Chapter Seven: Pulang Laso

60 21 0
                                    

Evvelyn's PO

Tama nga si mama, magiging iba ang buhay ko kapag nakapasok na ako ng College at sumali sa Sorority. Kahit sa labas palang rinig ko na kaagad ang ingay sa loob ng Theta Sorority. May mga kalalakihan ang nag tatakbuhan papunta sa loob ng Sorority house pati narin ang mga lalake. Bawat hakbang ko ay mas lalong lumalakas ang tugtog ng kanta.

"Freshaman?" Tanong ng lalakeng humarang saamin. Matangkad siya at mukhang mama na may malaki na pangangatawan.

"Yeah, from Pi Lambda Phi." Sagot ni Karina."

Nag labas ng dalawang ribbon ang lalake.

Pink and Red.

Kumunot ang noo ko at hinanda ang sarili at baka may gawing masama ang lalake na nasaharapan namin. Kinuha niya ang kamay ni Karina at pinigilan ko ang lalake.

"Uhhh..."

"Bakit?" Sabi ni Karina at tumingin saakin.

"Para saan ba yang mga ribbon na yan?"

Ngumiti ang lalake at nag salita. "Binibigyan namin ng mga ribbon ang member ng mga Sorority na pumapasok dito sa Theta sorority."

Ang creepy niya...

"Saakin yung pink! Sakto, favorite color ko."

Tinali ng lalake sa kamay ni Karina ang pink na color na ribbon at nauna ng pumasok si Karina sa loob. Excited na excited!

"Bagay sayo tong red Miss...bagay sa kutis mo..." tinali niya sa kanang kamay ko ang pulang laso at pumasok na sa loob ng Sorority house. Siksikan at ang daming tao sa loob na para na kaming sardinas na nag sisiksikan sa lata. Tinutulak ko ang ibang tao upang makadaan ako pero ako parin ang natutulak papalayo. Kahit mag "excuse" ako ehh hindi naman ako maririnig dahil sa lakas ng music. Naramdaman kong may humila sa braso ko at hinila ako papalayo.

"Hoyy! Ano bang ginagawa mo?" Natatawang sabi ni Karina.

"Grabe naman dito! Ang daming tao! Uwi nalang kaya tayo?"

"Hayy nako! Ang boring mo! Enjoy nalang natin ang party sa Theta!"

Hinila ulit ako ni Karina at sumunod sa kanya. Mas gugustuhin ko nalang talaga mag isa sa kwarto manood ng movie mag isa at mag order ng pizza! The best feeling ever!

Dumeretcho kami sa kusina at kumaha si Karina ng drinks, inabot niya saakin ang pulang plastic cup tinikman ko kaunti at nalasahan ang pait.

"Akala ko juice ito." Umiling ako sa sobrang pait.

"Tara para masanay kang uminom."

"Hindi ako umiinom! Ayoko nito!" binigay ko sa kanya yung plastic cup.

"Oh sigeh! Cocktail nalang!"

"Alcohol din yon."

"Ten percent! Pero may halong juice naman."

Kumuha si Karina sa nakahelerang drinks sa lamesa at ibinigay saakin ang isang orange juice na may mga petals ng bulaklak sa loob. Tumikim ako kaunti, juice pero lasa parin ang alcohol. Pero mas okay na toh kaysa sa beer. Umupo kami ni Karina sa may bandang bartender at sa tapat namin ay mga teenagers na nag sisiyawan.

Naramdaman kong may sumiko sa likod ko at medyo napaaray ako, lumingon ako at nakita ang naghahalikan na teenagers.

Tsk! Kabastos! Dito pa talaga sa public ginagawa!

Narinig kong tumawa si Karina habang iniinom niya ang beer niya. Patuloy parin ang ginagawa nilang dalawa na at walang pakielam sa paligid nila. Tsk! Ganito na ba talaga ang panahon ngayon?! Wild?!

The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon