Nang malapit ng mag-valentine's day, nagplano kami na magdate ni Ryan. Di ko siya kasama ngayon dahil nasa gym siya. Nagtuturo ng Mass Dance ng Sophomore.
so, si Tom ang kasama ko ngayon.
"ano nang balita?" tanong ko sakaniya habang sinisipsip ang straw ng nakaplastic ng buko juice na hawak ko.
"ha?" pagmamaang-maangan niya. Asus!
"Kainis ka naman eh! Si Krishna." sabi ko ng pabulong. Baka may makarinig sakin.
biglang nagsalubong ang kilay niya na parang naiirita na ewan.
"hayaan nalang natin siya. Wag na nating pag-usapan." sabi niya saakin. Buti wala siyang pasa ngayon.
"dude, don't love your puppy love or else you'll forever chase a dog." advice ko nalang saka niya. I tapped his shoulder twice.
"so be it. I'll chase a dog forever!" sigaw niya na ikinagulat ko. Napabuntong-hininga siya. "sorry. Wag na natin 'yon pag-usapan pa." sabi niya at napayuko.
Naglibot nalang kami sa campus para mag-enjoy. Wala ng masyadong ginagawa dahil malapit na ang graduation namin.
the whole time, tahimik si Tom. Parang malalim ang iniisip.
Nung ngang makasalubong namin si Juanito, tumingin si Tom ng masama sakaniya. Ano ba talagang nangyayari? Bakit wala na akong alam sa buhay ng bestfriend ko?
pakakalmahin ko muna ang sitwasyon.
-
nang mag-valentine's, tuloy ang plano namin ni Ryan. Ang daming tao sa sinehan. These past few days, laging may nagtetext or call kay Ryan pero dinededma niya lang. Tapos parang nababadtrip siya na kinakabahan. Bakit ang dami atang problema ng mga tao ngayon?
"hindi mo ba sasagutin yan? Nung isang araw pa yan." sabi ko habang nanunuod kami.
nginitian niya ako.
"it's nothing... not important." sabi niya. Pinagpatuloy namin ang palabas.
I love you, Ryan. I really am.
Feeling ko safe ako pag kasama ko siya. Lagi niya akong binibigyan ng time. Walang absent sa pagbibigay ng lunch saakin. Walang absent sa regalo para sa monthsary.
naglibot pa kami sa mall. Binili niya iyong tinuro ko na necklace sakaniya.
"thank you." sabi ko sakaniya.
"I love you very much." pagtuloy ko.
"I love you, too." he replied and kissed my temple. So sweet!
maya't-maya nanamang nagr-ring ang phone niya.
"sagutin mo na kaya." sabi ko sakaniya. Ngumiti siya at sinunod ang sinabi ko.
Lumayo siya para yata di ko marinig yung pinag-uusapan nila. Baka masyadong private.
bumalik siya na parang hindi alam ang gagawin.
"sino 'yun? Ano daw?" tanong ko.
"wala, wala. Wag mo na isipin yun. Just a friend of mine nagging me." sabi niya. Tumango-tango nalang ako.
hinatid niya ako sa bahay namin. Baka raw kasi mahold-up nanaman ako tapos hampasin ko ulit ng bote ng pabango. Psh. Mapang-asar as ever.
--xx--
maikli yung ibang chapters. Hehehehe! Sorry. Short story lang din kasi to kamukha ng "Infinity".
VOTE AND COMMENT. ♥
-Y A N Y A N H E R E
BINABASA MO ANG
Regrets.
RandomNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?