Chapter One: ΠΛΦ Pi Lambda Phi Sorority

110 30 6
                                    









Evvelyn's POV

You get up, and somebody tells you where to go to. When you get there everybody's telling you what to do.

NEIN NEIN NEIN~~

Xby Tokio Hotel

Paulit-ulit kong pinapatugtog ang kantang favorite rock band kong Tokio Hotel lalong-lalo na ang vocalist nila na si Bill Kaulitz! Gosh! He is so cool, gothic, hottie and mostly my type! Lahat na yata ng pictures niya ay naka dikit na sa pader ng buong kuwarto ko at posters ng rock band nila. Gusto ko naman din ang Green day, My chemical romance pero iba talaga ang dating Tokyo Hotel para saakin. I think they are the best rock band for me!
Habang nag dra-drawing ako sa malaking sketch book ko ay napasayaw ako nung narinig kong nag play next ang new released nilang album na kanta.


Love who loves you back


Sinasabayan ko din ang lyrics ng bumukas ang pintuan.


"Ano ba'yan! Evvelyn!" Sigaw ng aking mother. "Hinaan mo naman ang speaker napaka ingay kulang na lang gumuho na ang mundo sa sobrang lakas!"


"Huh?" Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.


Nag lakad si mama malapit sa desk ko at pinatay ang speaker. "Araw araw nalang paulit ulit ang mga kantang pinapatugtog mo. Hindi kana ba nag sasawa?"


Ohmigosh! At araw araw din panay bunganga nalang ni mama ang naririnig ko. Hayyss...Mothers.


"Mother...kalma lang...ang puso." Sabe ko habang pinipigilan na tumawa.


Kahit buntis si mama mabunganga parin, ang pinag bago lang mainitin na ang ulo niya ngayon. 7 months na siyang buntis sa step-dad ko. 37 palang naman si mama at okay lang naman saakin na mag asawa siya ulit dahil ayokong makita siyang malungkot. Kwento saakin ni mama 5 years old lang daw ako ng iniwan kami ni papa at sumama sa ibang babae. Nag divorce sila at kinuha ni papa ang kuya ko. Hindi ko na sila nakita, hindi ko narin matandaan pa kung anong hitsura ng aking kuya. Ang natatandaan ko lang ay ang pangalan niya.


Anthony Kavanagh.


Sana kahit siya nalang ang makita ko wag na ang tatay kong walang pusong ipinag palit kami dahil lang sa kerida niya. Nawala man siya sa buhay namin, nakatagpo naman si mama ng foreigner. Destiny daw sila! Ohh wehh...may forever pala!


"Diyos ko lang naman anak! Ilang beses na nga tayong nasuway ng kapitbahay sa sobrang lakas ng speaker mo."

Umirap nalang ako dahil sa mga masusungit at mga tsismosa na kapitbahay dito sa village namin. Maganda narin na ipinasok ako ni mama sa isang sorority malapit sa University na papasukan ko.


"Ilang days po ba kayo mananatili sa Sweden?" tanong ko.


Umupo si mama sa kama ko at halata sa mukha niya na sumakit tiyan niya. Sumipa yata si baby girl namin, umupo ako sa sahig at niyakap ang tiyan ni mama.


"Hindi ko alam anak. Baka isang taon at kalahati kami muna titira doon ni David." Hinimas niya ang buhok ko.


"Pfft! Ang tagal naman! Edi doon kana manganganak at hindi ko pa makikita si Angeline?"


"Naku naman ang dalagita ko." Niyakap ako ni mama. "Magiging masaya ka naman doon sa sorority ehh...makakatagpo ka pa ng mga bagong mong kaibigan. Enjoy lang anak." Galing din si mama sa sorority 20 years ago, ang sabi panga niya it was the best life ever dahil doon din niya nakilala ang papa ko sa fraternity. "Oh, nahanda mo na ba ng mga gamit mo?"


The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon