Part 7

156 13 0
                                    

"The usual, Bei?"

"Yup, ate. Thanks." Since halos every day naman ako dito sa cafe, kilala na ako ng may-ari nito, si Ate Ly. Naging close friends na din kami. She's one of the people who knows my story too. She also shared her story, how text messages brought her to the love of her life. Medyo cute nga yung story nila ni Ate Den. Kaya ang sarap tumambay dito, lalo na kapag andito sila pareho. I can see how they really love each other kahit puro kulitan sila. It makes me believe in love again, na it's possible to have a love like theirs.

As I get my drink lumingon lingon ako, tiningnan ko yung Wall, balak ko kasing magbasa ulit. Surprise...surprise. Jho was standing there. Mapuntahan nga, gugulatin ko, hihihi.

"Huli ka."sabi ko sabay tusok yung tagiliran nya.

"Ay anak ng tïpaklong."Hahaha, her face man. At napatalon pa siya. Success!!

"Bwisit kang damuho ka. Aatakihin ako sayo sa puso."

"Kasi naman ang laki laki kong tao, ang laki laki pa ng mata mo, hindi mo pa ko napansin. Masyado kang busy dyan. Nagbabasa ka na naman? May bago ba? Patabi, magbabasa din ako."Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya.

"Hoy ginawa mo pa akong poste. bigat mo."she protested pero hindi namna niya tinanggal yung kamay ko.

"Shhhh, andami na agad bago. Ito look at this 'sabi nilaobvious daw na mahal kita, pero bakit hindi mo makita?' Hay, may mga tao lang talagang manhid."

"O baka naman may mga tao lang na nagpapakamanhid. Yung nakikita lang yung gustong makita. Naririnig lang yung gustong marinig."

Napatingin ako sa kanya "Wow, bitter?"

"Nope, just stating a fact. How about this 'I just want to be yours'. I like it, simple but sweet and honest."

"Nice find. Oh this one's different I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen. Hmmm..." Silver note. Siguro kanya din yung scented na nabasa ko dati. Tiningnan ko yung wall, medyo madami dami din yung silver notes. Hindi naman siguro iisang tao ang may sulat nito, iba-iba kasi ang ink ng ballpen.

"What? Bakit natahimik ka?"

"Nothing, just thinking about that note."

"Anong meron?"she asked curiously.

"Wala, ang ganda lang ng pagkakaenglish. Hindi katulad nitong isa 'I like you. You like me, so why do we complicate?"I said laughing, trying to change the subject.

"Tawanan ba naman, trip ko nga tong 'Sana hindi na lang kita nakilala. Manloloko. Mahulog ka sana sa imburnal." Tawa naman siya ng tawa. Nagbasa lang kami ng nagbasa at nagcomment ng nagcomment.

Nung hapon na nagpaalam na siya dahil may gagawin pa daw siya. As I watch her go, those same words echo in my head. ' I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen.'

Hmmm.. Actually I feel the same way. Para bang my gut is telling me na may iniintay din akong mangyari pero hindi ko malaman kung ano at hindi ko sure na mangyayari yun? Ewan ko kung bakit si Jho ang unang pumasok sa isip ko.

"Bei!" Si Ate Ly pala kasama na niya si Ate Den. Andun na siguro yung cashier nila kaya makikipagkwentuhan panigurado ang mga ito.

"Hey lovebirds!" Bati ko sa kanilang dalawa.

"Uy aso, kailan ka pa naging bird?" Simpleng tukso ni Ate Den kay Ate Ly.

"Hindi ako bird, pero Love kita." Simpleng banat agad ni Ate Ly na binatukan lang ni Ate De.

"Haha, you two are always so cheesy. Relationship goals talaga kayo."

"Nagtaka ka pa, sa ganda kong to, hindi na ako papakawalan nitong si pusa, aray naman Den." Kinurot kasi sa tagiliran ni Ate Den.

Whispers on the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon