12. Ashton Ferguson

67 2 0
                                    

|Jeremy Point of View|

"Ah, may hawig pala ako sa kanya ha. Pero nakakalungkot naman nang karanasan mo. Sayang dahil iniwan ka niya."

"Hhaaayy.. Oo nga eh, sayang."

Ano ba yan. Bakit napunta ba sila sa usapang pagibig? Oo nga pala, narinig ko sila dahil nakinig ako dun sa pinto ng kwarto na nakadikit ang kaliwang tenga ko. Akala ko kasi dramahan at pagsorry lang ang paguusapan nil, pero napunta pa sila sa ganong bagay tungkol sa pag-ibig.

"May tanong ako A-Ate Jane." Sabi ni Alexus.

"Ano yun?"

"Mahal mo pa ba siya?" Haay! Ano ba naman yan! Pati ba naman ang mga babaeng alien meron din palang sense pagdating sa pag-ibig. Makalabas nga muna sa building ng condo na to at makapagpahangin.

Pero sa paguusap nilang dalawa, may isang bagay na talagang kinabigla ko. Yung nararamdaman ko kay Alexus, nararamdaman din pala niya. Di talaga ako makapaniwala na nakakaramdam ang mga alien ng ganon. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko kay Alexus ang mga salitang iyon. Iyon rin kasi ang gusto kong sabihin nung sinabi kong 'Hinde. Hindi ka pasakit sa kin. Huwag na huwag kang aalis. Huwag na huwag mo kong iiwan.' kaso bigla akong nakaramdam ng hiya kaya hindi natuloy. :/

Nakababa na ako sa ground floor mula sa elevator. Lalabas pa lang sana ako sa main door ng building nang nabaling ang tingin ko sa isang lalaki na kinakausap ng guard. Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya, dahil di kasi ako sigurado kung siya talaga yon.

"HOOAAH!! ASHTON??!!" Buti na lang tatlo lang kaming nandon nung sumigaw ako kaya naman walang dahilan para mahiya akong sumigaw.

Kinilala mu niya ang physical appearance ko bago siya magsalita.

"Jeremy?!" Pabigla niyang sabi.

"Ashton? Ikaw ba talaga yan?!" Hindi talaga ako makapaniwala na bumalik siya.

"Ashton Gonzales?!"

"Ahhmm.. Oo!"

"Ashton!!" Sinigaw ko ulit ang pangalan niya at yinakap siya. Oo, close kami ni Ashton, at inaamin ko kahit lalaki ako, namiss ko siya. Siya kasi yung bestfriend ko. Lagi kaming magkasama noon habang si Ate Jane ay nasa UK. At si Ashton ang dating boyfriend ni Ate Jane na sinabing iniwan

siya. Bakit niya nga ba siya iniwan ni Ate? Ano bang

nangyari kay Ashton? Bakit bigla syang nawala?

"Grabe Ashton! Nagmature na yung itsura ko, pero ikaw matipuno, makinis at gwapo pa rin!" Pagkamangha ko.

"Ahh kase. Syempre dapat talagang alagaan ang pisikal na anyo."

"Ahh, Ashton. Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa elevator.

"Ahh.. Pupuntahan ko kasi yung kapatid ko. Nanganganib kasi siya."

"Sinong kapatid yon? Parang di ko nabanggit sa kin na may kapatid ka?"

"Ahh.. Kase.. Basta mahabang istorya. Baka maguluhan ka lang." Bumukas na ang elevator.

"Ahh ganun ba." At pumasok na kami. Inimbita ko si Ashton na pumunta sa unit ko. Sinabi ko sa kanya na ako lang ang tao doon. Pero ang totoo gusto ko talaga silang magusap ni Ate.

"Nasan pala magulang mo?" Tanong ni Ashton habang nasa elevator na kami.

"Ashton? Ano kaba, wala kaya akong magulang!" Pagsagot ko sa kanya.

"Ahh.. Oo nga pala! Nakalimutan ko."

---

|Alexus' Point of View|

Tapos na kaming magkwentuhan ni Ate Jane. Ate Jane na ang tawag ko sa kanya dahil nasanay na rin akong naririnig ito kay Jeremy.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama, kaso bigla rin akong papaupo nang makaramdam akong kakaiba.

"Ahh.. Alexus, anong nagyari?" Pagaalala ni Ate Jane.

"May nasagap yung radar ko. Isang nilalang mula sa planeta namin. Hindi ko kilala ito pero pakiramdam ko papalapit siya nang papalapit sa bahay niyo dito."

"Ah huh??"

"Diyan ka lang Ate Jane. Baka kung sino nang pumunta dito." Tumayo na ako at lumabas na nang kwarto bubuksan ko na sana ang pinto sa sala kaso mas nauna itong bumukas bago pa ako.

O_O.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ashton?!!"

"Alexus?!!" Sabay naming tinawag ang isa't isa.

Nakita ko si Jeremy na gulat na gulat. "Magkakilala kayo?!"

"Sa sala tayo magusap." Pagyaya ko sa kanila .

"O sige nga! Explain niyo nga sakin to! Magkakilala pala kayo?" Tanong ni Jeremy habang nakatayo lang siya at nakaua sofa.

"Ahhhmm.. Oo." Sabay naming sagot ni Ashton.

"Paano?" Tanong ulit ni Jeremy.

"Sa katunayan Jeremy.. Nakatatandang kapatid ko siya." Deretso kong sagot kay Jeremy.

"Huhh?? Eh kung magkapatid kayo, bakit Gonzales ang apelyido niya at Ferguson yung sayo?!" Pagtataka ni Jeremy.

"Gonzales?" Pagtataka ko at humarap kay Ashton.

"Teka lang ha, kung magkapatid talaga kayo, edi Alien ka din?! Tanong Jeremy kay Ashton.

"Alam mong Alien kami??" Pagkagulat ni Ashton.

"Oo."

"Teka lang Ashton. Bakit mo ba pinalitan yung apelyido mo na Gonzales?" Tanong ko sa kanya.

"Dati pa kasi ako nagpunta dito sa Earth. Misyon ko non ang pagligtas sa lahat ng uri ng halaman dahil nanganganib sila. Sumali ako sa mga grupo ng mga nagmamahal sa kalikasan. Gamit ang kapangyarihan ko, binigyan ko lahat ng halaman ng butil para hindi sila masira sa balak ni Gandor, ang pinakamasamang nilalang sa planeta namin. Kaya medyo nagtagal ako dito, dahil nakilala ko si Jeremy,"

"At si Ate Jane." Dugtong ni Jeremy

"Huh? Si Ate Jane? Kilala mo rin siya?" Tanong ko.

"Actually Alexus, siya yung dating boyfriend ni Ate Jane."

O_O! Kaya pala sabi ni Ate Jane na ang dati niyang boyfirend ay kapareho ko ng mata at kahugis ang mukha. Siya pala ang dating boyfriend ni Ate Jane! Hindi ko talaga inaasahan to!!

Tumingin kaming tatlo sa pinto ng kwarto nang bigla itong bumukas at iniluha si Ate Jane.

"Ashton??" Malungkot na pagkagulat ni Ate Jane. Naintindihan ko ang nararamdaman ni Ate Jane dahil matagal niya talagang hindi nakita ang boyfriend niya.

"Jane??" Pagkagulat rin ni Ashton.

"Ahhmm.. Sa tingin ko, kailangan muna namin kayong iwan dalawa." Sabi ni Jeremy at hinila niya ako papalabas. Alam ko kung anong balak ni Jeremy. Gusto niyang magusap sila para nang sa ganon ay magkasundo sila ulit.

--

(Author's Note: ibibitin ko muna ulit. Pero try kong magupdate mamaya. Thanks. :))

My Rare Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon