Part 6

160 14 0
                                    

If they told me to choose between the stars and you, I'd choose you in a heartbeat. Why does it seems like you're farther than the stars for me to reach?

I've long since learned that when you're dealing with heartbreak, there will be good days na akala mo ayos ka na, and then, there will also be bad days when mararamdaman mo na masakit pa rin pala. Today is another bad day for me, ewan ko ba. Maybe I woke up at the wrong side of the bed kasi my first thought was of her. Namimiss ko na naman siya. So as usual I wrote a note for her.

"Why are you so good with words?"

"Oh my God, you almost gave me a heart attack!" I said as I clutch my chest. Kakalagay ko lang kasi nung note ko sa wall nang bigla siyang nagsalita mula sa likuran ko.

"Ang OA, aatakihin agad sa puso kabata bata mo pa tapos atleta ka pa."

I just rolled my eyes at her. Mahirap ba para sa kanya sabihin ang 'sorry', "Bakit ka andito? Inaabangan mo ba ako?"

"Ikaw agad ang dahilan? Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang at feel ko uminom ng kape?"

"Well I mean, napapadalas ata yung punta mo dito since nakilala mo ako." Kumunot naman ang mukha niya sa sinabi ko.

"Matagal na kaya akong napunta dito, hindi lang natin kilala ang isa't isa kaya hindi mo lang napapansin. Bakit ang yabang mo ata ngayon?"

"Mayabang agad? Whatever." Yun na lang ang sinabi ko at bumalik na dun sa usual seat ko. As I've said I'm having a bad day kaya wala ako sa mood makipagkulitan ngayon.

"Anong problema mo?" I shouldn't be surprised that she followed me at umupo ulit sa table ko.

"Nothing. Gusto ko lang ng PEACE and QUIET." Of course I stressed the word PEACE and QUIET.

"Lalo mo siyang mamimiss sa PEACE and QUIET mo dyan."

"What? You don't know what you're talking about." I know I'm being rude pero I really don't feel like being nice to anyone specially when I'm feeling shitty.

"Okay, whatever you say. It's your choice naman. Kung gusto mong magmukmok dyan sa tabi be my guest but if you want to talk andun lang ako sa corner na yun, nainom ng kape. Owkie, ciao." She left and sat on the opposite corner.

Yeah, whatever. Kinuha ko na lang yung book ko at nagsimulang magbasa.

After a few minutes, I can't help but glance at her direction. Kita kong may inorder na nga siyang coffee tapos may kinuha siya dun sa bag niya. Of course, the buy one take one Angel's burger. It seems like hindi lang ako ang nakapansin nung burger niya kasi nakita kong nakatingin din sa kanya yung lalaking nasa tabi ng table niya.

"Kuya, gusto mo rin ba?" Napansin din siguro niya yung judgmental look nung lalaki kaya inalok niya. The guy just stared at her as if she's the weirdest girl he's ever seen.

"Ayaw mo? Tikman mo baka sakaling lumiwanag ang mukha mo. Kanina ka pa kasing nakasimangot." She said it so innocently as if hindi nakakaoffend yung sinabi niya. Mukhang nagalit yung lalaki kaya agad naman akong tumayo para puntahan siya.

"Sorry kuya, pagpasensyahan niyo na itong kaibigan ko, nalaglag kasi ito sa kama nung baby." Syempre I gave him my sweetest smile para naman mas effective yung apology ko, tumango na lang ito at umalis na.

"Naghahanap ka ba ng away?" Baling ko kay Jho.

"Ha? Anong masama sa ginawa ko? Nagmamagandang loob pa nga ako dahil ishashare ko sa kanya yung burger ko, baka sakaling sumaya siya. Ano bang meron sa hangin ngayon, ang lulungkot ng tao? Ikaw tapos ka na bang magmukmok dun sa tabi?" Tanong niya sakin habang nginunguya yung burger niya. Didn't her mom teach her not to talk when her mouth is full?

Whispers on the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon