3 months passed. Ganun parin. Sabay kami nina Tom. Kaso minsan nalang kasi hindi ko na alam ang nangyayari sakaniya. Minsan makakasabay ko siya na may pasa. May black-eye. Pag tinanong ko siya, ngingiti lang tapos sasabihin walang problema.
Si Ryan, ganun parin. Food, notes, etc. "his" same stuff. Nakakasawa. I mean, parang naging normal na sakin na padalan niya ako? Anyways, ulit-ulit naman yung note. Natulungan din naman ako ng mga ganung style niya, nasanay na ako sa attention. Hindi na ko nahihiya. Nabalik yung dating sanay akong sumayaw sa harap ng mga tao.
Heto ako sa room. Nagla-lunch. Yung binigay parin ni Ryan. Same note. Smile daw. Eatwell daw.
si Courtney, naka-close ko. Ang daldal kasi. Minsan nga lang, parang gustong lumabas ng dugo sa ilong ko. I shall admit daw na naf-fall na ako kay Ryan. Yes, I admit. Pero, alam mo yun? Ulit-ulit yung ginagawa niya. Wala ng kilig factor. Sa personal, ang seryoso. Hanggang notes lang!
sabi ni Court, baka daw nahihiya lang.
napansin kong may nags-snap ng finger sa harapan ng mukha ko. Napa-iling ako ng mabilis. Back to reality.
"are you listening? Hellooo! Yna to Earth, Earth to Yna." sabi ni Court.
"ha? Ano yun?" tanong ko. Nakalimutan ko nga na katabi ko pala siya.
"Argh! Ang haba na ng nikwento ko!" inis na sabi niya saakin. "edi ulitin mo." simpleng sabi ko. Napa-irap siya saakin. Aba!
"as Im saying, it's a sign, girl. He likes you! You, two, need to talk. But if... uhm... if ever it's not "that" kind of feeling, Im always here for you." sabi niya. Napatango-tango nalang ako.
Tinext ko SIYA. Magkikita kami sa garden kapag dismissal.
-
"uhm... ano..." panimula ko. Ang awkward. Kaming dalawa lang sa garden. Ang tahimik. Hooh! Ayoko nito.
"What?" tanong niya.
"anong ibig sabibin nung food, notes, letters, etc...?" deretso kong tanong para matapos na. I'm expecting an answer....
"haha! You're numb, yeah? I love you, Yna. Really." sabi niya saakin. Hindi ko ikinagulat dahil expect ko nga iyon. Hindi ako tanga. Kita naman sa letters. OO! SA LETTERS.
"oh, god. Really?" sarcastic na sabi ko. Hindi na kasi kita ma-feel, Ryan. Ano ba talaga? Wala man lang bago sa notes mo? Iisa lang talaga. Parang pina-xerox lang. Baka napipilitan ka lang.
"bakit naman hindi ko ma-feel. Bakit gano'n, Ryan? Hindi ka ba talaga marunong magpakilig? I mean, lamok na lang ang kinikilig sa'yo eh." sabi ko sakaniya. Masakit pero pinipigilan ko ang luha ko. Okay lang 'to. 3 months palang kitang mahal. Unti-unti ring namumula ang mga mata niya.
"Ryan, ano ba talaga? Naguguluhan na ako... parang... parang napipilitan ka lang saakin." sabi ko. Hindi ko na siya hinayaang sumagot dahil tumakbo na ako palayo. Tuluyan ng kumawala ang luha sa mga mata ko.
Nang umuwi ako, buti wala ulit tao sa bahay. Umiyak lang ako hanggang sa makatulog ako.
-
3 days after, hindi parin nagpaparamdam si Ryan. Wala rin siya sa mga dance practice. Im kinda nervous... oh, scratch that. As if he's caring for me, too.
"what happened?" tanong ni Courtney na nasa tabi ko. Nasa CR kami ngayon at nakatapat sa salamin. Magkausap kami. Hindi naman siya nagr-retouch. Wala lang trip lang namin humarap sa salamin.
"not here. Chismosa-prone ang CR. Nabasa ko sa mga stories, dito nagsisimula ang chismis o away. Let's go outside." sabi ko sakaniya at hinila nalang siya palabas. Hindi ko siya nahila. Parang na-glue ata siya. Nilingon ko siya at naka-poker face lang siya.
Tinanggal niya ang kamay ko at pumunta sa direksiyon ng pinto. Akala ko lalabas siya. Ni-lock niya lang pala ang pinto. Chineck niya lahat ng cubicles kung may tao. Kami lang talagang dalawa dito.
"now, TALK!" sabi ni Court. Nasindak naman daw ako.
"k-kase days ago, kinausap ko si Ryan. He told me he love me. Tapos sabi ko di ko ma-feel tapos nagwalk-out ako. Nag-absent siya kinabukasan. Hanggang ngayon di parin siya pumapasok. I... I don't know what to do, Court." sabi ko sakaniya na nalilito.
"dude, fix it. Pawalk-out walk-out kapa, di pa nga yata nakakapag-explain yung tao. Psh." sabi niya na medyo banas ang mukha. Sapakin ko 'to eh!
"dude, seriously? End this sh*t if you don't have a plan to be with him. Nagpapaasa ka lang!" sabi niya.
"may pinaghuhugutan, 'teh?" nag-smile naman siya at sinampal ako ng pabiro.
"baliw." sabi niya.
-
pagkagising ko, naghanda na akong pumasok sa schl. Maga pa ang mata ko kaya hindi muna ako nag hairband.
"ate. Someone. Sa Gate." sabi ni Yannie.
Pumunta ako sa gate. Nakita ko si Ryan na may hawak na sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri niya. Nagulat ako sa presensiya niya.
"ba't nandito ka?" utal-utal kong tanong. Napansin kong hindi nakasindi ang sigarilyong hawak niya. Napansin ata niya iyong pagtingin ko sa sigarilyo niya. I know he's smoking but, wtf, hindi naman nakasindi 'yong yosi niya tapos hinihithit niya..
"gusto kong gayahin si Augustus ng The Fault In Our Stars." simpleng sabi niya. "It took me time para mag-ipon ng lakas ng loob na kausapin ka..." sabi niya. Hinablot niya ang bag ko at naunang maglakad. I frowned and just followed him.
hindi man lang sinagot ang question ko. Nao-awkwardan ako dahil parang kagabi lang, nag-ayaw kami.
"sorry." he said, out of the blue.
"ha?" tanong ko.
"sorry. Akala ko kasi ayaw mo ng showy. That stupid Tom. Im so sorry, Yna. I love you. Really. To infinity and beyond. To the moon and back. Always. Forever." sabi niya at bigla nalang akong niyakap. Narinig kong may nagbusina at nakatingin lahat ng tao sa amin. There I realized, nasa gitna kami ng daan.
"wag kayo diyan maglandian!" inis na sabi nung driver na nangbusina. Panira ng moment.
"i won't say I love you, too. I'm really not sure. Crush palang kita, Ryan. Besides, we're too young. This may be puppy love." sabi ko. Lito ako sa nararamdaman ko dahil first time kong malagay sa ganitong situation.
"please be sure." sabi niya. Hinila niya ako papunta sa tabi. Umiwas ako ng tingin dahil nangingintab na ang mga mata niya. Nagtutubig na.
"let's go." sabi ko at nauna ng maglakad.
Nang makarating sa schl, naghiwalay na kami ng landas...
Pumasok na ako ng room. Iniisip ko parin ang mga sinabi ni Ryan.
"got any news?" tanong ni Courtney.
"Court, I'm confused of what I feel towards Ryan." sabi ko sakaniya.
"kung ganiyan, hindi mo pa pwedeng sagutin si Ryan. You might hurt him because of that confusion." sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Nag-smile nalang ako sakaniya. I didn't expect that I'll this kind of Bestfriend. She's always there for me.
pagdating ng lunch, pumunta akong cafeteria para samahan si Court.
Pagdating dun. Naka-abang si Ryan. May Illustration board na hawak. Nakataas. May nakasulat na 'I love you, Yna Stephen Hillary. To infinity and beyond. To the moon and back. Always. Forever.' part of me, kinilig.
Nilapitan ko siya at niyakap. Binaba niya ang karatula niya. Yumakap siya pabalik.
"I love you, too." sabi ko. Naghiyawan ang mga nasa cafeteria. Alam kong mabilis ang mga pangyayari. Iba kasi ang nararamdaman ko kay Ryan. Siguro nga nahulog ako ng tuluyan sakaniya.
--xx--
Vote and comment♥
- Y A N Y A N
BINABASA MO ANG
Regrets.
RandomNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?