Hello my lovely readers I am very sorry for the late update because of my college life and I hope you enjoy this new update. 🦋 Godbless
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Aubrey's POV
Nagising si Aubrey habang katabi ang kanyang kasintahan na walang saplot. Bumangon siya at nag pasyang pumunta ng 5th floor para maligo dahil sa tagaktak ng pawis na ginawa nila. Iniwan muna niya ang kanyang kasintahan na tulog pa sa kama.
"Pupunta ka ba sa party mamaya? Niyaya kasi ako ng classmate ko na may party daw mamayang gabi sa Thetasorority."
"Huh? Ehh...hindi ko alam dahil may project na pinapagawa saamin ang prof namin."
May dalawang babae na nag uusap sa loob ng shower room ng pag pasok ni Aubrey, natigilan silang dalawang mag salita ng nakita nila si Aubrey na walang reaksyon sa harapan nila. Babatiin siya dapat ng isang babae ng nag salita si Aubrey.
"Labas!" tugon ng kanyang malamig na boses.
Natulala ang dalawang babae sa asta ni Aubrey at parehas silang walang kibo.
"Pero-"
"Ang sabi ko labas." Ulit ni Aubrey.
Natakot ang dalawang babae sa tingin ni Aubrey, tumakbo palabas ng shower room ang dalawang babae. Ngumisi si Aubrey at kinandado ang pintuan.
Si Aubrey ang Vice President ng sorority na matapobre at palautos. Mabilis uminit ang kanyang ulo at lahat ng mga babae sa sorority ay kinakatakutan siya dahil sa nangyare ang isang araw na nagawang awayin ni Aubrey ang isang miyembro ng kanilang sorority na itinulak niya sa balcony dahil lang sa isang rason na hindi suminod sa utos niya. Mahigit isang taon din ang babae sa hospital na nabalian ng buto dahil sa pagkahulog mula sa 4rth floor ng sorority house. Pinag tangkaan niya rin itong patayin kung mag sumbong man siya kahit kanino na si Aubrey ang tumulak sa kanya. Pero sa tagumpay niyang plano takot ang babae ang inilihim nalang ang lahat.
Sinimulan ni Aubrey na maligo at talagang sinasadya niyang paalisin ang mga babae kapag siya na ang maliligo. Kulob ang loob ng shower room at napapaligiran ng usok na halos lumalabo na ang paligid.
Wala sa sarili at malamin ang iniisip ni Aubrey habang sinasabunan niya ang kanyang sarili.
Napatigil si Aubrey ng may narinig siyang nag bukas ang shower sa kabila, napakunot ang kanyang noo sa inis at may iba pa palang tao sa loob ng shower room. Biglang lumingon si Aubrey at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay ng shower
"Ano ba! Hindi ba't sinabing-" binuksan ni Aubrey ang kurtina sa may dulo ng shower room na walang katao tao sa loob. Binuksan niya rin ang ibang kurtina kung saan lahat ng gripo ay bukas. Kinilabutan si Aubrey at isinara lahat ng gripo. Hindi maiwasan ni Aubrey na tumingin tingin sa paligid, walang ibang tao sa loob ng shower room maliban lang sa kanya.
Naramdaman ni Aubrey na parang may malamig na bagay na humipo sa batok niya na kinagawang napalingon siya. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso sa kaba dahil ramdam niya na parang may nagmamasid sa kanya at hindi siya nag iisa.
"Kung sino man nandyan hi...n...di nakaka...tawa huh!" nanginginig niyang sabi.
Walang sagot...
Mas lalong kinabahan si Aubrey ng may napansin siyang isang itim na anino sa likod niya. Pinag pawisan ang kanyang noo at nanginginig ang kaniyang mga kamay at binti sa takot.
"Psssst..."
Boses ng isang babae.
Mas lalong binilisan ni Aubrey ang pagkuskos niya sa sarili at inanlawan niya ang buhok niyang kanina pa'y may bula.

BINABASA MO ANG
The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)
Misterio / SuspensoThere's nothing would be worst than tasting hell. Evvelyn Izquierdo is a 17 years old girl who joined the Pi Lambda Phi Sorority after she has been passed in Hudsonvhille University. The sorority has become her 2nd family. All parties and wonderful...