sabihin mo, she's a beggar that couldn't raise her self from those str--" pinutol ko muna ang pagsermon ni Ate Jane.

"Ate hindi siya pulubi!" Sigaw ko sa kanya.

"So, what is she?!"

"She's an alien!" Medyo napatigil kami nang ilang segundo. Maya maya nakita ko na si Ate na tumataas-baba ang balikat niya. Mukhang nagpipgil siya ng tawa.

"Hmh.. Hhma.. .MHAHAHAHAHA!!! AHAHAHA!! HAHAHA!!" Tama nga ako. Hindi talaga siya maniniwala, tatawa pa. -_-

"Bat ka tumatawa?!"

"Ahahaha!! C-come on Rem! Show your maturity!" Patawa niyang sabi.

"But I'm mature already! Ate totoo ang sinasabi ko! Kung hindi ko siya tutulungan, katapusan na ng earth!"

"Ahahaha!! Hindi ka talaga titigil sa birong mong yan?! Ahahah!" Di pa rin talaga siya tumatawa. Tignan natin kung makakatawa ka kung magseseryoso ako at maipakita na sayo ang ebidensya.

"Tawa ka lang Ate! Pero ingat ka, baka mamaya iiyak ka naman. Ayaw mo talagang maniwala ha?" Medyo tumigil na siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin ang baliw.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtanong niya saking na patuloy pa ring nakangiti.

"May ebidensya ako na ikagugulat mo!" Tama ang instinct ko. Natanggal na ang ngiti ni Ate Jane sa labi niya, dahil pag alam niyang seryso ako alam niya talagang totoo ang ginagawa ko.

"Diyan ka lang." Tumayo na ako sa sofa at kumataok sa kwarto ko at tinawag na si Alexus.

Nakatayo na kami ngayon sa harapan ni Ate Jane at siya naman ay nakaupo. "Ipakita mo na." Napagusapan na namin ni Alexus kagabi na ipakita kay Ate ang ipinakita niya sa kin noon nang hindi pa ako naniniwala na alien siya. Syempre, papakutangin siya ni Alexus para mapatunayang alien talaga siya.

Inangat na ni Alexus ang kamay niya na umaktong may kinokontrol. "Anong ginagawa mo?!" Pagpapanic ni Ate. Unang pinalutang ni Alexus ang unan na katabi ni Ate Jane.

"HOOOOAA!! A-ANONG -- B-BAKIT--" Kung makikita lang ni Ate ang reaksyon niya ay sigurdong matatawa siya. Unan pa lang ang pinapalutan, nanlaki na agad ang tatlong butas sa mukha niya; ang mata, ilong at bibig. Maya maya, ay pinalutang na rin ni Alexus si Ate Jane gamit ang isa pa niyang kamay.

"HOOAA!! AAAAAHHHHHH!!! AAAAHHH!!! AHHH !!" Kung pwede lang mabasag ang binta ko, kanina pa nabasag sa sobrang lakas na sigaw ni Ate. Sabi ko na nga ba ganito ang magiging reaksyon niya.

"Oh ano? A Beggar, or an Alien?!" Pangaasar ko kay Ate.

"AHHH!! OY! I-IBABA M-MO NA AKO!! AAHHHH!!!" Sa oras na ito ay tili na ang naririnig namin kay Ate. Si Alexus nga ay napapayuko na dahil niya kinaya ang lakas nang boses ni Ate. Kaya naman ibinaba na niya ito. Si Ate naman, naupo ulit sa sofa at laking laki ang mata na walang sinasabi, pero alam kong makikinig sa kin yon pag may sinabi ako.

"Kailangang mahanap ni Alexus ang spaceship niya," at ipinaliwanag ko na ang lahat lahat kung bakit andirito si Alexus.

Maya may ay napansin ata ni Alexus na parang hindi gumagalaw si Ate kaya naman nilapitan niya ito. "Ayos ka la--" biglang tumayo si Ate at tumakbo papunta sa bintana.

"Huwag kang lalapit! Abnormal ka!" Pero lumapit pa rin si Alexus at paatras naman si Ate na malapit na sa labas ng bintana. Nakabukas ang bintana kaya may posibilidad na mahulog si Ate sa labas.

"Teka!" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil papaatras nang papaatras si Ate Jane. Pero, hindi nga ako nagkamali. Nang mapasandal na sa Ate sa dulo ng bintana, hindi niya namalayan na dulo na pala yon kaya umatras siya ulit dahilan para mahulog siya sa bintana nang patalikod.

"AAAHHHhhh!!"

"Ate!" Papalit sana ako sa bintana, kaso napansin ko na parang kalmado lang si Alexus. Ano kaya ang ginawa nito. Mga ilang segundo ay nakatingin kami sa binta nang biglang may lumilitaw na babae na lumulutang. Si Ate! Nandon pa rin ang takot ni Ate, natawa lang ako sa pagaksyon niya na parang nags-swimming at pinapadyak ang paa. Ipinasok na ni Alexus si Ate Jane sa loob ng unit ko isinara na rin ang bintana.

Sabi ko na nga ba. Hindi kakalma si Alexus kung nang walang dahilan. Kaya hindi ko na inasahan na aabot si Ate sa burol dahil alam kong ililigtas siya ni Alexus.

"Ate! Iniligtas ka ni Alexus!" Sabi ko kay Ate Jane na hingal na hingal siguro sa pagsigaw at sa pagaksyon na parang nags-swimming.

(Author's Note: Hello Readers. Last update for today. Pero update ako bukas promise, expect niyo yan! Keep on reading and voting ! Thanks!)

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon