Mas nauna pa akong nagising sa alarm clock dahil hindi ako masyadong nakatulog. Tumingin ako sa labas at nag pahangin saglit. Maganda ang sinag ng araw at sariwang simoy ng hangin. Narinig kong medyo umunat si Karina pero tulog parin siya. Tumayo na ako para mag handa ng pampaligo. Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa 5th floor kung nasaan ang shower room. Tahimik ang paligid at puro kalat ng mga paper cups at iba pa. Wala akong ganang linisin lahat ng kalat na hindi naman saakin kahit ipalinis pa saakin ng President namin ay hindi ko gagawin dahil nakakapagod din ang mag linis ng kalat na hindi naman sayo.Nakita ko si Aubrey ang Vice President namin sa loob ng shower room. Nag flashback saakin ang nangyare kahapon na nakita ko. Umiling ako saglit ng napansin niya akong nag lakad malapit sa kanya.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at lumabas na ng shower room ng walang reaksyon.
Ang sungit! Kala mo naman kung sinong maganda! Ehh mas maganda pa yata ang siko ko sa ma–eyebag niyang mata. Inilapag ko ang toothbrush at facial wash ko sa tabi ng lababo at naligo.
Bumalik na ako ng kuwarto naming na tuwalya lang ang suot. Nakita kong gising na pala si Karina at may kausap sa telepono. Nginitian niya ako ng napansin niyang pumasok ako sa loob ng kuwarto at inasikaso ang mga damit na susuotin ko. Okay lang naman siguro dahil parehas lang naman kaming babae kung mag bibihis ako sa harapan niya."Okay po ma, mag iingat karin po." Binaba na niya ang telepono.
Mama pala niya ang kausap niya.
"Good morning." Ngiti niyang bati at umunat siya.
"Good morning din. Anong start ng klase mo?" Tanong ko.
"Mga 11 am yata."
"8 am naman saakin." Sabi ko habang nag bibihis.
"Tara! kain tayo ng almusal, ako mag luluto."
"Huh? Kakahiya naman."
"Okay na yon para may laman ang sikmura mo pag pasok sa unang klase."
Bumaba na kami ni Karina sa 1st floor para pumunta sa kusina. May mga nadadaanan kaming tulog na lalake kasama narin ang mga ibang babaeng members ng sorority. Sobrang kalat at amoy na nag saling alak at suka. Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa mabahong amoy. Pumasok kami ni Karina ng tahimik sa kusina at buti nalang walang katao tao.
"Bakit parang may sariling kuwarto ang kusina?" tanong ko. Kasi may pintuan papuntang kusina at kulob ito.
"Baka ayaw ni Mam Esguerra na marumihan ang kusina. Buti na nga lang walang taong natutulog dito ehh."
Binuksan niya ang refrigerator at nag hanap ng maluluto habang ako naman ay nasa counter desk. Nag prito siya ng eggs at bacon. Nakakatuwa lang dahil para siyang ina kung mag luto, naalala ko tuloy si mama kahit na iniwan kami ni papa ay nag sikap siyang mag trabaho dahil sa naging single mom siya.
"Buti nalang may maluluto tayong pagkain kung hindi baka tayo pa ang mag bayad ng ipang gro–grocery natin." Sabi ni Karin ng inilapag niya ang plato sa table.
"Sagot naman yata ng may owner ng sorority ang pagkain natin diba?" sabi ko at tinikman ang luto niya.
Kumain kami ni Karina at nag kwentuhan ng sandali, pangalawang araw ko palang dito sa sorority mag kasundong mag kasundo na kami ni Karina. Tinawag niya narin akong "Sis" as a call sign namin sa isa't isa.
Nag asikaso na ako ng mga dadalhin ko at nag paalam na kay Karina dahil mas maaga ang klase ko kaysa sa kanya."Bye sis! Ingat ka!" sabi niya saakin.
"Ikaw din." Sabi ko ng lumabas na ng sorority.
Napahinto ako sandali sa labas ng bahay. Hanggang labas ay abot ang kalat dahil sa party kagabi. Ang ayoko pa naman sa lahat ay marumi ang kapaligiran, dahil nakakasama sa kalikasan. Bahala na si Batman mag linis lahat ng kalat!
May mga nag jo–jogging akong nasasalubong sa campus at karamihan sa kanila ay mga foreigner. Masasabi kong sikat nga ang Hudsonvhille University dahil marami din ang taga ibang bansa na pumupunta sa Pilipinas para lang makapag aral sa Unibersidad ng Hudsonvhille. Kinuha ko ang papel sa bag ko kung saan nakasulat lahat ng schedule ko. Mass communication ang pinili kong kurso at ang una kong klase ay English Composition. Nag lakad ako papuntang locker room at hinanap ang number ng locker ko, medyo nahirapan pa akong hanapin dahil rami ng locker at nakakalito ang numero.
BINABASA MO ANG
The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)
Mystery / ThrillerThere's nothing would be worst than tasting hell. Evvelyn Izquierdo is a 17 years old girl who joined the Pi Lambda Phi Sorority after she has been passed in Hudsonvhille University. The sorority has become her 2nd family. All parties and wonderful...