Chapter 20 - I Love You Too

23 2 0
                                    

CHAPTER 19 : I LOVE YOU TOO

A L E X A N D R A

Pagkatapos 'kong mag bihis, tumingin ako sa salamin.

You've suffered so much, yet you still face them with a strong heart. I'm proud of you..

I smiled. I can't believe I cut my hair just for some stupid reason.

Napailing ako nang biglaang may kumatok sa pintuan ko.

"Alexandra, nasa baba na si David. Bilisan mo." Rinig 'kong sabi ni Xander sa labas ng pintuan.

Agad-agad 'kong kinuha ang bag ko at lumabas na. Pagkabukas ko sa pintuan ay bumungad sa akin ang kakambal 'kong nakabasungot.

"Ba't ang laki-laki ng ngiti mo?" Kunot-noo nitong ngiti.

I shrugged and laughed, "Bawal ba?"

"Ikaw nga umamin ka, are you and David dating secretly? Kayo na?" Deretsong tanong nito.

"Ano ka ba, Xands! Hindi 'no. He's still courting me, and I'm still not sure with my feelings. Hindi pa ako handa." Hindi pa, but soon..

Tinignan niya muna ako ng maigi bago nag buntong hininga, "You tell me first when you'll say yes to him, ha?" He said and smiled.

Tumango ako, "Leggo!" kumapit sa braso niya at sabay na kaming naglakad pababa.

"By the way." Napatingin ako sakanya sa biglaan niyang pagsasalita, "Thank you for helping him. He never let us help him kaya, thank you." He said.

"He saved me many times, it's time to return the favor."

~*~

Pagkababa namin ay nandun si Lucas at David na nagtatawanan. It's good to see him laugh like this again.

Pagkakita ni David sakin ay napatayo agad ito at napatikhom. He smiled at me.

"Good morning." He greeted.

"Good morning din." I answered.

Then, silence filled the atmosphere habang nakatitig at nakangiti lang kami sa isa't isa.

"What the hell? Ano? Magtititigan lang kayo diyan? Aren't we supposed to go to school?" Saad ni Lucas na binibigyan kami ng nandidiring mukha.

Sinamaan siya ng tingin ni David at sinapak sa gilid nito, "Aray!"

Napailing nalang ito at naglakad na sila palabas.

"Are you really not sure sa feelings mo kay David?"

Napabitaw ako kay Xander at humarap sakanya, "It's not the right time, Xands. I need more time to be ready." Sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko, "Please heal. I don't want to see you suffer so much again." He said na ikinangiti ko ng malaki.

Sometimes, simple moments can give you so much happiness..

"Sa'kin ka muna sumabay ngayon, ah?" Biglaang sabi nito na ikinasimangot ko.

"Ay." Pero ngumiti na lamang ako, "Miss mo lang ako 'e!" Biro ko habang naglalakad kami.

"Nananaginip ka ata, Alexandra." Tawa nito.

Pagkarating namin sa labas ay nandun na agad si David sa harap ng sasakyan niya at nakabukas na ang pintuan para sa akin.

"She's coming with me, Deej." Sabi ni Xander at tumawa.

OPERATION: Make Alexandra Santiago Fall (TLS #1)Where stories live. Discover now