Chapter 15

231 15 7
                                    

Rio's POV

Isang linggo na ang lumipas. Nakalabas na si Bianca sa Hospital.

Masakit para sakin na makitang masaya ang taong mahal na mahal ko sa iba. Lalo na sa kapatid ko pa.

Dapat ako ang kasama niya ngayon. Dapat ako ang kayakap niya ngayon. Dapat ako ang nag cocomfort sa kanya. Pero heto ako ngayon pasimpleng nakatingin sa kanila.

Hanggang sunod nalang ako sa kanila ng di nila alam. Ano ba kasing laban ko? Eh Hindi nga ako naaalala ng taong mahal ko.

Gio's POV

Alam kong sinusundan kami ni Rio. Minsan lang siya mag mahal bakit pareho pa kami ng taong minahal. Di ko na alam ang gagawin ko.

"Anong iniisip mo?" tanong sakin ni Bianca

"Wala. Tara kain muna tayo" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Ang saya namin ni Bianca ngayon. Hinihiling ko na sana wag na niyang maaalala lahat ng nangyari. Gusto ko mag simula kami ngayon. Yung walang manggugulo. Pero pano si Rio?

"Bianca. Pag tapos natin kumain. Ihahatid na muna kita sainyo huh. Masama kasi pakiramdam ko ngayon"

"Sige Oky lang. Halata nga sayo. Mag pahinga ka nalang muna"

Pag tapos namin kumain. Hinatid ko na siya sa bahay nila at ako pumunta ng Bar. Alam kong sinusundan ako ni Rio.

-

"Bat mo kami sinusundan?" tanong ko kay Rio

"Ito lang ang mag papasaya sakin."

"Baliw kaba? Hindi ka na nga niya naaalala at di ka na niya maaalala kahit kai---"

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya kong sinuntok.

"Wag na wag mong sasabihin niyan. Tandaan mo kahit kapatid kita. Kaya kitang labanan para lang sa minamahal ko"

"Pero ako ang mahal niya. Kaya tigilan mo na kami"

"Mahal ka lang niya ngayon dahil ikaw ang naaalala niya. Pero pag bumalik ang alaala niya mawawala kana sa buhay niya" galit na sabi niya.

"Di ko hahayaan na bumalik ang alaala niya."nakangising sabi ko

Kitang kita ko ang galit sa mukha niya.

"Bago pa man bumalik ang alaala niya sisiguraduhin kong ako na ang mahal niya." dagdag ko pa.

"Sinaktan mo siya. Di ka niya deserve"

"Sinaktan ko siya ng iisang beses. Yun na agad ang basihan mo"

"Oo" simpleng sagot niya.

"How pathetic you are" nakangising sabi ko.

Pinag susuntok lang niya ako.

Sa inis ko. Lumaban na ako.

"Di ako susuko kay Bianca." sigaw niya sakin.

"Lalo ka lang masasaktan sa ginagawa mo!" sabi ko.

"Okay lang masaktan. Basta ako lumalaban ng patas." lumayo na siya sakin at umalis.

"Kahit kapatid kita. Di ko kayang isuko si Bianca para lang sayo." bulong ko sa sarili ko at lumabas na sa Bar na yun.

Gara no? Nag aaway kami ng kapatid ko dahil sa isang babae.

Nakita ko si Rio sa may pinto na nakasandal sa pader at Umiiyak.

Bat napakaiyakin ng kapatid ko?

PAST!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon