Merry Merry Christmas wattpad lovers! I hope y'all having a good day of warm christmas! And I hope you enjoy my new update!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kanina pa ako pinag titinginan ng mga babaeng nandito sa sorority mula ulo hanggang paa. Ako lang yata ang naiiba. Lahat sila ay kikay ang pormal at mga pang sosyal. Yung ibang babae maikli ang palda at yung iba naman ay labas na ang cleavage kulang nalang ata ay makita narin pati ang kaluluwa nila. Habang ang suot ko lang ay black blouse, black skinny jeans at kung ano anong kolorete sa kamay at leeg ko. Sanay na akong pag tinginan ng karamihan dahil sa asta at promal ko.
Pumunta na kami nila mama sa reception at humanap ng mauupuan ng may lumapit na babaeng nakasalamin.
"Freshman?" tanong niya.
Lumingon lingon ako kung ako ba ang tinatanong niya. Tinignan ko ulit siya at bigla siyang ngumiti. Hinila niya ang kaliwang kamay ko at napatayo naman ako sa inuupuan ko, wala na akong nagawa kundi sundan nalang siya.
"Teka sandali! Saan mo ako dadalhin?"
Huminto siya at pinaupo ako sa harapan. "Freshman should sit here."
Tinignan ko siyang umalis ng may nag salita sa tabi ko.
"Hello."
Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Maganda siya at mala cheekbones ang mukha. Morena at brown hair.
"Hi." Tipid kong sagot.
"I'm Karina. Karina Rodriguez." Pakilala niya at nakipagkamay saakin.
"Evvelyn Izquierdo."
"Nice name!"
Ngumiti siya at nakipag kwentuhan saakin. Masasabi kong mabait, medyo mahiyain at simpleng babae si Karina. Mas matanda nga lang siya ng isang taon saakin.
"Ano sa palagay mo dito sa sorority?" Napakurap ako sa tanong niya.
"Ahh-"
Hindi pa ako nakakapag salita ng pumalakpak ang lahat. May babaeng nag lakad papuntang gitna kung saan naka settle ang table speech, hindi siya ganon katanda tignan siguro nasa mid-50's ang idad niya. Inayos niya kaunti ang mike.
"Baka siya ang may owner ng sorority na ito." Bulong ni Karina.
"Siguro..." sagot ko.
"Good afternoon everyone." Sabi niya. "My name is Mary Esguerra, the owner of sorority house."
Sumabay ako sa palakpak ng iba. Napansin ko mga Englishera ang taga dito, konti lang ang mga babaeng nag tatagalog pero halos lahat sila ay English ang salita. Well, sanay narin naman din ako kay tito David palang ehh nung una sumasakit ang ulo ko kapag nag sasalita siya ng deretsong English pero nakasanayan ko narin.
"Welcome to our sorority. I am very happy to have this early occasion to meet with such a wonderful girls."
Nag simula na siyang mag speech, pinaliwanag niya narin ang lahat ng rules and regulations sa sorority house.
No alcohol
No party at midnight
Drugs or any medicine are highly forbidden
Boys or other visitors can only be in the house at every weekend"Parang ang hirap naman ng mga rules. Ang ho-hot pa naman ng mga lalake sa fraternity." Sabi ng babaeng nasa likod namin.
Napabungisngis ako sa sinabi niya at ganon din si Karina, nag katinginan kaming dalawa. Hindi naman ganon kahirap ang mga rules dahil parang boarding house lang naman din ang sorority ang pinag kaiba lang ay makakatagpo ka ng ganitong mga babae sa sorority. Ang habol ay lalake.

BINABASA MO ANG
The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)
Mystery / ThrillerThere's nothing would be worst than tasting hell. Evvelyn Izquierdo is a 17 years old girl who joined the Pi Lambda Phi Sorority after she has been passed in Hudsonvhille University. The sorority has become her 2nd family. All parties and wonderful...