Part 2

280 13 0
                                    


"Hoy!"

Hay. Another exhausting day of boring classes. Tapos sa hapon, ang ingay at gulo pa dito sa daan. Noisy people are adding to the heat. TSk tsk.

"Hey, babaeng matangkad na nakawhite na short!"Haha napakadetailed naman nun.

Wait...nakawhite shorts ako ah. I looked back and I saw...of course, it's her...again. Akala ko pa naman our meeting was a one time thing. Hintuan ko na lang at baka mageskandalo pa lalo to, nakakahiya naman. Hay, can this day get any worse?

"Hay salamat tumigil ka din, dalawang oras akong naghihintay sa cafe. Nung nakita naman kita nagdirediretso ka, hindi ka pumasok kaya hinabol na lang kita. Wala ka talagang balak na siputin ako?" hinihingal niyang sabi habang nagpupunas ng pawis gamit ang bimpo niyang rainbow colors? Where did she buy it?

"Hello, tititigan mo na lang ba ako o mageexplain ka?"

"Sorry, nadistract lang ako dun sa face towel mo, rainbow kasi. San mo yan nabili?"Rainbow color. Is she gay?

"Ito? Gawa ko to, ako lang nagdye nito. Kaya ako lang meron nito. Anyway, wag mo na ibahin ang usapan. Di ba may usapan tayong magkikita tayo?"

Aba, talented. Artist siya? Anyway, ano nga bang pinaguusapan namin? May usapan ba kami? Malay ko bang sineryoso niya yung kahapon.

"Technically, wala tayong usapang magkikita tayo. May sinabi ka bang date at time? Ang usapan lang iinterviewhin mo ko. How you'll do that, it was up to you."I said obnoxiously. May point kaya ako, wala naman kaming usapan. Haha makalusot lang.

"Hindi ba obvious na same time same place dapat yun? Pasensya na nag-assume ako na may common sense ka."

Aba tinarayan din ako, siya na nga tong nang abala sa akin kahapon tapos humingi pa ng favor. Kapal talaga nito.

"Whatever miss, so iresched na lang. Bukas na lang at around 6pm? Okay? Okay. Sige Bye."I didn't wait for her to answer kasi hinihintay na ako nina mommy for dinner.

"No! Andito na ako, ngayon na natin gawin at hindi ako pwede bukas."

I looked back at her and nakita ko yung busangot niyang mukha na medyo nakakaawa nga. Ang hagard niya.

"Hindi talaga ako pwede miss, hinihintay na ako sa bahay nina mommy for dinner."

"Sama na lang ako."WHAT?! Grabe shameless talaga. What to do? Shit, malalate na naman ako.

"Sige na nga, just so you know, mahigpit ang security sa bahay namin."

"Grabe siya oh, bastos nito. Mukha na ba akong magnanakaw ngayon. Nakakaoffend ka."Sabay batok pa sakin. Siya na talaga ang pinakaFC na nakilala ko.

"Nag-iingat lang ako, may mas cute pa sayong nambubudol dyan."

"So nacucutean ka sakin."nakangisi niyang sabi. Smart ass.

"Whatever. Tara na nga."

----------

So...Dinner was interesting. Surprisingly, this girl, who's name is Jho pala, managed to charm the heck out of my parents and kuya. I knew she was funny and odd pero my family took a liking with her agad.

After dinner, tinapos na namin yung interview ko dito sa kwarto ko.

"So ano bang course mo and why research on student athletes?"I asked curiously. Since nakapunta na lang rin siya dito sa bahay namin at nameet na rin siya ng family ko, (which is odd dahil most of my friends nga hindi pa nakakarating dito, nauna pa sya) I might as well try to get to know her.

"Psychology. Wala lang, frustrated athete kasi ako. Hindi ko kaya pagsabayin yung studies and pagiging athlete. So medyo interesting para sa akin kung paano niyo nagagawa yun."

"Time management lang naman. Siguro kain tulog ka half of the day kaya hindi mo magawa." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Athlete pala din siya. Hindi naman siya mataba gusto ko lang siya asarin.

"Hoy, pasimple ka pang tumingin sa figure ko. Dukutin ko mata mo dyan." Binato pa nya ko ng unan. "And no, kain tulog ka dyan. May iba kasi akong mga responsibilidad na dapat gawin kaya kailangan kong iset aside yung pangarap kong makapaglaro sa UAAP. Sometimes you have to give up something to gain something." She looked pensive while she's saying this. Para bang she's lost in thought.

To be honest, that's one thing I've noticed. She could be funny, sarcastic and weird. If you first look at her, you'll think she's shallow at medyo mukhang lipad isip pero when you start talking to her you'll notice that there's something deeper than what meets the eye. It's quite fascinating. She's fascinating.

I don't know what made me do it, maybe it's the sudden tension in the room, pero I started to lean in. Daring for a kiss. But then, she pushed me.

"Anong ginagawa mo?!"she looked scandalized. She didn't wait for an answer and started to pack her things.

Unfortunately, parang naputulan ako ng dila cause suddenly I don't know how to speak.

"Pakisabi na lang sa family mo, thank you sa dinner. Salamat na din sa interview. I have to go." with that said, she's gone.

Shit Bea ,tanga ko what the hell have I done!


Whispers on the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon