Monday. 5:27am.
maaga akong dumating sa eskwelahan namin dahil sa pesteng meeting sa club namin. Dance club. 4th yr HS na ako, pero first time ko lang sumali sa dance club.
Pumunta na ako ng gym. May ibang tao na rin naman. Umupo ako sa isang bench. Yung wala akong katabi. Mahiyain kasi ako. How ironic. Dancer tapos mahiyain? Psh! Inaaya ko naman kasi ang bestfriend ko, ayaw naman niya. Magaling din naman kasi siya sumayaw. He's Tom Briggs. Half German, half shepard. Kidding! He's actually half German-half Filipino.
Ilang minuto na ang nakalipas, dumating na sa wakas ang lahat. Grabe sila, 10mins na ako dito pero walang kumakausap sa akin? So, lonely. Huhuhu!
Pumwesto sa gitna ng Gym yung lalakeng kagwapuhan naman. Katabi niya yung P.E teacher namin sa 4th yr. Ito siguro ang president.
“Listen up!" sigaw niya at natahimik ang lahat. Nakaharap na sakaniya lahat ngayon. Wow! Mukhang mataray to. “Hindi lang tayo magmi-meeting. Kailangan din natin mag-practice! As you can see, pili na kayo. Nag-audition kayo bago maka-sali dito, di'ba? May gaganaping dance contest next month. Kailangan natin paghandaan ‘yon sa lalong madaling panahon!" paga-announce nung president. May nakikita naman akong mga babaeng naggi-gitgitan. Kinikilig ata sa Pres.
Nang matapos ang meeting ay nagsitayuan kami at pumunta na rin sa gitna. We don‘t call him by his name or Mr. President daw. ‘Boss' daw ang itawag sakanya. Siya rin kasi ang choreographer namin. Astig, di'ba? His name is Ryan Guidicelli.
Sinimulan na niyang ituro ang steps. Twist and turn and step and point. Hindi naman mahirap. Parang hinahamon ka lang naman na ilagay ang kaliwang kamay mo sa kanang siko mo saka mo abutin ng kanang kamay tapos tumalon ka sa mataas na gusali. Promise, hindi naman mahirap.
Nung kami na ang magt-try, medyo nagkakamali pa ako dahil nahihiya pa akong sumayaw. Nung elementary pa ako last na sumayaw! Syempre, nahihiya na ako ngayon. Napatingin sa akin si Boss at biglang nakunot ang noo. Napayuko nalang ako.
Nakita ko ang pares ng kanyang mga paa na papunta sa direksiyon ko. Ramdam ko rin ang mga curious na tingin ng mga tao sa paligid.
“Ano'ng nangyayari sa'yo? Ikaw ang best pick ko! I watched your audition video, you're very good. What the f*ck is happening to you!?" sabi sakin ni Boss.
“sorry, Boss. Nahihiya lang talaga ako." pabulong kong sabi.
“Nahihiya!? Dancer ka! Ugh! You, woman! Tatanggalin ko ang hiya na yan!" sabi niya saakin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik siya sa pwesto niya at nagsimula na kaming mag-practice ulit.
Unti-unti ay natutunan ko na ‘yung steps. Pa-practisin ko nalang sa bahay.
--
Dahil boring ang mga pangyayari sa school, inadvance ko na. Saktong 5:00 PM, nag-ring ang bell. Hudyat na uwian na.
Nakita kong naghihintay si Tom. Nakasandal siya malapit sa gate at... naninigarilyo?
Lumapit ako ng mabilis sakaniya at agad na inagaw ang yosi niya sa kamay. Itinapon ko iyon sa lupa at inapak-apakan.
“Watda!? Bakit mo naman ginawa ‘yun!? Argh. Nevermind, natikman ko na din naman. Ang sakit pala sa lungs!" sabi niya sabay tawa. Gunggong ata ‘to!
“Adik ka ba!? Hindi ka naninigarilyo!" simpleng sabi ko sakaniya.
tumawa lang siya at ginulo ang fishtail braid ko. Ang hirap kaya mag self-braid tapos ginulo lang!
“okay lang. Tara na." sabi niya. Kita mo ang malalalim na dimples niya sa pagngiti niya. Nangiti na rin ako dahil nakakahawa ang ngiti niya.
.
Hinatid niya ako sa bahay at nadatnan na pinapakain ni mama si Yannie. Kapatid ko na may down syndrome. Si Papa nasa ibang bansa, OFW siya. Si mama, housewife.
“Hi, Yna." bati ng kapatid ko. Binati ko din siya. Ngumiti naman si mama sakin, ganu'n din ako.
umakyat ako papunta sa kwarto ko.
binuksan ko muna ang facebook ko.
e-mail:
Ynastephenavila@yahoo.com
Password:
*********
walang gaanong bago pwera sa new classmates ko na nag-add saakin. Nag-post muna ako ng ‘good night' na may smiley pagkatapos nag-log out na rin ako. Nakakapagod ang isang araw na practice! Pinatay ko na ang laptop at humilata sa kama.
PLEASE LANG PO, LORD. PABAITIN NIYO PO SI RYAN A.K.A. BOSS A.K.A MR. PRESIDENT PARA HINDI PO AKO MAPAHIYA. HUHUHUHU!
--
VOTE and COMMENT. ♥
-Y A N Y A N♪
BINABASA MO ANG
Regrets.
RandomNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?