Chapter Five: She's here

64 23 1
                                    

Hello my lovely readers, I'm very sorry for the delay update and I hope you all enjoy this new chapter. Have a blessing day 🦋

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakarating kami sa Town Center Plaza na hindi kalayuan sa Hudsonvhille University. Naglakad kaming tatlo papasok sa loob ng mall at ramdam kong pinag titinginan kami ng karamihan. May mga nasasalubong kaming mga babaeng nag bubulungan at mukhang kami ang pinag uusapan. Sinundan ko lang si Emma at Gisele, pero naiilang ako sa mga tingin ng iba na parang gusto kaming sunggaban. Halatang walang pakielam si Emma at Gisele dahil deretso lang ang tingin nilang dalawa na parang silang dalawa lang ang tao dito sa mall. Patuloy lang kami sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saang store ba kami mamimili ng damit sunod sunod lang ako sa kanila.

"Pre si Emma oh!" Bulong ng isang lalakeng nadaanan namin.

Tinignan ko yung lalakeng kinalabit niya na napahawak sa dibdib.

"Shit!" Tugon niya habang nakatulala.

Naisip ko na may gusto yata siya kay Emma. Well, sino nga ba ang hindi mag kakagusto kay Emma? Maganda na at attractive pa.

Pumasok sina Gisele at Emma sa loob ng isang store na nakasulat sa itaas ay "Zara"
Pumasok narin ako sa loob at nakitang nag hahanap na ng damit si Emma. Malaki at malawak ang store. Mabango ang paligid at mukhang mamahalin lahat ng mga damit, bags, jewelries and shoes.

"Evvelyn, mamili kana kung anong magustuhan mo." Rinig kong sabi ni Gisele.

Lumapit ako sa kanila at tumingin sa mga nakihelerang damit. Isa isa kong tinitignan ang mga damit, lahat ay makukulay at hindi ko mga gusto. Mas may gana pa akong mag shopping sa Aderlass kaysa mga brand na ito.

"Bagay sayo ito." Sabi ni Emma at hinarap saakin ang isang purple na dress. Napailing ako sa sinabi niya na hindi sang ayon. "Alam kong ayaw mo pero wala tayong magagawa, sige na subukan mong suotin."

Tinitigan ko siya saglit at kinuha ang damit. Kung hindi ako susunod ma ki-kick out pa ako sa sorority. Nag bigay din siya ng iba pang mga damit saakin at sinubukang suotin lahat. Lumabas ako para ipakita sa kanila, medyo naiilang ako at over my dead body.....hindi ko talaga type. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay nag mumukha akong 12 years old dahil sa kintab ng damit at mga koloreteng naka dikit sa damit.
Nakita kong ngumiti si Emma at pinag masdan ako.

"Bagay na bagay!" Sabi ni Gisele.

"Hmmm....mas babagay kung iibahin natin ang kulay ng buhok mo."

"Huh? Bakit?! Ayoko!" Gulat ko namang sabi.

"Hindi kasi babagay ehh. Masyadong dark."

Nakita ko namang tumango si Gisele. Pati ba naman ang buhok ko ay papalitan? Iba na talaga ito! Para akong nasa disyerto hindi na alam ang gagawin sa gitna ng kawalan. Pabalik balik din kami sa ibang store at nahihilo na ako sa gutom dahil hindi ako makapili kung ano ang bibilhin ko, buti nalang talaga at kasama ko si Emma dahil magaling siyang pumili ng damit at pumorma. Pumasok kami sa isang malaking salon na puno ng mga customers. Siguradong matatagalan kami sa paghihintay.

Cassidy's POV

"Is that even true? I'm tired of handling this sorority and other hoes are trying to complain all about it to Madam Esguerra." Maarteng sabi ni Cassidy habang kinukuskos niya ang mga kuko niya.

"Then stop them!" Sabi ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

"I know, Desmond and I are handling it."

"So guess Cass, my sorority and yours will have a big party tomorrow night!"

Ngumisi sa tuwa si Cassidy at napatayo sa kama. Buong buhay ni Cassidy ay umiikot lang sa party, shoppings at lahat ay gusto niyang mapasakanya. Dahil sa yaman ng kanyang mga magulang ay hindi na nag aalala si Cassidy sa future niya dahil alam niyang hindi siya pababayaan ng kanyang ama.

The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon