End

7 0 0
                                    

1 week before ang graduation, parang laging lutang at balisa si Ryan. Si Tom, busy atang nakikipagbugbugan.

nakatulala sa tabi ko si Ryan. Parang ang lalim ng iniisip.

ni-wave ko ang kamay ko sa harap ng mukha ni Ryan.

Napa-iling-iling siya.

"ha?" tanong niya.

"wala akong sinasabi. Ang lalim ng iniisip mo!" sabi ko sakaniya.

"ah. Wala 'to." sabi naman niya. Maya't-maya siyang natutulala.

Minsan di niya alam ang gagawin niya. Puro palpak na nga siya kasi di siya makapagconcentrate sa di malamang dahilan.

nagtoga picture na kami. Sana naman ayos lang ang itsura ko roon. Maganda naman ako, okay lang 'to. Hahaha!

-

Pagdating ng graduation. 2 ang hindi naka-graduate. Si Courtney naman, inasikaso na ang papeles para bumalik sa new york at doon mag-college.

present sa graduation siyempre si Tom. Kahit pumapasok na may pasa, matalino naman kasi. Bilib nga rin ako sakaniya eh.

Ang saya ko. Pareho na kaming magka-college ni Ryan. Sabay namin aabutin ang pangarap namin. Magpapakasal kami. Magkakaron ng one big happy family. Nakakatuwang isipin.

matapos ang graduation, ni-

congratulate ako ng mga kaklase ko at family ko.

Si Ryan, hindi rin naka-attend ng graduation. Di ko rin alam ang dahilan eh. Baka busy lang talaga. Understanding naman ako.

-

3 weeks after our graduation. Lalong nagiging cold si Ryan. Minsan ko lang siya makatext. Pag pa nakatext or chat ko, puro 'yes', 'no', 'maybe', 'ok', at 'idk'.

Hindi ko na alam ang nangyayari saamin eh.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Naglalaro muna ako ng computer games. Para lang malibang ako. Mahilig naman na ako sa computer games. I reccomend you to try Alice: The madness returns and/or Prototype. Yung Alice ang nilalaro ko ngayon.

Nakakalimutan ko lahat pag naglalaro eh. Nandito na nga ako sa dollhouse. Ilang beses ko na natapos laruin 'to pero di nakakasawa.

Nang matapos ko na ulit, nag-check ako ng mga social-networking sites ko at cell phone.

May message ako!

from: Ryan♥

we nid to tlk.

'yan ang sumalubong saakin. Parang kinabahan ako bigla. 4minutes ago palang ang message kaya nagbihis na agad ako.

Pumunta ako sa school garden. Madalas kasi 'don kami magkita.

"Hi!" masaya at nakangiti kong bati sakaniya. Nakakamiss 'tong lalakeng 'to!

Niyakap ko siya pero hindi ko na-feel ang yakap niya pabalik.

Hindi siya makatingin ng deretso saakin. Nakita ko rin sa mga mata niya na parang hindi siya nakakatulog ng maayos. Kapansin-pansin kasi ang eyebags niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench. Nakatingala na ako ngayon dahil mas matangkad siya saakin.

Umayos siya ng tayo at poker face na humarap saakin.

"Im breaking up with you, Yna." walang emosyon na sabi niya.

tumawa ako ng mapakla.

"galing mo talaga mag-biro." sabi ko sakaniya.

"I am not kidding. Can't you see? Hindi naman talaga kita mahal. Ginawa ko lang lahat ng efforts na ginawa ko para ilessen yung hiya mo. President ako ng Dance Club, di'ba? Ikaw rin ang bida ng sasalihan nating contest 'non. So, I did all that to you. I'm sorry." sabi niya.

Lumapit ako sakaniya at hinampas siya sa dibdib. Sana panaginip lang 'to.

"ang unfair mo! Selfish! Di mo man lang naisip ang mararamda--" naputol na ang sasabihin ko dahil unti-unting nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko na babagsak na ako. May naramdaman akong bisig na sumalo saakin. All went black.

--xx--

VOTE AND COMMENT♥

Regrets.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon