Tinawagan ko ang no. na yun.
"Okay ka na?" bungad agad sakin ni Rio.
"Pano mo nalaman cp no. ko?"
"Hahaha Di na mahalaga yun. Ang mahalaga kung okay kana?" natatawang sabi niya.
"Okay na ko"
"Sige. Mag pahinga kana"
"Di ako matulog"
"Kakantahan kita. Makinig ka"
"ikaw ang pag ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ligayat pag ibig koy ikaw.~~""Hello? Gising ka pa ba?"
"Hahaha mukhang tulog kana ah"
Rio Flores's POV
Kinantahan ko siya dahil sabi niya di siya makatulog. Ngayon tulog na ata siya.
"Oyy Babaeng buntis may sunog gising."
Hay naku wala akong magawa. Natulog kasi agad tong babaeng to. Sabi di matulog. Isang kanta ko lang tulog na.
"Oyy babae. Anong pinakain ml sakin? Bakit lagi akong na aalala sayo?"
"Bakit ang saya ko pag kasama kita?"
"Bakit ibang iba ka sa lahat ng nakilala ko"
Ano na ba talaga ang nararamdaman ko sayo? Bakit gusto ko lagi tayong mg kasama.
"Bakit lagi kang umiiyak? Sino yung lalaking nag papaiyak sayo? "
"Bakit feeling ko gusto na kita."
Yan ang mga tanong ko sayo na di ko naitanong tanong.
"May mahal ka pa. Ang ex mo. Ala kong siya ang dahilan ng bawat pag luha mo"
Ang baliw ko no. Kinakausap ko yung tulog.
"Matulog ka lang ng mahimbing babantayan kita"
Hindi ko pinatay ang call. Haha Adik ata ako e. Makatulog na nga.
Kinabukasan
"Oyyy Lalaki. Bat di mo pinatay ang call?"
"Gising kana pala. May narinig kabang sinabi ko kagabi?" tanong ko agad. Baka mamaya narinig palaniya ako baka iwasan pa niya ako. Di ko kaya yun
"Yung kinantahan ml lang ako. Salamat nga pala. Natulog ako sa boses mo"
Nakahinga ako nung sinabi niya.
"Sabi ko naman sayo maganda ang boses ko. Naiinlove kana ba? "
"Oo"
Speechless ako a sinabi niya.
"Sa boses mo. Di ao maiinlove sayo. Ampanget mo kaya. Dyan kana nga. Goodmorning"
Medyo nasaktan ang ego sa sinabi niya.
"Pupunta ko dyan Byeee" sabi ko sabay end
San ko kaya siya pwedeng dalhin si Bianca ngayon. Gusto ko yung matutuwa siya.

BINABASA MO ANG
PAST!!!
Genç KurguPano kung mahal mo ang taong mahal na mahal ng kapatid mo? At mag kakapamilya na sila? Mag paparaya kaba? O ikaw na mismo ang susuko sa laban?