CHAPTER 10 : COLLIN ELIZALDE.
A L E X A N D E R
Pag dating namin sa bahay ni Collin ay bumaba na kami ni Lucas.
"HOY COLLIN! LUMABAS KA DITO! GAGO KA!" Sigaw ko sa inis.
WALA SIYANG KARAPATANG SAKTAN ANG KAPATID KO!
May biglang lumabas na dalawang guard, "Sir, wag po kayong mag iskandalo dito. Umalis na po kayo, kung ayaw ninyong tumawag pa kami ng Pulis." Sabi nung isa.
Agad kumunot ang noo ko.
"Hindi ako aalis dito hangga't di ko nakakausap yung Gagong yun!" Matigas Kong sabi.
"Sir, bawal po talaga. Um-" Hindi natuloy ang pagsalita nung guard dahil may pumutol sakanya.
"Okay lang, Manong. Bumalik na kayo sa loob." Sabi ni Collin pagkalabas.
Biglang uminit ang ulo ko nang makita siya. Iniyukom ko ang mga kamao ko. Gusto ko siyang sapakin, pero hindi ito ang tamang oras.
Tumingin sya sakin, "Pumasok m-" Pinutol ko na siya.
"Hindi ako magtatagal dito, Collin." Seryoso kong sabi.
Tumaas naman ang kanyang kilay, "Okay. Bakit ka nandito Xander? Si Xandra?" Tanong nya at tumingin sa kotse.
Bumalik ang tingin nya sakin nung napagtantong walang tao dun.
"Bakit mo sinabi yun sa harap ng Press? Ha? Gago ka ba talaga, Collin?!" Inis Kong sabi.
Bigla namang sumeryoso ang mukha nya, "So, nakita mo? Naki-"
"Oo, nakita ni Alexandra! At shit ka, nasaktan siya!" Pumikit ako at dumilat bago magsalita, "Damn you, Elizalde! Wala ka ng ginawa kundi saktan ang kapatid ko! Ang kapal naman talaga ng mukha mo na sabihin yun, diba?!" Gusto ko ng manapak!!!
Ngumiti ang gago, "I just told them the truth why I came back here, Xander. And its because of your twin. Alam kong nasaktan ko siya--at oo, napakagago ko sa ginawa ko nun-- pero damn! Ginawa ko lang yun para protektahan siya! God knows how I love her so much!" Mariing sabi niya.
YOU ARE READING
OPERATION: Make Alexandra Santiago Fall (TLS #1)
Teen Fiction"Once you get attached to other people, you will care for them. Once you care for them, you will love them. And once you'll start loving them, you're already giving them the satisfaction to hurt and break you." - Alexandra Acebelle Santiago "The per...