Nang magising ako, ginawa ko lang ang daily routine ko. Sabay din kami pumasok ni Tom.
Pagpasok namin ng gate, natulala si Tom. Ang ganda kasi ng kasama niya. De, joke! Nakita niya kasi si Krishna.Yung crush niya na muse nila.
Siniko ko siya at parang nabalik siya sa realidad.
“Uuuuy. Bakit di mo pa kasi pakitaan ng the-tom-briggs-move mo!" tukso ko sakaniya habang tinataas-baba ang kilay ko.
“darating din tayo diyan." naka ngiti niyang sabi sabay kindat saakin. Umarte naman ako na parang nasusuka.
kung di niyo lang naitatanong, mag-bestfriend lang talaga kami. Hindi kami yung mahal-ko-yung-bestfriend-ko-pero-di-niya-ko-mahal-pero-malalaman-ko-sa-huli-na-mahal-niya-ako clichè story. Dahil unang-una, ang pangit niya para sa isang diyosa na gaya ko. Pangalawa, di ko trip ang mukha niya. Pangatlo, ayaw ko sa mukha niya... de, joke! Gwapo naman bestfriend ko. Platonic lang talaga kami.
nagkahiwalay na kami ng landas dahil hindi naman kami magkaklase.
Pagkapasok ko ng classroom, napansin ko kaagad ang roses at isang bar ng hershey's sa upuan ko.
Nakatingin lahat ng classmates ko sa akin.
Naisip ko na katabi ko nga pala ang muse, baka sakaniya ‘to.
“hehehehe... Aliyah, baka sa'yo to. hehehe" sabi ko na may kasamang awkward laugh. Ano ba ‘to...
“Adik ka ba, Avi? May letter, oh. Nakalagay ‘to: Yna Stephen Avila' at sa pagkakaalam ko, di ko pagmamay-ari ang pangalan na ‘yon" sabi niya. Tinignan ko naman agad at may letter nga!
Agad-agad kong binasa yun. Di naman ako excited, halos mapunit ko yung papel kakamadali buksan. Promise, di talaga ako excited.
To: Hillary Stephen Avila
I just saw the sweetest thing in the world, and it's your smile. Your eyes are twinkling. Always smile, Hil. You're beautiful. Don't hide in the dark. Be in the light. Show your beauty. You're a princess to me. The way you dance, you rock my world. Always take care, my princess.
From: Ryan Guidicelli (no, i will not hide my identity, i am not a ‘secret admirer'. Im an admirer)
Pagkatapos kong basahin ‘yun, nabingi ako sa tili ng mga classmates kong babae at kunwaring babae sa likod ko. Di ko namalayan na nakikibasa na pala sila sa likod ko.
Teka? Ryan? Si Boss!? Siryusli!?
Napanganga naman ako. Hindi naman yung literal, mentally lang.
Nagsibalikan ang mga kaklase ko sa pwesto nila dahil dumating na si Ms. Mona Lisa. Wala kasi siyang kilay. So bad! Ahihihihihi! Nung minsan nga naghilamos siya saglit tapos pagkapasok niya sa room, nagpipigil lahat kami ng tawa. Nabura yung eyebrows niya. Pffffffft!
Anyways, pagkarating ng recess, hindi na ako nag-abalang bumaba dahil nandito naman yung hershey's. Nag-vibrate naman bigla ang palda ko na ikinagulat ko... yung cell phone ko pala.
May nagtext. *insert vice ganda*
from: 09*********
mit mi @ the garden... asap!!!
wow ha! Di naman siguro siya nagmamadali no? *with sarcasm* Hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin para pumunta sa garden.
Medyo maraming tao sa garden dahil masarap tumambay do'n. Pa'no ko makikita yung nagtext?!
May bigla namang humawak sa balikat ko.
“Ay, bakero!" hindi ko sadyang sigaw dahil nagulat ako. Kumunot naman ang noo niya. Nagulat ako kung sino ang nasa harap ko.
Tama kayo! (o mali?) Si Ryan.
“b-boss" ako. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “exempted ka, wag mo na kong tawagin na boss. Did you receive my gifts?" tanong niya. Tumango lang ako.
Umupo muna kami sa bench at nagkwentuhan at hinatid niya na ako sa classroom....
teka, ang bilis. Anong nangyari? Did I just bond with our boss?! Teka nga! Napapa-english na ako! Ang bilis lang kasi. Hinay-hinay lang. You know, women prefers slow and gentle.
Nagkita na kami ni Tom pagkarating ng uwian.
“Ano'ng balita?" tanong ko. Referring sa lablyf niya.
“sa radyo at tv~....?" pagkanta niya. Adik talaga ‘to.
“Adik!" sabi ko at hinampas siya sa braso.
“Ano nga?" tanong ko ulit. Sasapakin ko na ‘to. Nang-aasar nanaman eh!
“Anong ‘ano nga'?" tanong niya. Eeeeeeh, isa pa. Kukutusan ko na to! Sinamaan ko siya ng tingin.
“hehehehe. Wala parin. Closure muna. Hehehehe" sabi niya
“closure mo mukha mo! Di na uso ‘yun. Dalian mo na, baka maunahan ka. Ang buhay ay isang malaking Quiapo, kelangan mong bilisan kundi--" he cut me off. Napapasobra na ata ako sa english. Ang galing ko na!
“maaagawan ako." pagtutuloy niya na dapat ay sasabihin ko. Nag-pout lang ako. Minsan na nga lang ako magsabi ng quotation. Psh.
Naihatid na niya ako sa bahay.
Pagkatapos ko mag-dinner at humilata sa kama, laptop nanaman ang kaharap ko.
Pagkabukas ko ng FB, may FR. Si Ryan! Pagkatapos i-accept inopen ko ang profile niya.
Ang daming likes ng every status at pictures. Ang isang Ryan na sikat, inadd ang normal na teenage girl na buang na katulad ko!?
--xx--
Vote and Comment♥
- Y A N Y A N ♪
BINABASA MO ANG
Regrets.
NezařaditelnéNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?