11. Acceptance

74 3 0
                                    

(Author's Note: As I promised, maga-update ako ngayon. Baka meron pa mamaya, hinta lang kayo! Happy Reading! Thanks! ;))

|Alexus' Point of View|

Buti na lang talaga, nailigtas ko si Jane. Dahil kung hindi, kawawa naman siya at si Jeremy para sila ay magdusa. Naintindihan ko na ngayon kung bakit galit sa kin si Jane, dahil akala niya ay pulubi ako na tumira sa bahay nila at isinuot pa ang damit niya. Siguro akala niya inaabuso ko ang kabaitan ng kapatid niya, pero naintindihan ko siya dahil kapatid niya yon, dahil may kapatid din ako. (Author's Note: Yung about sa nakatatandang kapatid ni Alexus ay sa next chapter.)
--

"Sige na!" Narinig ko ang sigaw ni Jeremy mula sa sala, andito kasi ako ngayon na nakaupo sa higaan ni Jeremy sa kwarto.

"Oo na! Kakausapin ko rin siya! Huwag mo kong itulak." Napatingin tuloy ako sa pinto. Pakiramdam ko kasi ako ang pinaguusapan nila. Maya maya ay biglang bumukas ang pinto sa kwarto at iniluha nito ang magkapatid.

"Ahh.. Alexus, may sasabihin sa yo si Ate Jane." Hinila na ni Jeremy si Jane papunta sa kin. Tumayo naman ako bilang respeto.

Iniwan na kami ni Jeremy sa kwarto. Si Jane naman ay mukhang nahihiyang lumapit sa kin, medyo natagalan bago siya magsalita sa harap ko.

"Ahh.. Ammh.. Alexus," nabigla na lang ako sa ginawa. Bigla kasi siyang lumuhod sa harapan ko at umiyak nang umiyak.

"HUHUUU!! SORRY ALEXUS! SORRY TALAGA! FEELING KO TULOY ANG SAMA SAMA KONG TAO DAHIL SA GINAWA KO SAYO! SORRY! SORRY!" Pagkatapos niyan sabihin yon ay pintayo ko siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ko na pagkontrol gamit ang kamay at isip ko.

"Jane, ayos lang naman sa kin yon. Naintindihan kita, akala mo siguro inabuso ko ang kabaitan ni Jeremy. Pero wala akong balak na masama, gusto ko lang talagang humingi ng tulong sa kanya."

Medyo napatigil pa rin siya sa pagiyak, pero di parin maalis sa mukha niya ang pagkadismaya na may kasamang lungkot. "Alam mo, narealize ko na napakabait mo sa kin. Kahit na may masasakit na sinabi ako sayo hindi ka lumaban. Kahit masamang tao ang tingin ko sayo, di mo ko pinagsabihan. At ang pinakanappreciate ko, ay yung iniligtas mo ako nung nahulog sa bintana. Salamat at Sorry talaga!!" Nagulat na lang ulit ako dahil bigla na lang niya akong niyakap. Napangiti naman ako at hinimashimas ang likod niya.

"Tama na. Ayos lang sa kin yon, tsaka alam kong sasabihin mo na yan." Bigla siya kumalas sa pagyakap sa kin nung sinabi ko ang mga salitang yon.

"Alam mo na sasabihin ko yon?" Sabi niya na may pagkagulat sa mukha niya.

"Oo. Nabasa ko na ang isip mo bago ko pa marinig ang mga sasabihin mo. Diba nga, alien ako?" Pangit kong sabi sa kanya.

"HUH!! Oo nga pala. Talaga bang alien ka?"

"Oo."

"Hayy.. Hindi talaga ako makapaniwala na makakakita ako ng ibang nilalang galing sa ibang planeta. You're very rare!"

"May tanong ako sayo." Sabi ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Bakit kakaiba ang accent ng pagsasalita mo ng lenggwahe dito?" Pagtanong ko sa kanya.

"Ahh.. Yun ba, galing kasi ako sa ibang bansa na tinatawag na Uinted Kingdom. Matagal akong nagstay doon kaya ganito talaga ang accent ko, nasanay na kasi ako sa language nila." Pagpapaliwanag niya. Umupo na muna kami sa kama para doon ipagpatuloy ang kwentuhan namin.

"Alam mo, sa tingin ko natitipuhan ka ni Jeremy." Nabigla ako nang sinabi niya yon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kasi, ang tipong lalaki ni Jeremy ay yung simple, mabait, mapagintindi, mapagpasensya, at natural. Pasadong pasado ka kay Jeremy!"

"Ah. Huh??" Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya.

"Hindi ba uso sa inyo ang pag-ibig?" Tanong niya sa kin.

"Pag-ibig?"

"Oo, pag-ibig. Yun ay isang relasyon between sa babae at lalaki. Ibig sabihin non, mahal nila ang isa't isa bilang mga espesyal na tao sa buhay nila. Nagmamahalin sila dahil nagkakaintindihan nagkakasundo sila. Nagmamahalan sila dahil masarap sa pakiramdam kapag kasama nila ang isa't isa. Nagmamahalan sila, dahil pinapahalagan nila ang isa't isa. Nagmamahalan sila, dahil ayaw nilang mawala ang isa't isa. Nagmamahalan sila, dahil mahal nila ang isa't isa."

"Ganun ba ang pag-ibig. Parang may mga bagay na akong naramdaman kay Jeremy sa mga sinabi mo."

"Huh? Talaga??"

"Nung naisip ko na pinapahalagan niya ako, hindi niya ako pinababayaan at magaan sa pakiramdam pag kasama ko siya. At nagsimula yon nung hinawakan niya ang kamay ko."

"Ahhh!!" Bigla siyang tumili. "Talaga? Holding hands?!! Ahhh!! Kinikilig ako sa inyo! For sure, ganyan din ang nararamdaman ni Jeremy sa yo! Mukhang nagkakaintindihan kayo! Mukgan pag-ibig na nga ito!"

"Ahh.. Ganon ba."

"Alam mo, bagay na bagay talaga kayo! Gwapo siya, sobrang ganda mo pa! Perfect couples!"

"Ahh.. Oo nga, napagkamalan na kaming mga couples nung isang lalaki sa City."

"Sabi ko sayo eh! Bagay kayo!" Pagkatapos niyang sabihin yon biglang lumungkot ang mukha niya.

"Bakit nalungkot ka ata?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo, matagal na akong hindi nakakaranas ng pagibig."

"Nakaranas ka na ba non?"

"Oo. Alam mo sakatanuyan, kamukha mo yung dati kong boyfirend. Pareho kayo ng mata, tapos magkahugis ang ulo niyo! Kaya nga naalala ko siya bigla nung nakita kita. Iniwan niya ako bigla bigla. "I love you. Goodbye." Yung ang huling narinig ko sa boses niya bago siya tuluyang umalis. Wala na nga akong balita sa kanya."

"Ah, may hawig pala ako sa kanya ha. Pero nakakalungkot naman nang karanasan mo. Sayang dahil iniwan ka niya."

"Hhaaayy.. Oo nga eh, sayang."

--
(Author's Note: Ibibitan ko ulit. Haha. Pero try ko pang magupdate as fast as I can. Thanks!")

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon