13. Double Date

53 2 0
                                    

Magiisang oras na kaming nakaupo ni Jeremy dito sa ground floor. Inaya na niya akong umakyat dahil naiinip na daw siya at sigurado daw siyang tapos na silang magusap. Kaya naman pumasok na kami sa elavator at umakyat papuntansa unit ni Jeremy.

"Uy Jeremy, Alexus! Andyan na pala kayo!" Sumalubong sa amin ang napakalaking ngiti sa mukha ng dalawa na nakaupo sa sofa nang binuksan namin ang pinto ng unit ni Jeremy.

"Ano? Nagusap na ba kayo?" Tanong ni Jeremy habang papalapit kami sa kanila.

"Of course." Sabay ngiti ni Ate Jane.

"Umhh. May sasabihin pala ako sayo, Alexus." Biglang nadismaya ang mukha ni Ashton ng sinabi niya yon.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmmm. Kase, si Gandor. . . "

"Napano si Gandor? Pupunta ba siya dito?" Pagpanic ko.

"Ahh.. Oo eh. Dalawang araw na alng bago siya pumunta dito at sakupin ang mundo." Pagpapaliwanag ni Ashtonn

"Ahh. Eh. A-anong gagawin natin? Kailangan ko nang mahanap yung spaceship ko! Ay. Sandali lan? Diba pag pupumunta tayo sa ibang planeta, may dala tayong spaceship? Edi may spaceship ka rin, Ashton?" Bigla akong naganahan at nagkaroon ng pagasa nang naalala ko yon.

"Yung ang problema, Alexus. Nawala rin ang spaceship ko eh."

"HUUUUUUUHHH???!!"

--

|Jeremy's Point of View|

Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Ashton.

May dalawang araw na lang sila? Bigla talaga akong nalungkot nang maisip kong mawawala na sa kin so Alexus. Anong bang nangyayari? Bakit ganito na ang pakiramdam ko kay Alexus? Pati ang bestfriend at natatangi kong kaibigan mawawala din. Ang lungkot naman. :(

"Guys? Pwede bang relax lang kayo?" Pagsabat ni Ate Jane sa paguusap ng dalawa. "Diba nabanggit niyo na may dalawang araw pa? So, naisip ko na lumabas na muna tayong apat!"

"Lumabas?" Pagtataka ng dalawang magkapatid.

"Yes! Lumabas tayo! Magdedate kami ni Ashton, at magdedate kayo!" Tinuro ni Ate Jane kaming dalawa ni Alexus.

"Date?!" Sabay naming sigaw ni Alexus.

"Yes!! Date! Hah? May naisip ako! Double date nalang tayo! Kumain tayo sa iisang restaurant! Alexus," humarap si Alexus kay Ate, "papahiramin kita ulit ng isa sa mga dress ko! Halika!"

Hinawakan na ni ate ang kamay ni Alexus para higitin siya. Ayaw magpahila ni Alexus, pero napilit din siya ni Ate at pumasok na sila sa kwarto.

"Mmhh? Nililigawan mo ba si Alexus?" Pangiting taning ni Ashton habang nakaupo kami sa sofa.

"Huh? Hindi no, ah oo pala. Ay hinde! Ugh! Oo! Hinde! Ugh! Ewan ko!" Ano ba yan?! Bakit ba naguguluhan ako?! Nililigawan ko nga hi si Alexus! Hindi naman pwede! Aalis na siya pagakatapos ng dalawang araw!

"Alam mo Jeremy. Wala na mang problema sa kin kung liligawan mo si Alexus. Kaso, aalis na kami pagkatapos ng dalawang araw. Maliligawan mo ba siya kahit nasa ibang planeta na kami?"

Nagpasalamat na lang ako sa kanya nung sinabi niyang walang problema kung liligawan ko si Alexus. Teka? Ugh! Desedido na ba ako sa gagawin kong to?! Liligawan ko nga ba si Alexus?! Help me!

--

7:30 ng gabi. Nakapagbihis na ako. Nauna akong nagbihis sa kanilang tatlo. Eh wala akong magagawa, parang excited kasi ako sa double date na to! Habang nakaupo ako sa sofa, bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko at iniluha si Ate Jane, hindi niya sinara niya sinata ito. Dahil biglang lumabas ang isang napakagandang nilalang mula sa planetang Teverenuz! Si Alexus! Nakasleevless siya at makulay pero simpleng dress ang suot niya. Tapos light makeup ang nakalagay sa mukha niya at ganun pa rin ang buhok! Wooooww!! More simple, Much beautiful!

"Hoy! Jeremy! Baka madefine mo ang salitang Perfect sa kakatitig mo kay Alexus!"

"Ate? Bat mo ba binibisan ng ganyan ai Alexus? Baka hindi ko na matanggap hanggang mamaya ang mata ko sa kanya." Bulong ko kay Ate Jane habang nakatulala pa rin ako kay Alexus.

"Ahahahahah! Jeremy! Tama na nga!" Napansin ko na kinaway kaway na ni Ate Jane ang kamay niya sa mukha ko at don lang natanggal ang pagiging tulala ko kay Alexus.

Sumakay na kami sa kotse ni Ate Jane. May kotse pala siyang iniwan dito sa Pilipinas bago siya umalis noon. Di man lang niya sinabi na may iniwan siya dito, nagtataxi lang tuloy ako papuntansa trabaho. Nakapagleave na rin pala ako sa trabaho ko nang gumaling yung boss namin. Buti na lang pinayagan ako.

"Ate Jane! Diba parang nakakilang na nagdadrive ang isang babae habang nakasuot siya ng eleganteng damit?" Tanong ko sa kanya. Plano ko kasing palitan sa pagdadrive si Ate Jane.
"Marunong ka bang magdrive?!" Yung lang ang problema, di ko napagaralan kung pano magdrive. -_-

"Pano nga pala kayo nagkaayos ni Ate Jane?" Pagtatanong ko kay Ashton. Nandito na pala kami sa isang mamahalin na restaurant. Medyo konti lang nandito, kasi nga 'masyadong mahal'. Buti na lang afford ni Ate Jane.

"Nangako kami sa isa't isa na, kahit nasa magkaibang planeta kami hindi namin ipagpapalit ang isa't isa. Kahit magkalayo kami, mamahalin pa rin namin ang isa't isa."

"Corny niyo! -_-"

Nagkatinginan sina Ate Jane at Ashton at nagkangitian. Ang postion kase ay magkatabi sina Ate Jane at Ashton. Habang kami ni Alexus, nasa right ako at nasa left siya. Medy awkward nga dahil nagkakailangan na kami.

"So, kayo ni Alexus?" Tanong ni Ate.

"Anong kame?" Pagtataka naman ni Alexus.

"Pano naging kayo ni Jeremy?"
"O_O. Wala pang kame Ate Jane." Sabi ni Alexus.
"Wala PA? So may posibilidad na maging kayo NA?" Pangaasar ni Ate Jane.

*AHEM* biglang nabulunan si Alexus. Nagalala kaming lahat, kaya naman nagpanic kami.
"Alexus? Ayos ka lang?" Tanongni Ate Jane.

Uminom lang si Alexus at bigla na lang lumabas.

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon