I dedicate this story to my two bestfriends who supports and inspires me a lot. I love you X & J, thank you for always being there with me and I'm very lucky to have you both in my life! XOXO
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Someone's POV
Hindi ko mapigilan kakaiyak at pag nginig ng buong katawan ko sa takot at kaba. Halos lahat kami ay natataranta kung ano ang susunod naming dapat gawin. Oo, takot ako sa dugo halos masuka na ako sa sobrang balisa na makita ang aming kaibigan na patay na mismo sa harapan namin.
"Hindi ko hahayaan masira ang buhay natin dahil lang sa problemang ito!" Sabi ng babaeng matagal ko ng kinakaiinisan.
"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ng isang babae na nasa likod niya.
"Kailangan na nating tumawag ng ambulansya, please lang!" Pag mamakaawa ng kaibigan kong nasa tabi ko habang ang mukha nya ay puno na ng luha sa kakaiyak.
Nananatili akong tahimik at wala sa sarili habang sila ay naguusap at nagkakagulo sa pangyayare ngayon. Hinawakan ko ang ulo ko na kanina pa sumasakit sa kakaisip.
"Sige! Tumawag ka ng ambulansya at kulong tayong lahat! Itatakwil ako ng mommy at daddy ko kapag nalaman pa nila toh!" Sigaw ng babaeng kinakainisan ko. "At hindi tayo lahat makaka-graduate!"
Lahat ay natahimik sa sinabi nya na parang may anghel na dumaan sa katahimikan ng ilang minuto. Pinunasan ko ang aking luha at sinarado ang zipper ng jacket ko.
"Ayokong makulong." Bulong ng babaeng nasa likod.
"So...anong gagawin natin?"
Inayos ng babaeng masungit ang kanyang sarili at ang kaniyang buhok na kanina ay gulo-gulo. "Isa lang ang dapat gawin." Natigilan kaming lahat at napatingin sa kanya. "Alang-alang para saatin at para sa sorority." Dugtong pa niya.
"Nababaliw kana ba?" Napatayo ako at simula ng nag salita na kanina pang tahimik. "Anong gagawin mo itatapon nalang ang ating mismong sisterhood?!"
Inayos niya ang buhok niya ulit at tumingin saakin. "Ganon na nga, para sayo din naman ito eh at para sa ikakalinis ng katauhan mo at nating lahat!"
Napakunot nalang ang aking noo sa sinabi nya. Talagang wala siyang awa at mapag mataas pa ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Hinigpitan ko ang aking kamao na parang gusto ko siyang suntukin pero ng bigla siyang nag salita.
"Sigeh! Subukan niyong mag sumbong sa pulis! Sisiguraduhin kong isa man sa inyo ang mag sumbong ay kayo naman ang susunod sa kanya."
Nababaliw na nga siya! Para siyang isang demonyo kung mag salita at makaasta. Tumulo ulit ang luha ko at tinignan ulit ang aking malapit na kaibigan na halos tinuring ko naring kapatid.
I'm Sorry sis....
Sabi ko sa isipan ko at patuloy na umiiyak.

BINABASA MO ANG
The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)
Mystery / ThrillerThere's nothing would be worst than tasting hell. Evvelyn Izquierdo is a 17 years old girl who joined the Pi Lambda Phi Sorority after she has been passed in Hudsonvhille University. The sorority has become her 2nd family. All parties and wonderful...