Chapter 10

255 13 0
                                    

Bianca's POV

"Sir nandito po ba si Bianca?"

Rinig kong tanong ni Rio mula sa sala. Kaya bumaba na ko.

"Bianca" halata sa mukha niya ang saya ng makita ako.

"Sir. Pwede po ba kaming lumabas ni Bianca kahit sandali lang"

"Sure. Kung okay lang ba sa kanya"

Tumingin siya sakin na parang tinatanong kung okay lang.

"Sure. Mag bibihis lang ako"

"Salamat Bianca"

Bumalik nako sa Kwarto at nag palit ng damit. Di naman sigurong masamang makipag kaibigan sa kanya.

-
Wala akong Idea kung san niya ko dadalhin. Masyado ng akward ngayon.

Nahalata niya yata na medyo naiinip na ko kaya nag play siya ng music.

Rio's POV

I miss this. Yung katabi siya habang nag dadrive ako.

Nakita kong medyo bored siya kaya nag play akong music.

Masyadong malayo ang byahe kaya nakatulog siya. Sa wakas madadala ko din siya dito.

"Bianca gising nandito na tayo" tapik ko sa kanya.

Umayos siya ng pag kakaupo at lumabas.

Lumabas na din ako. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka kung nasan kami.

"Asan tayo? Ang tahimik dito"

"May maingay bang sementeryo?"

"Sementeryo? Anong gagawin natin dito?"

Kinuha ko sa likod ng kotse ang Bulaklak at kandila.

"Let's go" hatak ko sa kanya.

Dinala ko siya sa puntod ng daddy niya.

"Bryan Tan" basa niya sa lapida pero pa bulong.

"Dad mo"

Nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya. Inaasahan ko ng iiyak siya. Dahil di niya nakita ito simula bata.

Napaupo siya at hinimas himas ang puntod.

"Daddy. Ako po to. Anak niyo."

"Daddy ang laki ko na no. Lumaki ako pero di ko manlang nakita ang mukha mo di ko manlang naramdaman ang presenya mo. Di manlang kita nayakap"

"Daddy mag kakaapo kana o. Palalakihin ko siya ng buo. Ayokong magaya siya sakin na may kulang sa pagkatao"

"Daddy di man kita nakikita mahal po kita. Sana po mapatawad niyo ko sa maling nagawa ko"

Iyak pang siya ng iyak dun. Niyakap ko lang siya. Alam kong ito ang kailangan niya ngayon.

Nung medyo okay na siya nag pasalamat siya sakin at humingi ng tawad sa mga nasabi at nagawa niya.

"Rio salamat. Salamat dahil dinala mo ko dito" pag papasalamat sakin ni Bianca.

"Wala yun. Okay kana? Tara kain na muna tayo. Mukhang napagod ka kakaiyak"

"Sige. Salamat"

Sumakay na kami sa kotse. Tumigil kami sa pinakamalapit na restaurant.

"Bianca. Wag ka na sana ma awkward"

"Di mapigilan. Dahil sa mga nangyari"

"Wag mo nalang isipin yun."

"Rio. Kaibigan lang ang tingin ko sayo"

PAST!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon