"WHAAAAAT ELLAAAA?" Agad na bulyaw sakin ni Mama habang kumakain kami. Sinabi ko na kasi na aalis nako para mag-aral kasi nga I'll be leaving in 2 days at mawawala ako for 6 months. So natural, kailangan ko ng sabihin.
"Kaya pa naman kitang pag-aralin Anak ah? Bakit dadalhin ka dun? Ay, hindi ako payag. Igagapang kita. Jusko. Magtatapos ka na nga tapos ipapadala ka dun. Nako Ella. Tumigil sila." Galit na galit si Mama. Akala niya kasi kaya ako dadalhin dun ay dahil hindi nako kaya pang pag-aralin. Shunga lang? XD
Ipinaliwanag ko naren kay Mama ng mas malinaw para hindi na siya mag-panic. Inisa isa ko pa lahat ng detalye. At ayun, after 1 hour naintindihan at na-gets niya din ang point ko. Kahit parang ayaw ni Mama, wala naman siyang magawa kasi malaking opportunity ito para sakin. Makakapag-aral ako sa Korea ng libre. Pero hindi ko na sinabi yung hidden reasons pa, baka mabatukan ako ehh.
"Lalabas lang ako Nak."
Lumabas muna sandali si Mama. Ako naman ay patuloy lang sa pagi-impake kasi medyo madami din akong dadalhin. Pati mga notebooks ko at yung stuffed toy ko na katabi ko pa pagtulog ay isinama ko na. Iiyak na sana ako dahil sa lungkot ng dumating ang mga kaibigan ko. Umiiyak silang lahat na yumapos sakin. Tinignan ko sila at napahagalpak ako kasi ang dugyot nilang umiyak. HAHAHAHAHA. :'D Kadiri eh. Beyen. -_-"
Umakyat muna kami sa bubong. Dun namin binalikan ang masasaya naming alaala. Nagtawanan kami at nag-asaran. At napahagulhol na din ako sa lungkot. Hindi biro ang 6 na buwan na mawawala ako. Mamimiss ko sila at masakit sa puso na iiwan ko ang buhay ko for 6 months. Walang kaibigan, walang katawanan, walang magulang, wala sa sariling tahanan, wala sa Pinas.
Bago matapos ang gabi ay ipinabaon nila sakin ang mga luma nilang damit. Siyempre, mga panlamig para daw magamit ko. :))) Kahit na luma na at kupas ang kulay ay tinanggap ko yun. :D