Naglalakad ako sa mall at naglilibot. Weekend ngayon kaya walang pasok. At dahil sa swerte nga ako, ine-exempted ako ni bo-- Ryan, sa practice. Pupunta nalang daw siya bukas sa bahay after niya magsimba.
kakagaling ko lang sa Jollibee dahil bumili muna ako ng McFloat at ChaoFan. Pumunta ako sa foodcourt. Umupo ako. Wala akong pakialam kung bawalan nila ako, basta gutom ako. Di pa ako naga-almusal eh.
maya-maya, may napansin akong lalakeng nakauniporme na pang security guard na papalapit sa akin.
"miss, hindi po pwede rito. Reserved po ang seats para sa foodcourt customers." sabi niya saakin na seryoso ang mukha.
Kunwareng nanlaki ang mga mata ko at tinuro ang bandang likuran niya. Kumunot naman ang noo niya ng effortless dahil kulubot naman talaga ang noo niya. Nilingon niya yung tinuro ko at binaling ulit ang tingin sa akin.
"kuya. May tao sa likod mo. May nakatusok na turnilyo sa kokote niya. Sabi niya wag mo daw ako paalisin kasi baka daw multuhin ka niya mamayang gabi pag pinaalis moko." sabi ko habang sine-sway pa ang hintuturo ko na parang nagsasabing 'lagot ka.'
"Ineng, wag moko pinaglololoko." sabi niya ng seryoso. Ano ba 'to. Pa'no ko mapapaalis si kuya.
"kuya, hindi nga, meron nga. Sabi niya," sabi ko habang kunwaring natatakot at sinilip ko ang ID niya ng hindi niya napapansin "Danilo raw ang pangalan mo," pagtutuloy ko sa sentence ko. Nangiwi naman siya.
"ang creepy mo, 'neng. Bahala ka nga diyan. Ang kulit!" sabi niya at umalis na. Hay, salamat!
nakakain na ako ng maayos. Kung napansin niyo, di ko kasama ang bestfriend ko. Paano ba naman, pumunta siya kanila Krishna para gumawa ng project na 9 months. Joke... magka-group kasi sila sa isang project, sa bahay nila Krishna ang venue.
Pagkatapos ko kumain, hinayaan ko na ang kalat ko at naglakad ng muli sa mall. Kung saan-saan na ako napadpad!
napagdesisyunan kong umuwi na dahil magf-five na ng hapon. Wala pa namang tao sa bahay. Nasa probinsya sila mama para dalawin ang mga pinsan ko at lola't lolo ko.
pagkababa ko sa tricycle, napansin ko agad ang lalaking nakaupo sa harap ng gate, yakap-yakap ang tuhod niya at nakayuko. Mukhang natutulog.
inugon ko siya ng kaunti. Walang epek. Isa pa. *poke* wala parin! Nilakasan ko ang ugon at hindi sadyang natumba siya kaya agad siyang napabalikwas. Nang maiangat niya ang mukha niya, agad ko siyang nakilala.
"bo-- Ryan!?" gulat na sabi ko. Tinitigan niya lang ako. Tumingin lang din ako sa mga mata niya habang gulat parin. Naka-poker face lng siya.
"hindi mo man lang ako papapasukin? Halos dalawang oras na akong naghihintay dito," sabi niya. Dalawang oras!? Napakaimportante ba ng sasabihin niya at hinintay niya pa ako ng dalawang oras!?
"anyway, di rin naman pala ako magtatagal. Papaalala ko lang ang practice natin bukas," sabi niya. "at eto nga pala," sabi ulit niya at may dinukot sa bulsa habang nakatingin parin saakin.
iniabot niya iyon at tinignan ko. Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Condom na orange flavor? Seryoso? Umaygad, anong gagawin ko dito!?
napatingin siya sa binigay niya at tulad ko, nagulat din siya. Mabilis niyang inagaw ang magic foil saakin at itinago ulit.
"sorry. hehehehe. Mali ng nakuha," paghingi niya ng paumanhin. Namumutla siya. "oh, eto na talaga." sabi niya at iniabot saakin ang isang calling card. Sakaniya pala yun. Agad na siyang umalis. Tatawagin ko pa sana siya para sana kumain muna siya sa bahay pero mabilis siyang nakasakay sa kotse niya.
teka, bakit may mahiwagang foil si Ryan sa bulsa? Oh, well.
Dahil na-check ko na di pa naman umaalis ang bahay namin, dumeretso muna ako kina Tom.
nakibalita ako sakaniya.
"psh. Sabi ko sakaniya, 'Ore, Kimi no koto ga suki da tomou' (I think I like you)," sabi niya. Napasapo ako sa noo ko.
"pa'no ka niya maiintindihan kung nagj-japanese ka!?" sabi ko sakaniya. Hindi kami japanese, pareho lang kaming otaku ni Tom. "be understandable!" sabi ko ulit.
"WOW! Big word. Understandable." sabi niya habang ginagaya si spongebob sa 'imagination' scene niya habang sinasabi yung 'understandable'. Sus!
"simple english." sabi ko naman.
"hahahaha! Baka (idiot)." sabi niya. Hinampas ko siya sa braso.
Nagkwentuhan nalang kami at nagFB sa laptop niya.
una niyang binuksan ang FB niya. Kaloka ang news feed, walang nakakakuha ng interest ko. Sabagay, kaniya FB yan.
bHoszxcx Lh4dYKnigHt:
few hours ago
1khaW bhUa sxi B4tMan?
Cuzs, Ikhuaw lHuarn shxapat nhua! bVoom pfaneszxcs! #bheIb69
like • comment • share
kaloka si Ateng. Nakaka-nosebleed!
one news caught my attention.
Krishna Ponce is in a relationship with Juanito Kalayaan
nagulat ako sa nabasa at ganun din syempre ang katabi ko. Hinaplos ko ang likod niya.
"oks lang 'yan." sabi ko. Hindi ko man siya madalas makasama dahil busy ako, alam kong masakit para sakaniya. Simula first yr, yan na ang gusto nito eh.
nagsuot siya ng t-shirt at dali-daling umalis ng walang paalam. Problema 'nun? Baka fake lang yung sa FB. Big deal ba ang status sa FB? Nag-shrug ako at pinatay na ang laptop niya.
Nagpaalam na ako kay tita at umuwi nalang.
bago umuwi, dumaan muna ako sa carinderia at bumili ng kanin. Tinamad ako mag-saing. May iniwan naman daw na ulam si mama. Kumain muna ako bago matulog. Alam mo yung ngayon lang ako nagpahinga? Nung weekdays kasi, batak ang training. Kelangan daw namin matalo ang kalaban naming eskwelahan dahil sila ang nanalo last year.
--
so, yeah. I took 'understandable' literally. Sa totoo lang, nakalimutan ko lang talaga kung ano talagang ilalagay ko sa chapter na ito. XD dun' sa japanese chuchu, credits to pilosopotasya. Sayang nakamobile ako, di ko madedicate.
Vote and Comment.<3
-Y A N Y A N
BINABASA MO ANG
Regrets.
RandomNo, I didn't fell when I saw him in the first time. It took him time to make me fall for him. I regret it. Forgiving is the key, they say. Will I still regret it until the end?