7. Penetrated

237 5 2
                                    

Sinimulan na namin ni kuya Seth ang plano namin. Dahan dahan at maingat kaming naglakad papunta sa likod ni Alexus at ng kasama niyang lalaki.

Sabay naming kinuha ang panyo naming may amoy na pampatulog at ipinatong namin ito sa dalawang magkasama sa kanilang ilong, at mukhang umepekto naman ang amoy na inilagay namin dahil agad silang nakatulog. Isinikay na namin sila sa kotse namin na nakatali ang dalawa nilang kamay ganun din ang kanilang paa, at yung panyong ginamit namin sa pagtakip sa kanilang ilong ay itinali na rin namin sa kanilang bibig.

MWAHAHA! Mukhang magiging succesful ang plano naming ito. Matagal ko nang gustong gawin ang bagay na to. Lahat ng napapanood ko sa mga palabas sa telebisyon ay ganitong ganito. Sa wakas, matutupad na ang hangarin kong makapagpahirap ng mga tao.

|Alexus' Point of View|
Ugh! Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit parang hindi ako makagalaw? Bakit parang may kung anong bagay ang nakalagay sa bibig ko? Ano bang nangyari?

O_O! Pagmulat ko ng mata ko, ay nabigla ako sa sitwasyon namin ni Jeremy. May tigisa kaming upuan at doon kami ay nakaupo. Tapos, ang kamay namin at paa ay parehong nakatali nang pagkahigpit higpit. Ano bang nangyari kanina?
Ang naalala ko lang ay nung nakaupo kami ni Jeremy sa isang upuan sa park, tapos may biglang tumakip sa mukha namin at hindi ko nakayanan ang amoy kaya nahilo ako, at siguro nawalan ako ng malaya kaya siguro ganito na ang sitwasyon namin. Sino bang walang awang nilalang na taga-Earth ang gagaa sa min nito? Akala ko lahat sila ay mababait. Nagkakamali ako!

Tinignan ko ang paligid kung saan kami naroon. Hindi gaanong madilim, hindi rin gaanong maliwanag. Parang abandonado na ito, pero hindi naman siya kadumi. At tinignan ko ulit si Jeremy, naawa tuloy ako sa kanya dahil wala siyang alama sa nangyari. Hindi naglaon, naisip ko na tanggalin ang nakatali sa buong katawan niya sa pamamagitan ng pagkontrol sa aking isip. Inuna kong tinanggal ang nakatali sa kanyang bibig, pagkatapos ay ang nakatali sa kanyang kamay. Nang matanggal na ang tali niya sa paa, ay saktong nagising si Jeremy at sakto ring dumating ang dalawang pamilyar na lalaki.

"Hah? Anong nangyari? Anong nangyari Alexus?!" Pagpapanic ni Jeremy.
"Teka lang, paano kayo nakatakas?!" Pagtataka ng isang lalaki, na ang pangalan niya ata ay S-Sky.
"Kami muna ang dapat magtanong! Anong nangyari? Anong ginawa niyo sa amin?!" Pagtatanong ulit ni Jeremy.
"Easy ka lang nga--" naputol ang pagsasalita ng kasama ni Sky nang nagsalita ulit si Jeremy.
"Easy?! Easy?! Naisip niyo pang maging easy lang kame?! Ano ba talagang gagawin niyo sa amin?! Atsaka, kalalaki niyong tao pinapahirapan niyo ang babae!"

"Pwede bang tumahimik ka na lang! Ngayon na ang panahon para pahirapan na kayong dalawa! Pagkatapos mo akong isnobin nung nakikipagaway ako sayo?! Tapos tinarayan mo pa itong kapatid ko?! Well, hindi lang yon ang dahilan tol. Matagal na kasi kameng hindi nakakabugbog ng tao. Panahon na para gawin to ngayon!" Pagpapaliwanag ng kuya ata ni Sky.
Nagtangka nang sumugod si Jeremy para saktan ang magkapatid, at ganon din sila. Kaso, dahil ayaw ko rin na may magkasakitan, ginamit ko ang pagkontrol sa isip ko para matigil ang pagsugod nila. Napahinto sila sa kanilang tinatapakan, pero patuloy silang sumusuntok sa hangin na akala nila ay aabot ang suntok nila sa isa't isa. Medyo natawa ako sa sitwasyon nila dahil para silang batang naglalaro. Di naglaon, pinahinto ko na lahat ng paggalaw nila dahilan para ipagtaka nila ito.

"Teka?! Bakit bigla tayong huminto?!" Sabay na sabi nilang tatlo. Di rin nagtagal ay itinanggal ko na rin ang lahat ng nakatali sa katawan ko at tumayo na.

"Oy! Bakit nakaalis ka diyan? Teka? Bakit andali ninyong makatakas sa pagkakatali namin ng mahigpit?! Atsaka bakit hindi kami makagalaw ngayon?!" Nagsimula nang magduda ang kuya ni Sky, kaya naman pinagalaw ko na si Jeremy pero nananatili pa ring hindi makagalaw ang magkapatid. Tinangka pang sugurin ni Jeremy ang magkapatid kaso napigilan ko rin siya.
"Teka Jeremy. Huwag na! Tara na!" Mukhang naintindihan na ni Jeremy kung ano ang ibig kong sabihin kaya naman tinignan niya muna ng masama ang dalawang magkapatid at nagsimula na kaming hanapin kung saan ang pinto papalabas.
"Oy teka! Di pa tayo tapos!
"Hoy! Wag kayong umalis! Bumalik kayo dito!" Narinig pa namin ang sigaw ng magkapatid bago kami tuluyang makalabas. Sinara ko na ang pinto na hindi na siguro nila mabubuksan kaya naman pinakawalan ko na ang magkapatid sa hindi nila paggalaw.

Nakapara kami ng taxi ni Jeremy sa daan kaya naman binalak na naming umuwi para makapagpahinga na.

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon