Chapter 3

21 1 1
                                    

"Saan na yung mga projects naten Ella?" Agad na bungad ng walang bisang President namin. I handed him the folders and then the papers to be attached for compilation.

I was about to turn my back when he tapped me and said "JOB WELL DONE". I smiled weakly. Medyo nakakapagod na din kasi yung lagi ka nalang utusan sa lahat ng bagay. Kaya naman nilang gawin pero iuutos pa. Aish. How I wish sana yumaman nako agad-agad. Pero matagal pa ata. Gagraduate pa lang ako sa kursong "INTERNATIONAL STUDIES" ehh. 4th year pa lang ako at kailangan ko pang humanap ng trabaho. So mga after 200000 years ba bago ako yumaman. Huhu. </3

Hindi ako nala-late sa klase. Never. Kaya nagtaka ako ng andun na si Sir sa room. Since nakatalikod siya, pumasok ako ng madahan. Alam ko naman na malabo na ang kanyang mata para makita pako. :D

"San si Ms. Manalo?" tanong ni Sir sa buong klase. Napatingin naman silang lahat sakin habang ako tagaktak na ang pawis sa takot. HUHU. Ayoko mapatawag sa opisina niya. Balita ko pa naman, nasisiraan ng bait ang pumapasok dun tapos lumalabas ng may sapi. T^T

Nakita ako ni Sir. He widened his eyes while staring at me. I bowed for several times saying sorry. Yung parang koreana lang habang nagsasabi ng sorry. :D Siyempre, kelangan ko umacting para hindi mapagalitan. Mahirap na pag napagalitan. ;) Siguradong wala ng matinong ELLA MANALO ang lalabas. :DDDD

"Magkita tayo Ms. Manalo after our class." Halos maluha ako sa narinig ko. Hindi to pwede. Umabsent kaya ako? Umuwi kaya ako? Mag-cutting kaya ako? Huhu. Pagkalabas ni Sir ay sumunod na din ako sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko habang papalapit na kami sa opisina niya. T.T Superman, asan ka na ba? :/

Kaso walang superman na dumating. At yun, broken hearted ako ngayon at kasalanan ng lalaking nasa labas ang brief ito. Ikaw lang ang sisisihin ko pag napa-mental ako bukas o makalawa!

"Ms. Ella Manalo, you are this year's exchange student. You'll be studying in Korea for 6 months. Don't worry. The school will provide everything you'll need. And one more thing, your passport is done and in two days you will leave."

Lutang akong lumabas ng opisina. Maluha-luha ako na naglalakad sa corridor namin. Pangarap mo ito Ella, matagal mo ng gustong makapunta sa Korea. Matagal mo ng gustong makita ang harap ng SMEnt building at ma-meet ang mga k-idols. Pero sorry ka, pupunta ka dun para mag-aral at hindi lumandi. Hindi ka pupunta dun para mag-audition or whatsoever. Aissssh. </3 Talaga palang lumalabas ng may sapi ang sinomang papasok sa opisina na yun. :/

OverdoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon