OMASF Chapter 9 - Over my dead body

42 5 0
                                    

CHAPTER 9 : OVER MY DEAD BODY

D A V I D

Sabado at Nasa kotse kami ngayon ni Lucas, papunta kela Xander. Bonding na naman kami. Habang nag d'drive ako, biglang nagsalita si Lucas.

"So, why did you off the deal, Deej? Natamaan ka na Kay Alexandra?" Natatawa niyang asar.

Tinignan ko siya ng saglit habang nakakunot ang noo.

"Baliw! Hindi no! Basta. Ayaw ko rin magalit si Xander, papatayin ako nun." Sagot ko.

Tumawa siya, "Oo nalang."

Napailing nalang ako. Hindi ko gusto si Alexandra no!

Bigla kong naalala yung pag away nya sa babaeng katabi ko. Napangiti ako. Ang cute niyang magselos. Hahaha.

Naalala ko yung intertwined fingers namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shit! Nakalimutan kong magpa check up! May sakit ata ako sa puso. Patay!

~°~

A L E X A N D R A

Nakaupo kami ni Xander ngayon sa sala at nanunuod ng TV.

"Xand, bat pag uwi ko kagabi? San ka pumunta? Tsaka, bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko.

Tumingin sya sakin ng nakataas ang kilay, kaya itinaas ko rin ang isa kong kilay.

"Umuwi ako By 9. Sinundan ko yung gago mong ex. Pumasok ako..." Tinignan nyako ng maigi. "Pagkahapon. Pero wala ka. Sabi ni Lucas magkasama kayo ni David. How many times do I have to tell you? LUMAYO KA SA MGA KAIBIGAN KO!" Sigaw nya.

Kumunot ang noo ko, "Pumunta kami ng mall. Tsaka, bakit ko sya lalayuan? Tinulongan nyakong makalimutan si Collin! Wag ka ngang OA, wala siyang ginawang masama sakin, Xander. Mabait si David sakin. Hindi nyako sasaktan dahil sinabi niyang ayaw niyang masira ang pagk'kaibigan nyo."

OPERATION: Make Alexandra Santiago Fall (TLS #1)Where stories live. Discover now