CHAPTER 24:
A L E X A N D R A
Nasa sasakyan kami ngayon ni David papunta sa lugar na sinasabi niya. I just want to breathe for awhile, masyado ng magulo ang mga nangyayari..
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
Tumingin lamang ito sakin sandali at ngumiti, "It's for me to know and for you to find out."
Napailing nalang ako. Ang daming alam.
Habang nag babyahe natigilan ako ng biglaang nag ring ang cellphone ko. Agad 'kong kinuha iyon mula sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag.
Alexander calling..
Napakunot ang noo ko. Ba't kaya tumatawag ito?
Agad 'kong sinagot ito, "Hello? Ba't ka napatawag?"
{Where are you? Bakit wala na ka na sa clinic? Are you with David?} Deretso-deretso nitong tanong.
"Yes, I'm with him. Bakit? May problema ba?"
{Just cancel your date muna. I'm on my way home. Nakarating na sila Mama at Papa.}
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. They're here?!?!
"Seryoso?! Omg! Omg! Sige. Pupunta na ako sa bahay!" Masaya 'kong tugon.
Narinig ko ang pagtawa nito, {Sige. I'll see you there. Bye, Twin.}
"Bye, Kuya!" I said and ended the call.
Napatingin agad ako kay David, "Deej, next time nalang tayo magpahangin. Nasa bahay na kasi sila mama at papa." Paliwanag ko.
Nakita ko ang pagkabigla nito, "Oh? SigeSige. I'll take you home na." Sabi nito.
Napa-buntong hininga ako. I can't help but to feel my heart pounding fast.
I can't wait to see my parents. I missed them so much!
~*~
Dali-dali 'kong tinanggal ang seatbelt ng makarating na kami sa bahay.
Nakita ko ang kotse ni Papa na madalas namin sakyan ni Kuya pag hinahatid nila kami sa skwelahan.
"Sige. I'll see you tomorrow. Tell your parents welcome back." Sabi ni David.
Napatingin ako sakanya at ngumiti, "Who said I was the only one going inside?"
Kumunot ang noo nito, "Huh? Anong pinagsasabi mo?"
Tumawa ako, "Ipapakilala kita kay Mama at Papa. Matagal na din kasi nila gusto kayo ni Lucas makilala kaso busy sa work." Pagpapaliwanag ko.
Nanlaki ang mga mata nito, "A-ano? Nga-ngayon na? Hindi ako nakapag ayos. Tsaka ang baho ko. N-next time nalang." Nauutal nitong sabi.
Kumunot ang noo ko. Is he nervous?
"David Jade Monticello, kinakabahan ka ba?" I said while raising an eyebrow and wearing an evil smile.
Siya naman ang naka-kunot noo ngayon, "A-ano? Hindi ah!"
"Then let's go!" Sabi ko at bumaba na. This will be exciting!
D A V I D
I took out a deep breath while lookin at Alexandra outside the care waving at me.
Napapikit ako. You can do this, David. Ipapakilala ka lang, di ka pa mamamanhikan.
I opened my eyes at lumabas na sa sasakyan.
YOU ARE READING
OPERATION: Make Alexandra Santiago Fall (TLS #1)
Teen Fiction"Once you get attached to other people, you will care for them. Once you care for them, you will love them. And once you'll start loving them, you're already giving them the satisfaction to hurt and break you." - Alexandra Acebelle Santiago "The per...