Chapter Eight: Unexpected

40 10 0
                                    




EVVELYN'S POV


Nagising ako sa sinag ng araw at sa lamig ng simoy ng hangin sa labas. Nakalimutan ko pala isarado ang bintana kagabi. Bumangon ako at biglang sumakit ang ulo ko.

Migraine!

Nag flashback lahat ng nangyare kagabi at yung lalake! Lumingon ako sa paligid, kuwarto ko ito....pero papaano ako nakabalik dito? Ang huli kong natatandaan ay yung lalakeng nakipag sayaw sakin kagabi sa party. Hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko at....

Shakkksss!!!!

11:45 am na!!!

Late na late na ako sa una kong klase!

Binilisan ko ang pagligo kahit masakit parin ang ulo ko dahil sa hangover! Bahala na! Kahit walang ayos ayos basta makahabol pa ako sa una kong klase! Ang ayoko pa naman sa lahat ay nalalate.

"Ohh, gising kana pala. Nagmamadali?"

Palabas na sana ako sa sorority house ng may nagsalitang maliit na boses na nanggagaling sa kusina. Uminom si Lexi ng orange juice habang papalapit saakin.

"Hangover! Ngayon lang ako nagising."

"Ahh, nasan na pala yung lalakeng kasama mo?"

Lalake? Sino?

"Sinong lalake?" Mausisa kong pagtanong.

"Hindi mo ba matandaan?" Tumaaas and dalawa niyang kilay. "May lalake kayang nag hatid sayo dito buhat buhat kapa nga ehh...sabi pa nga niya boyfriend mo daw siya."

Huh????

Siya ba yung lalakeng nakipag sayaw saakin kagabi? Grabe siya! Boyfriend agad? Ni hindi ko nga masyadong naaninag ang mukha niya sa party baka mamaya matandang lalake pala yon!

"Ahh...ehh...hindi ko alam! Maya ko nalang kwento late na late na talaga kasi ako ehh! Bye!" Sabi ko ng mabilis at tumakbo palabas ng sorority house.

Sino ba ang lalakeng yon? Lagot siya saakin kapag nakita ko siya! Pero hindi ko alam ang hitsura ng hinayupak na yun!

Kalagitnaan na ng klase ng nakarating ako sa University at rinig ko sa labas ng pintuan ang boses ni Mr. Gonzalez. Kumatok ako ng mahina at binuksan ang sliding door pumasok ako sa loob at napunta saakin lahat ng tingin nila.

"You're late Miss Izquierdo!" Sabi ni Mr. Gonzalez na ngayon ay nakatingin saakin.

Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti sa kaniya. "I'm very sorry sir, I won't do it again." Sabi ko sa kanya at nag lakad paakyat sa hagdan kung saan ang puwesto ko.

Tumutulo ang pawis ko sa noo dahil sa pag takbo ko at ang init init pa ng panahon ngayon. Buti nalang hindi mukhang galit si Mr. Gonzalez

I'm safe!

Umupo ako sa likod at ginawang pamaypay ang notebook ko. Wala ba talagang pag asang lumamig dito sa pinas?

"Ohh, eto. Gamitin mo."

May inabot saakin ang katabi ko na panyo, kinuha ko ito at ipinampunas sa mukha at leeg kong nag tatagaktak ng pawis.

"Salamat."

"Maganda ka parin talaga. Malapitan man o malayuan, at kahit na pinag papawisan kapa."

Nagulat ako sa boses ng katabi ko at napatingin sa kanya. Siya yung lalakeng late nung first period ng klase namin. Nakatitig ako sa kanyang mapupulang mga labi...

The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon