Evvelyn's POV
Natapos ang first class namin after 20 minutes. Konti lang ang dictation na naintindihan ko ngayong araw dahil sa pagkalate ko kanina. Niligpit ko ang gamit ko at inilagay lahat sa bag ko.
"We haven't officially know each other. I'm Zeke Quinton."
Napalingon ako sa lalakeng katabi ko at nakaharap saakin ang kanyang kanang kamay na nag hihintay saakin para makipag shake hands.
"I'm Evvelyn."
"I know."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman?"
Ngumiti siya na napakatamis na ngiti at napatingin ako sa kanyang mga mapuputing ngipin.
"Ahh, wala kilala ka rin kasi ng mga tropa ko. Actually lahat ng member ng mga sorority kilala naming lahat." Sabi ni Zeke at kininditan ako.
So. . .Zeke Quinton pala ang totoong pangalan niya. Ang lalaking nakipag sayaw saakin kagabi sa Theta Sorority. Tumayo ako sa upuan at bumaba ng hagdan palabas ng classroom. Biglang naiba ang mood ko ng naalala ko ang lahat na nangyare kagabi. At kilala ko ang mga lalakeng katulad niya, masyadong player! High school palang ako may mga lalakeng lumalapit saakin na katulad niya! Playboy type! At pagkatapos non kapag nakahanap na ng ibang chicks! Iiwan kana! Ayoko na talaga sa earth!
"Wait up!" Sabi ng boses na nasa likod ko, pero patuloy parin ako sa paglalakad ko papuntang locker. "Sabing sandali ehh!!!" Hinagip niya ang kanang kamay ko at napalingon sa kanya.
"Ano ba!!! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba para hawak hawakan lang ako?!" Hindi niya binitawan ang hawak sa kamay ko at mas lalo niya itong hinigpitan. "Aray ko!!! Nasasaktan ako."
"Bakit ba napaka sungit mo?! Nakikipag kaibigan lang ako ehh!"
"Lier!" Siningamutan ko siya.
"What?!"
"Anong ginawa mo saakin kagabi? Umamin ka! Pinag samantalahan mo ako noh?! Iba ang damit ko nung pag gising ko!" Napalakas ang boses ko sa inis.
"Huh?? What're you talking about?" Tumingin siya sa paligiran namin at bumalik saakin ang tingin niya. "Hinatid lang kita kagabi sa sorority niyo dahil nahimatay ka sa kalasingan mo. And of course! Pinalitan kita ng damit dahil nung pagdating natin sa sorority house sinukahan mo pa ako!"
Napakurap ako ng dalawang beses at niyakap ang sarili ko. So does he mean that? Some strangers saw my. . . .
"Wag kang mag alala, hindi ako tumingin. Ako na nga itong nag mamagandang loob. Kung ibang lalake yon malamang narape kana!" Nahampas ko sa kanya ang notebook na hawak ko. "Aray! What was that for?"
"Thank you. . ." Mahinahon kong sabi sa kanya. "May point ka, siguro nga kung ibang lalake ang nakakita saakin siguro hindi ko na nasikatan pa ang araw ngayon."
Nagulat ang expression niya sa sinabi ko at napatahimik siya. Yumuko ako at itinago ang mukha ko. Nakakahiya ang nangyare kahit pa na sinabi niyang hindi siya tumingin lalake parin siya and mostly! Some strangers! But Thank you God, buhay parin ako ngayon dahil mga napapanuod ko sa mga news may mga babaeng kasing edad ko o mas bata pa saakin na nawawala at natatagpuan na patay na at narape.
"Ano. . . Maraming salamat talaga and sorry kung napag bintangan kita."
Napakamot siya sa kanyang kulot na buhok at ngumiti. "Maswerte ka at napunta ka saakin. Dahil kung hindi baka nga siguro wala kana talaga. Pero hindi libre ang ginawa ko."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Just in one condition." Lumapit siya saakin at inilapit niya ang mukha niya na konting galaw lang mahahalikan na niya ako. "Date me!"
Cassidy's POV
Galit na pumasok si Cassidy sa loob ng sorority house at pinag tataboy niya ang mga babaeng nakakasalubong niya.
"Get out of my way!!!" Mainit nanaman ang kanyang ulo.
"Cass! Halika!" Sabi ni Lexi na nasa hagdan.
Sinundan siya ni Cassidy paakyat sa 4rth floor at pumasok sa loob ng kwarto ni Aubrey. Nakatalukbong ng kumot sa kama si Aubrey at nasa tabi naman niya sina Emma at Gisele.
"So hanggang ngayon ganyan parin ang babaeng yan?" Galit na sabi ni Cassidy.
Tumingin si Emma kay Cassidy na may halong galit at hinanakit sa mukha niya. Only daughter si Cassidy sa Mendez family, at yun ang kinakagalit ni Emma kay Cassidy wala siyang ibang iniintindi kundi ang sarili niya lang at hindi ang mga sisterhood sa Sorority house. Unang araw palang ni Emma sa Sorority araw na niya talaga kay Cassidy pero dahil sa mga votes ng sisterhood si Cassidy ang naging President ng Phi Lambda Phi Sorority.
"Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" Tumingin silang lahat kay Gisele dahil si Gisele lang ang pinaka matalinong lahat sa kanila at dahil psychiatrist ang kinukuhang kurso ni Gisele may alam siya sa mga ganitong bagay. "Kasi may mga nababasa ako sa library about sa mga taong nawawala sa sarili."
"May point si Gisele." Sabi ni Emma. "Aubrey needs help."
"Baka kamo mental hospital ang kailangan nitong babaeng toh!"
"Girl's please!" Singit ni Lexi. "Aubrey needs us."
Tinarayan ni Cassidy si Lexi at nag rolled eye. "Okay fine! Let's go! I'll just get my car key."
Lumabas si Cassidy sa kuwarto at pumunta sa parking lot.
"Babe!"
Niyakap ng isang lalaki si Cassidy sa likod at biglang hinalikan ang kanyang leeg.
"Desmond! You scared me!"
Lumingon si Cassidy at niyakap ang kanyang boyfriend na si Desmond Sawyer President ng BKP (Beta Kappa Fraternity). 2 months palang silang mag kasintahan pero ang tingin ng karamihan sa kanila sa University para na silang mag asawa dahil sa pagtrato nilang dalawa sa isa't isa.
"Where are you going?"
"To hospital, dahil si Aubrey wala parin sa sarili hanggang ngayon at hindi namin makausap ng maayos."
"Yeah, yeah! I heard the news in all campus na nakakita daw si Aubrey ng multo! Baka ikaw na sumunod babe!"
Kumunot ang noo ni Cassidy at hinampas ang braso ng kanyang kasintahan. "Loko toh!"
Tumawa ng napakalakas si Desmond habang hinahampas parin siya ni Cassidy alam niyang pikunin si Cassidy at madalas niya itong pagtripan.
"Anyways, I have to go back in class I'll see you around."
Tumango si Cassidy at hahalikan niya si Desmond pero bigla itong tumalikod at naglakad papaalis.
"Love you. . ." Bulong ni Cassidy sa sarili.
Pumasok siya sa kanyang sasakyan at napaisip kung talaga bang mahal siya ni Desmond. Dahil kahit kailangan hindi binanggit ni Desmond na mahal niya si Cassidy. 2nd year in college sila nag kakilala ni Desmond sa party ng BKP (Beta Kappa Fraternity) dahil bago itong tayo na fraternity house. Unang araw palang nila magkakilala ay may nangyare na sa kanila, easy to get si Cassidy at buong campus na yata ng University naging boyfriend na niya. Pero kay Desmond lang siya nainlove na ganito. Minsan natanong ni Cassidy kay Desmond kung ano ba talaga sila at kung mahal niya ba talaga si Cassidy dahil parang sex friend lang ang relasyon nila, pero ang sagot lang ni Desmond ay mag kasintahan sila.
~~~~~~ 🦋
Until next chapter my lovely followers <3

BINABASA MO ANG
The Pi Lambda Phi Sorority ΠΛΦ (On-hold)
Mystery / ThrillerThere's nothing would be worst than tasting hell. Evvelyn Izquierdo is a 17 years old girl who joined the Pi Lambda Phi Sorority after she has been passed in Hudsonvhille University. The sorority has become her 2nd family. All parties and wonderful...