nagising ako sa isang puting kwarto. Alam kong ospital ito.
Nakita ko si Tom.
"nasa'n si Ryan? Anong nangyari?" tanong ko sakaniya. Baka kasi panaginip lang lahat. Ang sama naman ng panaginip na yun. Parang totoo.
"Tom, ang sama ng panaginip ko, grabe!" sabi ko at tumawa ng mapakla. "akalain mong nakipag-break daw saakin si Ryan. Haha! Mahal kaya ako 'nun." sabi ko at patuloy na tumawa.
"nahilo ka kanina sa school garden. Mag-isa ka lang dun... wala na si Ryan. Umalis na siya. Kalimutan mo na 'yung gag*ng 'yun." sabi niya. Unti-unti nanaman namuo ang mga luha sa mata ko. Hindi pwede.... totoo ang mga nangyari? Paanong....
"hindi! Panaginip lang kaya 'yun. Mahal kaya ako ni Ryan! Mahal niya ko!" sigaw ko at nagwala ako. Niyakap ako ni Tom.
bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko.
Ang sakit. Wala na ata talaga. Iniwan niya ako. Bakit naman ganon? Wala akong mahanap na Valid Reason. Ang sakit sakit, Ryan...
nangiiwan ka ng walang sapat at acceptable na reason.
hindi ka tunay na lalake. Wala kang kwenta... minahal kita. Gag*! Nagsayang lang pala ako ng 4th yr life sa'yo.
ang tanga ko! Bakit kasi easy-to-get ako!
Sabi niya mahal niya ako. Sabi niya ako lang. Sabi niya 'to infinity and beyond'. Sabi niya 'to the moon and back'. Sabi niya 'Always'. Sabi niya 'Forever'. Nasa'n na yung mga 'yun!?
Kinausap na ni Mama ang doktor. Sinabi ko sakaniya na ayoko mag-stay sa ospital. Na gusto ko ng umuwi at magpahinga nalang 'don.
Pinayagan ako ng doktor ko dahil mukhang stressed daw ako at kailangan ko raw ng peace of mind.
pag-uwi sa bahay, umiyak lang ako ng umiyak.
bawat patak ng luha ko, ramdam ko yung sakit.
sana... sana bumalik ka parin, Ryan... Sana.
nasaan na yung 'I love you. To infinity and beyond. To the moon and back. Always. Forever'?
bakit nang-iwan ka? Saan ka pumunta?
Naba-blangko ang utak ko dahil sa dami ng tanong.
Parang mababaliw na ako sa kakaisip. Ayoko na. Sumasakit lang ang ulo ko!
Ang dami kong iniisip. Sabi ko kay Tom na umuwi na muna siya sa kanila. Gusto niya raw akong bantayan. Mabuti pa ang bestfriend ko hindi nang-iiwan. Pero yung mismong BOYFRIEND ko iniwan ako sa ere.
nakatulog ako habang hina-hug ang unan ko na puno na ng luha.
Good night, Ryan. I hope you're happy now. I love you...
--
Kinabukasan, pagkagising ko, mukha agad ni Tom ang nakita ko.
"good morning, bestfriend." sabi niya ng nakangiti. Ginantihan ko siya ng ngiti.
"dude, get a life. Bakit lagi kang nandito? Wala ka bang pinagkakaabalahan?" sabi ko sakaniya. Natawa naman siya.
"Nah! Masyado na akong stressed. I need a break." sabi niya. Ngayon ko lang napansin ang eyebags niya. Grabe.
"what happened to you?" tanong ko.
"what happened to YOU?" balik-tanong niya sakin.
"psh. Alam mo naman na 'yung nangyari sakin. Wag mo na ipa-kwento." sabi ko sakaniya ng seryoso. Ayoko ng balikan 'yun. Masakit parin eh.
"puppy love pa lang naman 'yan. Konti lang ang nagtatagal na high school sweethearts." sabi niya.
"I don't care. I need him." sabi ko. Napayuko ako.
"whoa, wait. Okay, cut it. Change topic naman. May nagmamahal pa naman sa'yo eh." sabi niya at hinimas ang likod ko.
"sino?" tanong ko.
"si Eddie? Di mo kilala si Eddie?" Tom said. Kumunot ang noo ko at napa-iling.
"sus. Eddie ako! (edi ako)" sabi niya. Natawa ako ng konti.
"corny mo." sabi ko at hinampas siya ng pabiro.
"at lease, tumawa ka." sabi niya. "K" lang ang sinagot ko.
"hoy! Magkwento ka naman." sabi ko sakaniya. Wala na kaya akong balita sakaniya!
"meh. My story is boring. You don't wanna hear it." sabi niya at napa-iwas ng tingin.
"I don't care. Come on, come on!" sabi ko at inalog-alog ang braso niya.
"psh. K. I love this girl, but she'll never be mine, and I live happily never after. The end." sabi niya at nag-bow ng kaunti. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"anong nangyari? Broken ka?" tanong ko sakaniya.
"just don't ask... kuha lang ako ng foodssss." sabi niya at agad na tumayo sa upuan at lumabas ng kwarto ko. Adik ata 'to.
--xx--
Vote and comment♥
-Y A N Y A N
BINABASA MO ANG
Regrets.
RandomNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?