15. Ang Labo

39 2 0
                                    

Ang labo naman. Masyadong malabo! Bakit ganon yung pakiramdam ko?! Bakit pakiramdam ko malungkot ako? Diba dapat masaya na ako dahil naisabi ko na lahat kay Alexus ang lahat nang nararamdaman ko para sa kanya? Pero bakit ganon pa rin, nagaalanganin pa rin ako? Siguro naapektuhan lang ako sa paulit ulit na sinasabi nilang 2 araw na lang silang mananatili sa mundo namin. :/

--

"Oh, Alexus. Ayos ka lang?" Tanong ni Ate Jane nang makabalik na kami ni Alexus sa loob ng restaurant.

"Ahh.. Oo. Medyo sumakit lang ang lalamunan ko, pero ayos na rin ako." Sagot ni Alexus.

Pumasok kami sa sa kotse nang walang imikan. Pati sina Ate Jane at Ashton ay hindi rin sila nagsasalita. Ano ba naman yan? Pakiramdam ko tuloy may hindi magandang nangyari sa aming apat. Ang awkward naman nito.

Nakauwi kami sa unit ko nang wala ring imikan. Agad lang kaming nagbihis at nahiga sa mga higaan na meron ako. Doon ko muna pinatulog ang tatlo dahil gusto ko pa silang makasama. Natulog lang kami agad dahil pagod rin kami, kasi nagpunta pa kami nang mall bago pa tuluyang makauwi.

--
|Alexus' Point of View|

"Asan si Jeremy, Ate Jane?" Tanong ko kay Ate Jane nang magising na ako. Pero pagkamulat ko ay wala na pala si Jeremy. Gusto ko sana siyang makausap tungkol sa paghahanap ng spaceship ko.

"Ahh.. Lumabas siguro. Tignan mo sa ground floor, baka andon." Sabay ngit ni Ate Jane sa akin.

Sinunod ko na lang ang kanyang iniutos at bumaba ako sa ground floor. Pagkababa ng elevator sa ground floor ay bukas na ang pinto nito, at bigla bumulaga si Jeremy.

"Jeremy? Andyan ka pala?" Sabi ko sa kanya.

"Ah. Lalabas ka ba? Sige, pasok na ako." At pumasok na siya sa elevator. Hindi ako lumabas dahil gusto kong makausap si Jeremy.

"Alam kong nakulungkot ka, Jeremy." Sabi ko sa kanya habang nakayukp ako.

"A-huh? H-hindi, bakit naman ak malulungkot?" Patawa niyang sinabi.

"Alam kong nalulungkot ka dahil aalis na kami. Pero huw--" hindi niya ako pinatuloy sa sasabihin ko, at bigla siyang nagsalita na ikinabigla ko.

"Huwagka ngang assuming, Alexus! Mas maganda nga kung aalis ka na eh! Wala akong pakialam kung aalis na kayo!" Pagkasabing pagkasabi niya ng mga salitang iyon, saktong bumukas na ang pinto ng elevator at agad lumabas s Jeremy. Medyo natulala ako sa loob, pero di naglaon at lumabas rin ako ng elevator.

Wala siyang pakialam? Ganon na ba siya kalamig? Bakit nga ba? Pero, bakit parang nasasaktan ak? Parang may nakatusok sa puso ko? Parang basa ang mata ko? Parang may tumulo na tubig mula sa mata ko? Ano bang nagyayari sa kin?

Siguro apektado ako sa sinabi mga sinabi ni Jeremy at kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Ganito pala ang pakiramdam ng binabalewala, masakit.

(Author's Note: Sorry kung maikli lang yung chapter 15. Tsaka sorry kung sobrang bagal ng update. Pero hintay lang po kayo, matatapos din ang istoryang ito. Patience pang! Thank you for reading! Vote po sana kayo! Thanks!)

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon