Part 9

163 12 0
                                    

"Oist, Jho bored na ko. Entertain me." Nagkapalit na ata kami, ako naman ngayon ang nangungulit sa kanya.

"Mukha ba akong clown. Entertain yourself." she said as she continue to doodle at the tissue. Ang taray, parang hindi siya ang nagyaya sakin na pumunta dito. Ngayon dededmahin niya ko. Hindi ito pwede, kaya naman hinablot ko yung tissue niya.

"Patingin nga, ano yan? Love letter for me?" I teased her. Pero nung nakita ko, nanlaki naman ang mata ko...tumingin ako sa kanya ng nakasimangot.

Nginisian lang ako ng bruha.

"Ano 'to?!"Alam ko naman kung ano yun, gusto ko lang ng explanation.

"Ikaw."

"Sa ganda kong 'to, magiging ako yan?" Kahawig ko lang yung nasa picture pero pinapangit na ako. Walang hiyang ito.

"Ikaw nga yan, caricature mo, cute di ba?"Nang-asar pa si gaga.

"I know, I don't have the best nose, but Jho naman ginawa mong pinitpit na tomato yung ilong ko dyan tapos yung mata ko dyan halos wala ng eyeballs sa kasingkitan."pagmamaktol ko.

"Ganyan kaya ang itsura mo kapag nakabusangot ka, hahaha. At magpasalamat ka, ginawa pa kitang muse."Ang lakas talaga ng trip ng babaeng 'to. Enjoy na enjoy talaga siya dahil hanggang ngayon natawa pa din siya.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga, aayain ako tapos dededmahin tapos ibubully." Siyempre sinamahan ko na din ang arte ko ng pagtayo. Success, pinigilan niya ko.

"Arte nito, umupo ka. Sorry na, ang sarap mo lang kulitin. At akin na nga yang tissue, pipirmahan ko."Kinuha niya nga yung tissue at pinirmahan, then she folded it carefully at sinipit sa wallet ko.

"Ayan, itago mo lang yan, huwag mong iwawala yan. Kapag nalulungkot ka o feel mong bumusangot ng ganyan, titigan mo lang yan para maalala mo kung gano kasagwa yung mukha mo. haha. Joke lang. Itago mo yan kasi wala ng ibang makakagawa niyan ako lang, para maalala mo lagi ang napakagandang si ako, hehe."

"Kung gusto mong maalala kita lagi bakit hindi na lang pic mo ang ibigay mo sakin, hindi itong pagmumukha ko na binaboy mo?"Well, itatago ko naman talaga yung ginawa niya kahit hindi niya sabihin. Not because malilimutan ko siya but because I value every part of her and every memories we share.

"Choosy pa, kapag pic ko baka ipakulam mo pa ko. Yan na lang, para safe."

"Unbelieveable, ipapakulam? never. Gagayumahin? Pwede pa."I said playfully. Siya naman aasarin ko ngayon bwahaha.

"Talk to my hand." Sabi ko na nga ba hindi ako mananalo sa taong to.

"Sungit talaga. Bibigyan pa naman sana kita ng pic ko para remembrance. Huwag na lang at daig mo pa si wicked witch of the west. Baka magduwal pa ako ng uod"

"Haha, hindi ko naman kailangan ng pic mo." She laughed and then looked at me slowly, "I don't think I could ever forget someone like you."she said it simply but it made my heart stutter.

"Ilong mo pa lang tatak na sa utak ko."There she goes again ruining the moment, so I just rolled my eyes at her. Sometimes ganyan talaga siya kaconfusing, she'll turn serious to kidding in a blink, nakakawhiplash.

"Maganda na sana. Ginaganyan mo ko pero sa huli, mahuhulog ka din sakin."I said smugly. I was actually looking for a reaction, sakyan niya kaya trip ko? maging defensive kaya siya?

Pero...

Nginitian lang ako at nagchange topic...as usual

"Oi nga pala kailan ka ulit maglalagay ng note dun sa cafe? Nandun ako nung isang araw, naghahanap ako ng bagong notes, wala akong makitang blue note with silver ink."

Whispers on the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon