Chapter 9

263 11 0
                                    

Bianca's POV

Matagal na ang lumipas. At malaki na ang tyan ko.

Di na ko pumasok sa school dahil baka mapasama pa ko. Sabi kasi ng doctor mahirap ang pag bubuntis ko.

Lagi lang akong nasa bahay. Si Rio di padin tumitigil. Aaminin ko minsan gustong gusto ko na siyang kausapin.

Biglang may tumawag sakin.

*Rio calling

"Hello Bianca? Kumain kana ba ng Breakfast? Gusto mo gala tayo ngayon? Alam kong bored kana"

"Wala ako sa mood ngayon Rio. Sorry"

"Ganon ba sige"

"Sige" then naiend call ko na.

Nahiga ako sa bed ko.

"Wala talaga akong magawa"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sakin. Di ko na tiningnan kasi alam kong si Rio lang yun.

"Ano?" tanong ko agad

"Bianca. Can I see you now?"

Gio? Si Gio ang tumawag sakin.

"San?"

"Susunduin kita. Hintayin mo ko"

Di nako nakasagot dahil inend call niya na.

Aaminin ko mahal ko pa din siya. Di ko alam kung bat di siya maalis alis sa puso ko.

Nag ayos ako saglit. At sinabi ni manang na may nag hihintay sakin sa baba. Lumabas na ko sa kwarto.

"Bianca, lets go"

Sumunod lang ako sa kanya. Pinag buksan niya ko ng pintp ng sasakyan.

"San mo gustong pumunta?"

"Bala ka"

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang tyan ko.

"Baby san mo gusto pumunta?"

Tinitigan ko lang siya.

"Alam ko na." nilagay niya ng maayos ang seat belt ko at nag simula ng mag drive.

Nakita ko nalang na nasa isang mall kami. Nag suot siya ng sumbrelo at mask. Iba na nga pag sikat.

"Let's go" sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

Dug dug dug.

Bat ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nasa biliham na kami ngayon ng pang bata.

"Girl or Boy?"

"Girl" simpleng sagot ko.

Nakita ko sa mukha niya ang psgkaexcite.

"Gio. Bat ka biglang nag bago?" tanong ko sa isip ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang namimili ng gamit sa pag bata.

"Sigurado maganda ang magiging anak natin" masayang sabi niya.

"Anak ko lang"

"Bianca wag mo naman ipagkait sakit ang bata. Bumabawi na ko. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Give me another chance " sincere na sabi niya.

Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kailangan ko ba siyang bigyan ng chance?

"Patunayan mong nagbago kana"

"Oo sige. Salamat Bianca salamat" kitang kita sa mata niya ang saya. Niyakap pa niya ako.

Gusto ko sanang umalis sa pagkakayakap pero may pumipigil sakin.

PAST!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon