Kyungsoo's POV
*Flashback*
"PROBLEMA MONG BAO'T BAKLA KA? HINDI MO BA ALAM NA HALOS MAMATAY AKO SA PAG-IISIP KUNG BAKIT KA GANYAN? HINDI MO AKO PINAPANSIN KYUNGSOO. AT ANG SAKIT DITO. HINDI KO DIN ALAM KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO DAHIL KAHIT MINSAN AY HINDI KO TO NARAMDAMAN. BWISIT KA ALAM MO YUN? KUNG AYAW MO SAKIN, SABIHIN MO LANG. HINDI KO NAMAN ISISIKSIK SARILI KO SAYO!"
Hindi ako nakaimik. Napupuno ang utak ko sa mga sinabi niya. Hindi ko inaasahan na may gusto na pala ang babae na maton na ito sa akin.
"UMIMIK KA NAMAN KASI. BAKIT GANITO TAYO KYUNGSOO? ANG SAKIT NA EH. *Upo habang naiyak* MAS GUSTO MO SI JENA? OKAY LANG NAMAN. PERO KAHIT YUNG PAGKAKAIBIGAN LANG KYUNG. DAHIL ALAM KO NA HINDI KO MATUTURUAN YUNG PUSO MO NA MAHALIN AKO. LANGIT KA DI BA? LUPA AKO. HINDI TAYO BAGAY. I LOVE YOU KYUNGSOO. </3"
Wala na akong magawa. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang kaniyang nararamdaman. Alam kong nasasaktan siya at kita ko yun sa kanyang mga mata. Hindi ako sigurado sa gusto kong mangyare. Nabigla ako,aaminin ko. At hinalikan ko siya.
*Sa bahay*
Nagulat ako na nakaimpake ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit. Lilipat na ba kami? At nakita ko na lang ang sarili ko na papasok na sa loob ng kotse namin kasama sila Daddy at Mommy. Business trip daw. Aish. Ilang araw,linggo,buwan naman kaya akong mawawala? Aish. Hindi ba nila alam na aalis na si Ella in two weeks? Kung ano na naman ang iisipin ng isang yun. :/
*End of flashback*
One month na pala ang nakalipas. Parang kahapon lang ay binubulabog pa ako ni Ella. Okay na din ito. Para siya na mismo ang lumayo sakin, mas gusto at okay naman sila ni Baek hyun eh. :/
"OYY! Ang tagal mong nawala. Ikaw ah? Anong masasabi mo sa ginawa ni Ella?" asar na bati sakin ni Baek. Isang buwan nga naman kasi akong nawala. Ni hindi ako nagpaalam dahil biglaan din ang lahat at alam ko na ito ang mas makakabuti saming lahat.
"Ayos lang. Kauuwi ko lang kahapon. Andito pa ba sila Jena?"
"Wala na. Kadadating ko lang galing airport eh. Hinatid ko na sila kanina. Graduation na nila after 2 days eh." -Baek
Mas gusto sana akong itanong kay Baek. Kaso nakakahiya naman. Mukhang masaya naman siya eh. Mukhang SILA na ni Ella. Nakikita ko na seryoso si Baek kay Ella. Kaya panatag ako. :)
"Ahm. Kamusta panliligaw mo kay Ella?"
"Halika Kyungsoo. May aaminin ako sayo." Sabay hila niya sakin sa isa sa mga bench na nasa quadrangle. Pisti. Kinakabahan ako. Ano sasabihin niya? Buntis? Sila na? Aish. Ano nga!!!!!!! -_-
"Wag kang magagalit Kyungsoo. Pero palabas lang namin ang lahat. Gusto lang namin na maging okay kayo ni Ella kaya ginawa namin ito. Pero sa halip na maging okay, lumala ang lahat. Ikaw naman kasi brad, ang hard-to-get mo. Obviously, alam naman namin na may pagtingin kayo sa isa't-isa." Nagulat ako sa mga napakinggan ko. Dafuq. Palabas? Ano kami characters? Bwisit.
"Wh-what? Anong namin?"
"Si Jena talaga ang gusto ko Kyung. Siya ang mahal ko. At girl friend ko na siya." -Baek
"FVCK Baek. Hindi niyo ba alam ang laki ng gulo na nagawa niyo? For all these days, akala ko sasaya sayo si Ella kaya pinigilan ko ang nararamdaman ko. Alam mong one-of-a-kind ang mga tipo ko di ba? Bwisit naman Baek. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo ako sa kanya, kasi kaligayahan mo ang iniisip ko. Ayaw kong saktan ka."
"Kaya nga ibinibigay ko na sayo ang kaligayahan mo eh, at si Ella yun. " -Baek
Wala akong masabi. Bwisit. Ang sarap sakalin ng lalaking ito hanggang mamatay. Ngumingisi pa ang loko. Ugh. -_- Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala na dito si Ella. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya. </3